Warning! Warning! Warning! Ang mga susunod na eksena ay kathang isip lamang. Gabayan nalang ang mga minor. SPG full speed ahead..😋 🙈🙉 Bahala kayo jan. Basta nagwarning na ako. 😂😂
**********************************
Sa unang pagkakataon sa kanyang buhay, ginawa ni Maymay ang inutos sa kanya ng iba. Nang marating nila ang ATV, sumampa sya sa likod gaya ng utos ni Edward ng walang reklamo. Ano ngayon kung yakapin niya ito mula sa likod na para bang nakasalalay ang buhay niya doon? Inililigtas lamang siya nito. Kaya isinandal niya ang pisngi sa basang likod nito, ramdam niya ang pagtense ng muscles nito habang minamanipula nito ang ATV. Sa isang banda, muntik pa siyang makatulog dahil lang sa presensya ng binata.Bago pa niya namalayan, biglang huminto ang sasakyan sa harap ng rangers outpost.
Bumaba si Edward sa ATV at inalahad ang kamay upang alalayan sya sa pagbaba. Tinanggap niya ang kamay palad nito at isinandal ang pagod na katawan sa binata. Kinabig ni Edward sa baywang si Maymay gamit ang kanang kamay at kumaway sa ranger na lumabas ng outpost. Inihagis niya dito ang susi ng ATV.
"Maraming salamat po sa tulong." aniya.
Tumango lang ang ranger ngunit hindi ito nagpakita ng indikasyon na lalapit sa kanila o susuong sa ulan. "Mag-ingat kayo at sana doon na kayo magpalipas ng gabi sa log cabin na sinabi ko. Mukhang magdamagan pa ang ulan, baka mahirapan kayo sa pagbaba dahil madulas ang daan."
Bahagyang natawa si Edward pero ramdam ni Maymay ang pagkatensyonado ng mga muscles nito. "Opo. Maraming salamat po uli. Sige po alis na kami."
Naglakad na ang dalawa patungo ng parking lot.
Dinukot ni Edward ang susi sa bulsa ng pantalon na suot. Napalingon si Maymay ng marinig ang isang beep indikasyon na binuksan na ng binata ang pinto ng sasakyan nito.
Bakas sa mukha ng dalaga ang pagkagulat. "Dinala mo ang man van?"
Nagkibit-balikat lamang si Edward sa kanya at binuksan ang passenger side ng sasakyan. "Yup."
"Did you remember to bring the beer and mattress?" naibulalas ng dalaga bago pa man naisip ang sinabi. It was intended as a joke it sounded much more.
Nanigas si Edward sa kinatatayuan bago ito lumingon sa kanya.Malamlam ang mata at seryoso itong sumagot. "No."
Walang lugar sa pagbibiro at asaran. Parang sinampal ng katotohanan si Maymay na namiss niya ang ganitong pag uusap nilang dalawa. Oo, namiss niya ang asaran nilang dalawa pero iba ito ngayon. Ang paraan ng pagtitig ng binata sa kanya na para bang siya lang ang tao sa mundo.
Lumakad si Maymay palapit sa binata at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Thank you, Edward. Thank you for coming to get me and not judging and making fun of me."
Binigyan niya ng rason ang binata na gawin ang mga yun sa pag akyat ng mag isa sa bundok para lang ipakita dito na hindi niya ito kailangan. Isang pagtatangka para ikumbinsi ang sarili na wala siyang pakialam at ang pagsisi ng binata sa naganap na halikan nila ay hindi niya dinamdam.
"It was my fault." seryosong sabi ni Edward. Ang mukha ng binata ay punong puno ng pagsisisi at paghingi ng paumanhin.
"Hindi." Ayaw niyang ipasa sa binata ang lahat ng pagsisisi. "It was my decision and it was a bad one. Ayoko ko nang isipin pa ulit yun. Siguro kailangan na nating ilet go ang past."
There had to be a way forward for them. Hindi na nila mababago ang nakaraan pero maaari naman nilang gamitin ang mga yun upang maging guide sa future. Willing siyang magbago para kay Edward. Diba't nagbago na nga siya. Ang dating Maymay ay hindi mag aattempt na maghiking na mag isa sa gitna ng ulan. Aminin man niya o hindi, tuluyan ng nakapasok sa puso niya si Edward.

BINABASA MO ANG
Crossing The Line
FanfictionNafriendzone ka na ba? Fate sometimes plays tricks on us. Kung kailan hindi pa tayo ready, saka may dadating. Kung sino pa ang hindi nating inaasahang mahalin, yun naman ang ibibigay. They have known each other for quite a long time. What would i...