Nakakunot noong tinitigan ni Edward ang hawak na basong may lamang beer. It doesn't make sense. Sino ba ang gagawa nito sa kanya?
Noong nakaraang gabi lang sinabi niya kay Maymay ang totoo. Na sa simula palang lagi niya kinaklaro sa mga babaeng nakakadate na walang siya intensyong magcommit. Fun lang ang lahat. Never niyang pinaniwala ang sinuman na mauuwi sa seryosohan ang lahat at never din naman nagdemand ang mga ito na lumagpas sila sa naiset niyang limit. Hanggang sa ngayon.
Saan ba ang mali? Walang may galit sa kanya, yun ang alam niya. Baka may nagalit sa pinili niyang samahan na babae ng nakaraang gabi pero hindi pa rin niya maisip kung sino.
Sumakit lalo ang ulo niya sa kaiisip sa mga nangyari. Somewhere along the line, may nagalit at nasaktan sa choice niya na siyang iniiwasan niya.
Napabuntong hininga na lamang si Edward at sumandal sa kanyang upuan.
Tinapik ni Vivoree ang braso niya, "I'm sorry sa nangyari sa sasakyan mo. Kung gusto mo, pwede mong hiramin si Ludy. Tukoy nito sa delivery van. Hanggang 9am lang naman ang deliveries ng cupcakes."
Nanikip ang lalamunan ni Edward. Buti nalang may barkada syang nasasandalan. Kung gaano ang mga ito mang asar sa kanya ganun din katindi ang pagmamahal ng mga ito lalo na sa kagipitan.
Gusto niyang maiyak ngunit baka lalo lang syang asarin ng mga ito. "Ayoko nga. Baka may makakitang chicks sa akin habang drive ang van mo. Bawas pogi points din yun. Baka mapagkamalan pa akong kidnapper."
Natatawang sinalinan ng beer ni Marco ang baso niya. "Buti naman at balik ka na sa dati. Pero sa akin lang, hindi na masama kung kay Maymay ka nalang mafall after ng gabing ito. Kaso baka malugi sng windshield company pag naging kayo."
Mas gusto niya ang ganito. Yung relax lang at nag aasaran lang silang magkakaibigan. Ganun naman dapat. Pero hindi sya papayag na gawin syang relationship person ni Maymay. Panandalian lang ito. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan at soon na mahanap niya ang gusot, babalik din sa normal ang lahat.
Natatawang nagsalita si Ellise."Hindi ko lang maimagine si Maymay na naghahanap ng panandaliang aliw at si Edward naman ay busy sa pagbibigay ng relationship advice."
Muntik ng mabulunan si Maymay sa narinig. "Let me make things clear, pwede naman akong maghanap ng panandaliang aliw kung gugustuhin ko. Yung nga lang pihikan ako sa lalaking magkakama sa akin."
Ayun, isang butas. Dapat nitong malaman ang mga dating stategy na alam niya.
"Yun ang mali mo. You don't have let them to your bed, you let them take you to theirs." sabi ni Edward bago uminom ng beer.
"Yuck! Paano nalang kung hindi pala pinalitan yung beddings or hindi siya naglilinis ng cr. Maraming lalaki ang hindi marunong maglinis ng cr." nandidiring sagot ni Maymay.
Same old Maymay. Mahihirapan siyang turuan ito. "Eh, hindi naman yun ang ipinunta mo kundi yung sex. At hindi five star hotel experience." sagot ni Edward.
Itinikom na lamang ni Maymay ang bibig ngunit hindi naman ito galit. Laging ganito nauuwi ang diskusyon ng dalawa.
"So, Maymay. Ano naman itong screening process mo? I'm just curious." tanong ni Marco.
Mataman ding tinitigan ni Edward ang dalaga. Maging siya ay curious din.
Taas noong isinalaysay ni Maymay ang idea. "It's a three date system. Pagkatapos ng tatlong date, malalaman ko kung gugustuhin ko siyang makasama intimately."
"Three dates?! Ano naman ang makikita mo sa three dates?" seryosong tanong ni Edward. Kabaliwan ang idea nito. Kailangan talaga ng dalaga na baguhin ang pananaw nito sa buhay.

BINABASA MO ANG
Crossing The Line
FanfictionNafriendzone ka na ba? Fate sometimes plays tricks on us. Kung kailan hindi pa tayo ready, saka may dadating. Kung sino pa ang hindi nating inaasahang mahalin, yun naman ang ibibigay. They have known each other for quite a long time. What would i...