Chapter 19

1.5K 131 23
                                    

May kumatok sa kanilang pinto. "Wala na daw baha at pwede ng daanan ang mga kalsada. Naisip ko lang na gusto niyong malaman yun. Pero kung gusto nyo pang magstay, welcome kayo dito." sabi ng may ari sa likod ng pinto.

Nanghina si Edward sa narinig at tinitigan ang natutulog na si Maymay sa tabi niya.

"Sige po. Salamat po." sagot niya na sakto lang ang lakas para hindi magising ang katabing dalaga. Pero man lang ito gumalaw sa tabi niya. Pagod na pagod ito. Talagang mapapagod ito. Hindi na nga niya mabilang kung ilang beses silang nagtalik sa isa't kalahating araw na pagtira nila sa lugar na yun. Natalo na ata nila ang world record.

Dissapointment ang naramdaman niya sa narinig. Hindi niya pa gustong umalis. Dito pareho silang malaya, masaya at hindi iniisip ang sasabihin ng iba. Ano na ang mangyayari pagbaba at pag uwi nila?

Muling naging tensyonado ang mga muscles niya sa leeg. Pagbalik nila sa real world, haharapin niya ang mga problemang tinatakbuhan niya sa kanyang buhay. Eventually, gagamitin na naman niya ang kanyang Barber technique. Yung biglang nawawala, gaya ng pag AWOL minsan ng tatay niya sa kanyang buhay. Ngunit nakaya niyang iconvince ang sarili na hindi ganun ang mangyayari. May bumubulong sa kanya na kailangan niyang makita si Maymay mamayang gabi, bukas at sa makalawa. Hindi naman sa gusto niyang itago ang namamagitan sa kanila pero ayaw ng magpaasa. Not until sigurado na sya sa sarili.

Sa totoo lang,  ang salitang commitment ay nagdudulot pa rin ng panic sa isip niya. Pero at the same time, hindi niya gustong matapos ang namamagitan sa kanilang dalawa. Ganito rin ba ang inisip ng tatay niya dati? Ganito ba mag isip ang isang tao para malaman kung qualified na ba siyang maging partner at maging tatay? Parang inuuto lang naman ang sarili kung ganun.

Muli niyang pinagmasdan ang natutulog na dalaga sa tabi. Itinatanim ang imahe nito sa utak niya na magulo ang buhok at walang make up. At the end of the day, si Maymay ay si Maymay. May gugustuhin itong mga bagay na hindi niya kayang ibigay. Hindi niya pa napipicture ang sarili na may sariling pamilya at may inuuwiang asawa sa bahay. Pero kung ano man, mas lalo siyang natatakot para sa sarili sa damdaming unti unting sumisibol para sa dalaga.

Bumuntong hininga siya bago tinapik ito sa balikat. Ganun lang ang ginawa niya pero agad itong nagmulat ng mata. Inaantok pa na ngumisi ito sa kanya. "Sino ngayon ang mahilig sa atin?"

He caught her hand in his and threaded their fingers together. Lumunok muna siya bago nagsalita. "Pwede na daw daanan ang mga kalsada. I don't know about you but my phone died a long time ago. I'm sure nag aalala na sina Elise sa atin."

Correction: Papatayin siya ni Elise. Bakit ba hindi niya naisip na gumamit ng land line? Naglakbay ang mga mata niya sa mga daliri ni Maymay. Iyon ang dahilan. Masyado syang naging busy.

"Oh?!" Biglang nawala ang ngiti nito sa labi. Gumulong ito palayo sa kanya. Ang hubad na likod nito ay nakatanim na ang imahe sa isip niya.

"Yeah. Kailangan ko palang tawagan si Christian. At dapat kasi kasama kong magdinner ang mga parents ko kagabi. I'm sure may voice mail lecture na naman ako from dad about time management and prioritization." litanya ni Maymay.

Biglang kumunot ang noo ni Edward sa narinig. Lahat ng mga magulang ay nag aalala para sa mga anak pero hindi niya makuha ang gusto ng tatay ni Maymay. Hindi ba nito nakikita kung gaano kaperpekto ang anak nito?

Sinundan niya ito at naupo siya sa tabi ng kama. By the time na tiningnan niyang muli ito, nagsizipper na ito ng pantalon. Muli niyang pinagmasdan ang likod nito. Mabait ang may ari ng cabin at pumayag itong labhan ang mga damit nila. Isang buntong hininga na naman ang pinakawalan niya at iniyuko ang ulo sa kanyang mga palad.

Tapos na nga talaga. Ang kanilang perfect weekend ay tapos na at kailangan na nilang bumalik sa realidad ng buhay. Nasulyapan niya ang sariling mga damit na nakatupi sa bedside table. Ngunit tila wala siyang balak at lakas para tumayo at magbihis.

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon