Mabilis na pinatakbo ni Edward ang kanyang Ferrari nang maihatid niya si Maymay sa condo nito. Pagdating niya sa stop sign, iniliko niya ang sasakyan patungo sa isang beach.
Ibinaba ang salamin ng sasakyan at humugot ng malalim na hininga. Sa ganitong paraan niya napapakalma ang sarili.
Nanggagalaiti pa rin sya sa galit ng maaalala nya ang mukha ng lalaking sumunggab kay Maymay at ang takot na nakita niya sa mukha ng dalaga.
A**hole! Hindi niya nagustuhan ang pangbabastos nito kay Maymay. Pasalamat ang lalaki at nakapagtimpi pa siya kundi basag ang mukha nito.
Pasalamat din ito dahil ang pride lang ni Edward ang nasaktan at hindi naman talaga sila magpartner ni Maymay in a true sense of words.
Yun lang yun, pagkumbinsi niya sa sarili. Ngunit hindi mawaglit sa isip niya ang halimuyak ng pabango ng dalaga na naiwan sasakyan niya. Eh, ano ngayon kung may naramdaman siyang init nang napasandal ito sa kanya dahil sa paglayo sa lalaki? Eh, ano ngayon kung sa simpleng indayog ng balakang nito ay tinigasan siya?
Lalaki sya at isa itong magandang babae. May scientific research at explanation dun. May dahilan kung bakit sa bawat kibot ng bibig o pagtitig nito sa kanya ay nagrireact ang katawan niya.
Mariin niya pinidot ang switch ng sound system at nang makahanap ng gustong kanta ay itinudo niya ang volume at sinabayan ang kanta ng pasigaw.
Ikinagulat pa niya ng marinig ang text message alert mula sa speaker.
Hininaan niya ang volume at inutusan ang computer system ng kotse niya. "Read text message."
A robot voice answered back, "Reading text message from Marga. Somebody told me that you were at the club. Hindi ka ba dadaan dito ngayon? I promise to keep you happy until you forget your name."
Itinabi niya ang kotse at napatawa ng malakas. Dahil kahit gaano kasexy ang text message, walang dating kasi robotic ang pagbasa ng speaker. Bumalik lang ang isip niya sa imahe ng katawan ni Maymay ng dumikit ito sa kanya.
Shit! Hindi ito sang-ayon sa plano niya.
Muling tumunog ang cellphone niya kaya dali daling niya itong hinablot mula sa charging dock.
Laura: "Busy ka ba? Pwede ka bang dumaan dito." saad ng text.
Gumuhit ang isang ngiti sa labi ng binata. Kailan pa ba siya naging busy para sa taong ito.
Laura: "Nagugutom ako at si Yong. Gawan mo kami ng sandwich." Kasunod ng isang picture ng isang maliit na aso natutulog.
"Papunta na ako diyan." reply niya.
Kung may meron mang malalapit sa puso niya, nangunguna na doon si Laura at si Yong. Kahit na hindi naman tao si Yong. Marami pa siyang gabi na pwedeng ilaan sa mga babae. Sa ngayon, walang mas importante kundi ang pamilya niya.
Laura: "Pakibilisan please, gutom na kami."
Naglalambing na naman ang kapatid. Kaya naman nitong magluto ngunit dahil sa naging tradisyon na nila ng gumawa ng grilled cheese sandwich kapag 2 A.M. Sana pag nagkaasawa na ito at nagkaanak, patuloy pa rin ang grilled cheese bonding nila.
Ipinarada niya ang kanya sasakyan, pinatay ang ilaw at dahan dahang pumasok sa loob ng bahay.
Si Yong ang sumalubong sa kanya. Tumayo pa ito habang iwinawasiwas ang buntot. At ng mapagod ay tumihaya upang ipakamot sa kanya ang tiyan.
Hinagod niya ang tiyan nito, "Hey, boy! Have you been a good boy?"
"Laura?" pabulong na tawag niya sa kapatid.
![](https://img.wattpad.com/cover/23684241-288-k943387.jpg)
BINABASA MO ANG
Crossing The Line
Fiksi PenggemarNafriendzone ka na ba? Fate sometimes plays tricks on us. Kung kailan hindi pa tayo ready, saka may dadating. Kung sino pa ang hindi nating inaasahang mahalin, yun naman ang ibibigay. They have known each other for quite a long time. What would i...