Chapter 8

1.1K 63 4
                                        

Muling binago ni Maymay ang posisyon niya sa pag upo. Nasaan na ba si Edward? Nagkasundo sila na magkikita sa bahay nina Marco at Vivoree eksaktong 6pm ngunit 10 minutes na ang lumipas, wala pa rin ito. Bandang 8pm, susunduin na nina Vivoree at Marco ang anak nitong si Jinri sa mga lola nito.

Alam niyang kailangan niyang isabuhay ang lifestyle ng binata na relax pero naiinis pa rin sya sa pagiging late nito sa usapan. And then inisip na lang niya na pagsubok ito sa kanya sa kanilang deal.

Sa tapat niya, masayang nagkikwento si Ellise habang nakikinig naman si McCoy dito.

"Yun na nga. Habang nasa witness stand yung guy." kwento ni Ellise. "He accused his ex girlfriend na pumasok sa bahay niya at ninakaw ang cheese niya pero wala naman siya sa bahay ng mangyari yun. So,tinanong ko kung paano niya nalaman na yung ex gf niya yun?" pilit pinipigilan ni Elise na matawa.

Under oath,sabi niya. "Ma'am, she's a bitch like that."

Hagalpakan sa tawa sina Ellise, Vivoree, McCoy at Marco.

Napangiti lang si Maymay. Nakakatawa naman talaga yung kwento kaso distracted sya. Kung hindi naiinis ang iba, bakit sya apektado? Tama talaga ang sabi ni Edward, kailangan niyang magrelax at mag go with the flow.

Nasaan na ba kasi yung lalaking yun?

Nang walang ano ano'y narinig ang ringtone na Let It Go ng movie na Frozen. Mabilis na inilagay ni Marco ang cellphone sa tainga niya. Ito siguro ang paboritong kanta ng anak nitong si Jinri.

Namumula ang mga mukha na pinipigilan nina Ellise at McCoy ang ang matawa. Nakakatawang yun ang ringtone na gamit ni Marco. Pero isa yun sa dahilan kaya mabuting ama si Marco, dahil kahit ano gagawin nito para sa anak.

"Hello?" tanong ni Marco sa kausap.

Habang pinagmamasdan ni Maymay ang kaibigan, naisip niyang ito ang klaseng ama na gusto niya para sa magiging anak. Kung papalarin siyang magkapamilya. Ni minsan kasi hindi ganun ang daddy niya.Pinagtutulukan siya nitong magpakasal hindi para sa kaligayahan niya kundi para pagbigyan ang kapritso nito sa pagpapaparty at magpabilib sa mga business associates nito at hindi upang makilala ang mapapangasawa niya.

Hindi yun ang gusto niya para mga magiging anak. Pero mahirap na yatang makakita ng isa pang Marco. Ngayon pa na wala na sa picture si Tanner. Mas lalo yatang lumalayo ang mga pangarap niya.

Minsan pa'y pumasok sa isip niya ang mga katangian ng isang ideal guy at kung gaano siya mahihirapan na hanapin ito.

Pilit na binalik ni Maymay ang atensyon sa usapan. Kailangan na niya simulan ang pagrirelax. Pero mas madaling gawin yun kung nandito si Edward para iguide sya.

"Nagbibiro ka ba?" tanong ni Marco sa kausap.

May patango-tango pa ito na waring makikita sya ng kausap sa telepono.
Habang nakikinig si Maymay saka lang niya narealize na seryoso ang usapan ng dalawa.

"O, Sige, pupunta na kami diyan. Tatawag na rin kami ng pulis. Oo, kasama si Ellise para mabigyan ka ng legal advice sa dapat gawin."

Pulis? Tuluyan ng nataranta si Maymay. Ok lang ba si Edward? Ano na naman ang ginawa nito at kailangan pa ng pulis? Inaristo ba ito?
Hindi siguro magandang idea na sundan niya ang lifestyle nito. Mali minsan ang mga desisyon nito sa buhay kaya nga nagpapatulong ito ngayon sa kanila.

"May bumasag daw sa windshield ng kotse ni Edward." saad ni Marco ng matapos ang tawag.

"You got to be kidding me. Mahal ng mokong yun ang kotse niya. Sino naman kaya ang gagawa ng kalokohang ito?" sabi ni Ellise.

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon