After few days, nakatengga na naman si Maymay sa loob ng opisina niya sa MW hotel. Paminsan minsang nagnanakaw ng tingin sa cellphone niya habang busy sa mga kliyente mula sa alta sosyodad.
Kaninang tanghali lang ng may nagsisigaw ang mother of the bride sa kanya ng malaman nitong hindi available ang oysters sa araw ng kasal ng anak. Gusto niya itong sigawan na, "Hindi kami ura-uradang magpaparami ng oyster dahil lang sa kapritso mo." Pero baka maging dahilan lang yun ng pagkakasisante sa kanya. Kaya nagsuggest nalang siya ng crab legs.
Nasundan pa yun ng ang isa pang bride ay nagpanic nang malaman nitong nasa same hallway lang ang room nila ng groom. Which means na possibleng makita ng groom o ng isang groomsmen ang gown nito bago ang ceremony. Kumalma lang ito ng maassure na may magbabantay sa pinto sa araw ng kasal.
Meron na lang siyang 15 minutes para sa susunod na appointment. Mga isang oras din ang gugulin niya para sa meeting then free na ulit sya maghapon na kasama si Edward upang gawin ang mga plano nito.
Tumunog ang cellphone niya.
Edward: Are you set for tonight?
Maymay: Yup. Hindi mo talaga sasabihin kun saan tayo pupunta? Kailangan ko pang planuhin ang outfit ko.
Edward: 😳😒
Gusto sanang magreply ng isang emoticon na nagroroll ng mata. What's wrong with dressing up appropriately? Si Edward lang naman kasi ang kausap niya. Baka kung sa paintball field siya dalhin nito tapos nakaheels sya, e di mas nakakahiya.
Hindi na niya babanggitin ang paintballs. Mas magsasaya iton habang tinatamaan siya ng paintball pellets.
Kahit may idea na siya kung saan siya dadalhin ng binata.
Maymay: Don't tell me doon mo ako dadalhin sa bagong bukas na french restaurant? Yung tanaw ang sunset, beach view. I know you are romantic. Magpapaayos ba ako ng kuko? What do you think should I wear, diamonds or pearls?
Edward: Oh hell no. No! You are not planning this evening, I am. No sunset. No romance. No beach view. Just NO!
Natawa si Maymay sa mga response ng binata. Ang dali dali kasi nitong mapikon.
Maymay: Ito nalang. Magsusuot ba ako ng dress o hindi?
Kahit naman siguro si Edward alam kung ano ang isasagot sa tanong.
Edward: Kahit ano ang suotin mo. Basta hindi ko sasabihin kung saan tayo pupunta.
Akala pa naman ni Maymay na makakakuha na siya ng info mula sa binata.
Edward : Ito lang din ang masasabi ko. You also need to clear your calendar for next weekend coz we are going camping.
Ano daw?! Camping? Naisip palang yun ni Maymay, pakiramdam niya para may mga gumagapang na insekto sa kanyang balat. Natayuan lahat ng kanyang balahibo.
Nasa kalagitnaan siya ng kanya mahabang paliwanag kung bakit hindi siya sasama ditong magcamping ng may kumatok sa kanyang pinto.
Agad niyang inihulog ang cellphone sa bag na malapit sa kanyang mesa.
Agad na pumasok si Christian. "Anong ginagawa mo dito?" nakasimangot na tanong nito.
"Just checking few emails. At saka may hinihintay akong contract from a soon-to-be-bride." pilit niyang pinasaya ang boses ng sumagot dito.
"This isn't like you." sabi ng manager.
Napalunok nalang si Maymay sa sinabi nito. Kinakabahan sya sa mga susunod pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/23684241-288-k943387.jpg)
BINABASA MO ANG
Crossing The Line
FanfictionNafriendzone ka na ba? Fate sometimes plays tricks on us. Kung kailan hindi pa tayo ready, saka may dadating. Kung sino pa ang hindi nating inaasahang mahalin, yun naman ang ibibigay. They have known each other for quite a long time. What would i...