Chapter 27

1.1K 84 10
                                        

Pilit ipinufocus ni Edward ang atensyon sa stage. Tinatap pa niya ang mga paa sa saliw ng tugtog.

Tiningnan siya ng masama ng sound engineer na nagpahinto sa kanya. Nababaliw na nga siya pati ibang tao nadadamay na rin.

Sa kabilang dako nng glass partition, inalis na ni Carl ang gitarang nakasabit sa kanyang leeg. "May mali,eh."

Lumapit si Edward sa microphone at pinindot ang button para marinig siya ng band members. "Anong sinasabi mo? It sounds great from here."

Lumabas si Carl sa pintong naghahati sa dalawang kwarto. "Nope. It sounds like shit. Puro lang angas pero wala yung galit, alam mo yun."

Galit. Napalunok si Edward. Nitong mga nakaraang araw, siya na ata ang pinakagalit na tao sa buong mundo. Kulang nalang ay sapakin niya ang sarili sa galit.

Si Nonong ang band na puno ng tattoo ang mukha ay nagsumiksik din sa pinto sa tabi ni Carl. "Everything today sucks, man."

Biglang sumirit ang emosyon kay Edward kaya't bigla siyang napatayo mula sa upuan.

"Puro kayo reklamo. Just get yourself together!"

Tulalang nakatitig lang sa kanya si Carl.

Samantalang tuluyang lumabas ng ng pinto si Nonong, lumapit sa kanya at dinuro siya sa dibdib. "If anyone's moping it's you. You're bringing the mood down, man."

Napayuko nalang siya ng ulo. Totoo naman yun. Kahit anong gawin niya, hindi maalis sa isipan niya si Maymay. Parang tinotorture lang siya na manood ng slide show. Simula nung nakasuot ito ng gown na may mahabang slit at strappy heels, ang magulo nitong buhok na nagkalat sa kama noong sa sa bed and breakfast cabin, ang cute na puwet nito sa yoga pants na suot, at ang likod nito nung paalis na sa bahay nina Marco at Vivoree. Mag iisang linggo na mula ng huling magkita sila.

Kinakain siya ng kaba, kabang hindi niya maipaliwanag. Gusto niya gumawa ng paraan. Paraan para maayos ang lahat sa pagitan nila ng dalaga. Pero alam niyang hindi niya kaya. Kahit gaano kasakit ang paghihiwalay nila, hindi niya yun magagawa baka iba na naman ang isipin ng dalaga.

Itinaas na lamang niya ang dalawang kamay bilang pagsuko. "You are right,guys. Hindi lang ako mapagfocus sa ngayon. You deserve better. Promise, pinipilit kong magfocus kaya lang mahirap."

Nasurpresa siya ng tapikin siya ni Nonong sa balikat. "Problemang babae ba?"

Tumango lang si Edward. Hindi niya kayang magsalita.

"Matagal bago ko naintindihan ang advice ni Mama na umoo lang at sundin ang lahat ng kagustuhan ng mahal ko. Masaya siya, syempre masaya rin ako. Alam mo yun?" kumindat pa si Nonong sa kanya.

Tumayo ang mga buhok ni Edward sa batok. Hindi naman sex lang ang nasa isip niya kahit ganun ang tingin sa kanya ng iba. Ang totoo, wala siyang kakayahan para mapasaya si Maymay.

"Ahmm, sure. Thanks for the advice." sabi niya sabay tingin sa relo. Ala una na pala. "Magbreak muna kayo ng isang oras."

Arawan ang pagbayad nila sa studio kaya kahit anong kagustuhan niya umuwi at uminom nalang ng beer, hindi pwede kasi kakapusin ng budget. Plus, bukas na gaganapin ang charity event ng kanyang ina so kailangan habulin nila ang pagrecord ng tatlong tracks ng music.

Tumayo ang drummer. Mukhang bangag na naman. "What's up?"

"Maglunch break muna daw tayo habang inaayos ni Edward ang magulong utak niya." sabi ni Carl na naglakad na papuntang main office. "Bilisan mo na."

Nagkibit balikat si Edward. Hindi alam kung paano pero tama si Carl, kailangang ayusin niya ang sarili.

*******

Ninerbyos na binuksan ni Maymay ang isa pang window sa kanyang desktop habang panaka nakang sumusulyap sa pinto. Ilang beses na niyang nalusutan si Christian sa araw na yun pero mukhang patapos na ang kanyang swerte.

Pagkatapos kumuha ng bullet points mula sa website. Isa-isa niya nireview ang mga requirements. Bachelor's degree, three-five years of experience, at passion for success.

Inubos naya ang oras ng umagang yun sa paghahanap ng bagong trabaho. So far, tatlo lang nakakuha ng kanyang atensyon. Maging realtor, blogger at home decorator. Pero parang may mali. Ang problema ay wala siyang sapat na qualifications para sa tatlong yun. Isang tingin lang ng employer sa kanyang resume, siguradong pagtatawanan siya.

Sa likod niya tumunog ang door knob. Impossible talagang iwasan si Christian buong araw.

Pilit siyang naglagay ng ngiti sa labi bago pinaikot ang upuan paharap dito.

Pulang-pula ang mukha nito habang iwinawagayway ang isang newspaper sa mukha niya.

"Alam mo ba ito?"sabi nito na tumalsik pa ang laway na nagpangiwi sa dalaga.

"Ano yan?"

"Fenech Lopez is canceling her wedding!"

Mas lalo pang namumula ang mukha nito sa kada minutong lumilipas.

Nagcross legs si Maymay. "Oo. Alam ko."

Ilang segundo ding para luluwa ang mga mata ni Christian sa narinig. "Ano? Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin to?"

Nanggagalaiti ito sa galit.

Pasimpleng inayos ni Maymay ang paldang suot. It was her news to tell. Gusto ko siyang bigyan ng chance na makausap muna ang family niya at ang kanyang fiancé. Mali naman ata na pangunahan ko siya na ibalita sa iba na hindi na matutuloy ang kasal niya."

"This is unbelievable." Itinaas na lamang ni Christian ang mga kamay. "Ano na lang ang magiging reputasyon ng MW Hotel? Ano? Tatawagin ka na rin namin ngayon na unwedding planner? "

The unwedding planner. Sa mga nagdaang nangyari sa buhay niya, yun siguro ang angkop na trabaho sa kanya. Yun nga lang hindi nagiexist ang ganun.

Pinilit niya ang sariling ngumiti. "It looks like nagkabakante na sa calendar natin. Saka hindi naman na natin ibabalik ang deposit nila kasi part yun ng contract."

Hindi naman gaanong mawawalan ang hotel dahil sa cancellation ng kasal lalo kung makakahanap sila ng pamalit na event. "Maybe we should consider throwing a charity event in its place."

Pinagsalikop niya ang mga kamay habang naghihintay ng sagot nito.

Go big or go home. It was time to pursue the new priorities in her life.

************************************

Kita nyo yung IG post ni Edward? Waaah! Emojing baby! 'Nak ng tipaklong! Hahaha

Anyways, ilang chapters to go na lang tayo. Will to try to update more often. Pagod lang galing sa work lately kaya hindi nagagawa.

Cenxa na po. :)




Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon