Chapter 16

1.3K 110 16
                                    

Nakaapak na naman si Maymay ng putik, basang basa na ang loob ng boots na suot at nanlalamig na rin ang mga paa niya pero pilit niyang hindi binibigyan ng pansin. Wala na rin naman silbi kung iiwasan niya ang putik o manatiling tuyo. Basang basa na siya at wala ng ibang choice kundi magpatuloy sa pag akyat at baka doon mkapagbihis na rin sya.

Habang tumatagal sya sa ulan ang dalang backpack ay lalong bumibigat at lalo lang nagpapabagal sa kanya ng pag akyat. Sabi ng last trail marker, mga kalahating kilometro nalang ang lalakarin niya. Sana may maabutan pa siyang mga campers sa site at sana may camp fire, matitirhan at pagkain. Or atleast masisilungan man lang.

Sana naman meron kahit ano. Basa na ang dalaga, miserable at nangangatog na rin sa lamig. Ano ba naman kasi ang iniisip niya at itinuloy pa ang lakad ng mag isa?

Nakayukong pinilit niyang ihakbang ang mabigat na paa at isinunod ang isa pa. Malapit ng matapos ang paghihirap. Ganun naman yun diba? Mas mahirap talaga ang pag akyat. Patuloy ang manginginig niya dahil sa lamig ngunit nagpatuloy sa paglalakad. Pagbalik niya, aabsent siya ng dalawang araw at magbabad sa spa.

Sa wakas, narating din niya ang clearing. Dahan dahan siyang nagtaas ng ulo para lang madismaya ng makita ang campsite. Abandonado ito. Ang meron lang isang maliit na four-foot by six-foot waiting area na tumutulo pa ang bubong at basang area na sinisindihan ang camp fire.

Nanghihinang inilapag niya ang dalang backpack sa basang lupa at sumilong shelter. Magbibihis pa ba siya? Nang biglang may pumatak na tubig sa kanyang noo at dumaloy sa kanyang ilong. Ni wala na siyang lakas para punasan yun. Niyakap na lamang niya ang sarili.

Stupid rain. Stupid me. Mula ngayon,  lahat ng kanyang weekend ay ilalagi niya nalang sa loob ng bahay. Doon walang tumutulo habang umiinom ng paborito niyang red wine.

Minsan ng ikinumpara ni Vivoree ang 3 weeks challenge ni Edward sa isang reality show pero feeling niya mas angkop siya sa Naked and Afraid show ng discovery channel. Yun nga lang hindi sya natatakot, mas lamang pa rin ang inis at pagod niya. Sa totoo lang, gusto na niyang humiga sa sahig at matulog. Pero alam niyang pwede siyang magkahypothermia o magkasakit kung gagawin yun.

Napabuntong hininga na lamang siya at binuksan ang backpack. Kinapa niya ang loob nito. Guminhawa ang pakiramdam niya ng makapa ang mga tuyong damit at ilan pang gamit sa loob.

Muli niyang nilibot ng tingin ang campsite upang siguraduhing mag isa lamang siya. As if, may ibang biglang susulpot doon sa ganoong oras at panahon.

Ako lang talaga, ang ulan at si mother nature. Ano naman ngayon kung makita siya ng mga hayop na hubad?  Pero paano kung may baboy damo? Hindi naman siguro galit sa kanya si mother nature para ipalapa pa sya sa wild animals.

Tinanggal niya ang suot na T-shirt at isinunod ang suot na salawal. Bumigat ata ito ng 100x at ngayon ay nakadikit pa sa balat niya.

Mula sa malayo, narinig niya ang pag crack kasunod ng iba pang kaluskos. Itinaas niya ang ulo upang siguraduhin ang narinig habang tila drums na ang pagtibok ng puso niya sa sobrang kaba.

Shit. Shit. Shit. Kakainin siya sa gitna ng kagubatan ng isang halimaw na ang suot niya ay underwear lamang. Hindi siya naniniwala sa mga ganung bagay pero paano kung totoo ang mga kwento. Nasa gubat siya at ni hindi alam kung anong ginagawa niya sa lugar na yon.

Lalong lang nanginig ang buong katawan niya sa sobrang lamig at takot na nararamdaman. Nasa lalamunan na ata niya ang puso niya ngayon.

Please lang po Lord. Huwag naman po sa ganitong paraan ninyo ako kunin.

******

Inikot ni Edward ang nakatumbang puno para lang makaapak ng isang hukay na may putik.

Shit. Ano ba naman kasi ang iniisip ni Maymay para tumuloy sa ganitong panahon? Medyo mas matagal ang byahe kaysa sa kanyang inaasahan. Kinailangan pa niyang kumbinsihin ang isang ranger na ipahiram sa kanya ang isang ATV na dumagdag pa sa nasayang na oras at gumasto pa sya ng 4 thousand pesos.

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon