Chapter 14

1.1K 99 15
                                        

Nasa backstage sila kasama ang ilang taong nagkakagulo para ayusin ang mga huling detalye bago magsimula ang show. Nilibot ng mga mata ni Edward ang kabuuan ng stage habang isa-isang tinatanggal sa kanyang checklist ang mga nagawa na.

Nakamarka na sa stage ang blocking ng members ng banda, nakaset up na rin ang electric guitar sa stand nito pati na ang extrang microphone incase magkaaberya. Natutunan na niyang maghanda sa mga hindi inaasahan.

Biglang may dumaan dahilan upang maitulak si Maymay palapit sa kanya. Lumapat ang mga palad ng dalaga sa kanyang dibdib and she let them linger there for a few seconds than necessary bago pa namumula ang pisnging napaatras.

"Sorry. Ang dami kasing tao." saad nito sabay yuko.

Muli, isa pang alalay ni Edward na nakaitim ang dali-daling dumaan sa likod ng dalaga kaya muling naitulak si Maymay palapit sa kanya.

Pleasure and pride ang naramdaman ni Edward ng sandaling iyon. Hinapit niya ang dalaga sa baywang nito saka bumulong. "Don't worry, I won't let anyone crush you."

Mainit ang hininga ang naramdaman niya sa kanyang leeg ng tumawa ng mahina si Maymay.

Biglang lumakas ang tibok ng puso sa kanyang dibdib. Huminga si Edward ng malalim habang pilit na ibinabalik ang control sa katawan. May mali. Maraming rason kung bakit mali ito. Isa sa mga banda niya ay may show at kailangan niyang tumutok doon. Kailangan niya magfocus sa banda at manonood. Not to mention, si Maymay ito. The more time na kasama niya ang dalaga ay mas lalo niya itong nagugustuhan pero ayaw niyang masira ang friendship nila.

Atubiling hinawakan ng isa niyang kamay ang balikat nito at umatras. Ayan. Kailangan niyang lagyan ng distansya ang pagitan nila. Kahit pa ayaw niya.

"Excited ka na bang magcamping?" sabi ni Edward para idistract ang dalaga. Ang topic na yun ang magbabalik sa kanila sa isang safer ground.

Napabuntong hininga muna si Maymay para maemphasize ang pag aatubili niyang sumama. "Oo naman. Nahalungkat ko na ang luma kong hiking boots at bumili na rin ako ng limang klaseng bug spray. I'm prepared. So bring it on."

"Ano? Limang klaseng bug spray?" natatawang tanong ni Edward.

"Anong masama dun? Hindi ko alam kung anong insekto ang nandun kaya mabuti ng handa."

Hindi maiwasan ni Edward na mapangiti. Ito pa rin ang dating Maymay. Paglaruin man niya ng bowling, isama magcamping at magbar hopping ay mga gusto pa rin nito ang nasusunod.

Satisfied ang binata na tiningnan si Maymay. Ito ang isa sa mga best qualities ng dalaga. Ang pagiging organized.

Napangisi si Maymay. "Ni hindi ka ba magkocomment kung bakit meron akong hiking shoes?"

Tumaas bigla ang adrenaline sa katawan ng binata. Ito ang gusto niya, ang asaran nilang dalawa. "Oo naman meron din. Hmm,let me see."

Kumunot noo at umaktong nag iisip ng malalim si Edward. "Pink ba ang takong? Baka naman may sequins? Binili mo ba sa Forever 21 dahil uso? Baka naman ginaya mo ang isa sa mga Kardashian ng makita mong suot nila sa red carpet."

"None of the above." sagot ni Maymay bago mataman na tiningnan ang binata na siyang hinihintay nito. "FYI, Mr. Barber. Nakapaghiking na rin ako dati."

Nanlaki ang mga mata ni Edward dahil totoong nasorpresa siya sa nalaman. "No shit! Kinaya mo yun?"

Bilang sagot ngumisi ang dalaga at muli, tumalon ang puso niya sa dibdib.

"Malakas kaya ako kaysa sa akala mo. Ikaw lang eh, walang tiwala." muli siya nitong tinitigan sa mata ng seryoso.

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon