Chapter 3

1.4K 94 6
                                    

Hinigpitan pa lalo ni Maymay ang hawak sa bag niya habang naghahanap ng pamilyar na mukha sa party. Nabusy na sa mga bisita ang newly engaged na si Ellise at McCoy.

Si Edward naman ay hinahanap ang mga kaibigan na sina Vivoree at Marco nung pumasok sya ng cr para magretouch.

Dahil sa kahahanap sa mga kaibigan, hindi namalayan ni Maymay ang palapit na waiter kaya bumangga sya dito dahilan upang ma-off balance sya. Sa paghahanap ng makakapitan,  napahawak siya sa braso ng isang lalaki. 

"I'm so sorry."

"Marydale." sagot ng kaharap.

Pag angat niya ng tingin, nakita niya ang isang pamilyar na mukha.

"Dad?"

Alam niyang magkikita din sila ng ama ngunit hindi sa ganitong paraan.  Wala na naman itong gagawin kundi batikusin sya.

"Maymay, its good to see you here. Ang ganda-ganda mo,anak." sabat ng ina niya na katabi nito bago siya niyakap. 

Gumanti din siya ng yakap.

"Ahherm!" paglingon niya nakita niyang nakatayo si Edward sa tabi nila bago nagpakilala. "Good evening po, kayo po ba ang parents ni Maymay? Ako po si Edward." sabay abot ng kamay sa matandang lalaki.

Pinasadahan muna ng tingin ng matandang lalaki si Edward mula ulo hanggang paa kaya hindi nakaligtas sa mata nito ang kanyang suot na converse bago tinanggap ang pakikipagkamay ng binata.

Hindi mapakali si Maymay. Buong buhay niya ginawa niya ang lahat upang mapasaya ang mga magulang lalo na ang ama ngunit naglaho ang lahat nang dahil sa hiwalayan nila ni Tanner.

"Ang ganda po ng party, diba?" tanong ni Edward.

"Oo, halatang pinaghandaan." sagot ng ina ni Maymay bago tumingin sa asawa.

"Kailan kaya tayo magkakaroon ng rason para magpaparty ng ganito?" tanong ng ama niya saka tumingin sa kanya.

Nanuyo ang lalamunan ni Maymay sa narinig. Kahit kailan talaga, hindi na naisip ng ama na nasasaktan siya sa sinasabi nito.

"Pwede naman po tayong magpaparty sa birthday niyo tapos may fireworks display. Gustong-gusto po yun ng mga bisita." sagot ng dalaga.

Awkward na ngumiti ang ina niya.

"Ahmm, excuse po. Kukunin ko lang ang kadate ko. Sa dami ng ginawa ko kanina, hindi ko na siya nabigyan ng pansin. Sa susunod na mawala siya paningin ko, baka maagaw pa ng iba. She looks so lovely tonight, isn't she?" hinawakan ni Edward si Maymay  sa baywang.

"I hope we will have the chance to know each other better. Sige po." inalalayan niya ang dalaga papuntang bar.

Kumuha ng dalawang shot glass ang binata at ibinigay ang isa kay Maymay. "Bottoms up!"
 
Tiningnan muna ni Maymay  ang laman ng baso bago itinaas at diretsong tinungga ang laman.

Pinalitan ni Edward ng bagong basong may laman ang hawak ng dalaga.

"So, may kapatid ka?" tanong ni Edward.

"Oo, mas bata sa akin. Engaged din siya." matamlay na sagot ni Maymay.

Bakit biglang pumait bigla ang lasa ng champagne. Lahat ng ito ang gusto niya.. ang party, engagement, lahat na kasama sa pagpaplano. Ngunit tila hindi na yun mangyayari sa kanya.

"Its a good to know that you have a sibling." nakangiting sabi ni Edward.

"Bakit naman?"

"Kasi hindi lang pala ikaw sumalo sa pagiging strikto ng papa mo. Buti  buhay ka pa hanggang ngayon."

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon