Pinilit ni Maymay na kumilos ng normal kahit pa madaming katanungan na tumatakbo sa isip niya, kabilang na doon kung saan sila pupunta.
Nakikinita pa rin niya ang reaksyon ni Heaven sa ikinilos nilang dalawa ni Edward ngunit narealize niya na walang siyang pakialam kung ano man iniisip nito. Pagkatapos ng pagkikita nila ng kanyang ama, napagod na siyang magpanggap na masaya.
"Bakit pala tayo aalis?" sa wakas naitanong niya sa binata.
"Isasama kita kung saan pwede kang maging masaya. Total nakabihis rin lang naman tayo, lubos-lubusin na natin." nakangiting sagot ni Edward.
"Sigurado kang okay lang kina Ellise at McCoy na umalis tayo?"tiningnan pa ni Maymay ang dalawang kaibigan. Naisip niya na baka hanapin sila ng mga ito o kailanganin ulit ang tulong niya.
"Oo naman, 100%. Tingnan mo naman, pareho silang busy sa pag entertain ng ibang bisita. We don't need to waste our time here. Let's go?"
Ang determinasyon sa boses ng binata ang kumumbinsi sa kanya. Mabuting kaibigan si Ellise, siguro naman mas gugustuhin din nito na masaya siya. Saka napagod na rin siyang tumingin sa mga taong buong gabi para siya lang ang tinitingnan at pinaguusapan.
Bumalik sa isip niya ang isang tao, si Heaven. Naalala niya ang masayang mukha nito ng makita si Edward. Kung hindi sya nagkakamali, naging usap-usapan din ang pagdidate ng dalawa dati.
"Sa mga babaeng nandito, ilan ba ang nakadate mo?" pagtatanong niya sa binata dahil baka iyon ang dahilan kung bakit ito sumang-ayon na maging kadate niya. Para gawing panangga sa mga babaeng naidate nito.
"Secret!" nakangiting sagot ni Edward.
Napabuntong hininga si Maymay. "Pero naalala ko, idinidate mo dati si Heaven. Bakit ganun? Parang hindi siya galit sayo.""Bakit naman siya magagalit sa akin?"
Tanong ni Edward habang nagmamaneho."Kasi nga dinate mo sya tapos iniwan sa ere gaya ng iba pang babaeng nakadate mo." Matagal na niyang kilala ang binata upang malaman ang pagiging palikero nito.
"Simple lang. Masaya akong tao. Gusto nila akong kasama para maging masaya. So yon, pag wala na yung saya. Mutual decision yung break up. Move on na kami." paliwanag ng binata.
Naisip ng dalaga kung ganun ba kasimple ang pagmomove on? For sure may mga damdaming nasaktan dahil sa hiwalayan, aminin man o hindi.
Napatingin sa gawi niya si Edward. "Nasa expectation kasi yan. Kailangan mababa lang ang expectation mo para hindi ka masaktan o madisappoint. Pwede kitang turuan kung gusto mo."
Napanganga si Maymay, "Ako? Tuturuan mo?"
"Oo, tuturuan kitang maging masaya. Kung ano man yang iniisip,hindi yon." natatawang sagot ng binata.
"Alam ko din naman kung paano maging masaya." naiinis na sagot ni Maymay.
Wala na siyang oras para sayangin. Kailangan pa niyang hanapin ang kanyang the One, magpakasal at magkaanak bago pa kumulubot ang balat niya o tuluyang mawala ang egg cells sa katawan niya. "Alam ko pero mas marami akong alam kung paano maging masaya. Kung hindi mo pa alam, ako ang Minister of fun."
"Minister of fun? Anong pinagsasabi mo?" tanong ng dalaga.
"Gusto mo ba ang Harry Potter? Siguro naman nabasa mo na yun."
"Harry Potter? Yung children's book?"
Napailing nalang si Edward at napabuntong hininga. "Basahin mo ang buong series ng Harry Potter. Yan ang pangalawa mong assignment."
"Wait! Anong pangalawang assignment?" nagtatakang tanong ni Maymay.
"Diba nga nag offer ako na pasayahin ka. Sabi mo alam mo na kung paano maging masaya. I'm here to prove you wrong. This is your first assignment." paliwanag ni Edward bago inihinto sa isang parking lot ang sasakyan.

BINABASA MO ANG
Crossing The Line
FanfictionNafriendzone ka na ba? Fate sometimes plays tricks on us. Kung kailan hindi pa tayo ready, saka may dadating. Kung sino pa ang hindi nating inaasahang mahalin, yun naman ang ibibigay. They have known each other for quite a long time. What would i...