Chapter 28

1.3K 97 9
                                        

Sa front door na dumaan si Edward at agad ding naman siyang sinalubong ng mga alagang aso ng ina. Binundol pa siya ng malakas ng alagang si Nikko na muntik na niyang ikatumba. At lumingon pa ito sa kanya na para bang may nakaplaster na ngiti sa mukha.

"Its all right, Chubby cheeks!" sabi ng binata na ilang beses tinapik sa ulo ang aso. Si Yong naman ay ilang beses na nagpaikot-ikot sa kanya.

"Edward?" tawag ng kanyang inang si Cathy mula sa kitchen.

"Coming!" Parehong aso ang sumunod sa kanya sa hallway patungong kusina kung saan naupo ang mga ito sa sahig at naghintay ng treat mula sa kanya.

Napanganga siya ng makita ang hitsura ng kusina nila. Lahat na ata ng sulok ay mayroong malalaking plastic containers.

Namumula ang mukha ng ina na inaayos ang magulong buhok na nalaglag sa mukha. "Salamat naman at dumating ka na. Iload mo na 'to sa van at dalhin mo sa Little Brother's."

Muling niyang tiningnan ang mga boxes na sa kusina. Hindi iyon kakasya sa kanyang ferrari. "Ma, alam mo naman siguro na hindi na ang man van ang gamit ko."

Napanganga ang ina niya sa narinig. "Oo nga pala. Hindi ko yun naisip."

"Don't worry. Hahanap ako ng paraan. Hiramin ko muna ang kotse mo, ha?" Inabot niya ang nakasabit na susi nito. Siguradong kakasya ang mga boxes sa SUV nito. Bawas pagod pabalik-balik kumpara kung ang kotse niya ang gagamitin.

"Sige. Pagdating mo doon, pakitanong na lang kay Maymay kung saan dapat ilalagay ang mga auction items. May mga label na yun at ako na lang ang mag-aarrange pagdating ko o pwede ding siya na kung gusto niya. Baka may iba siyang idea kung anong gagawin." habilin ni Mommy Cathy.

Napalunok si Edward, ang marinig lang ang pangalan ni Maymay ay isa nang malaking sampal sa kanya. Maymay. Alam niyang nandun sa event ang dalaga, wala lang siyang planong makita ito agad.

"What happened?" tanong ng kanyang ina ng makita ang kanyang hitsura.

Natatingin na lamang siya sa kanyang mga paa at hinaplos ang kanyang batok. Mahirap itago sa kanyang ina ang kanyang kalungkutan. Instinct na nga siguro ng mga ina ang ganun.

Lumapit ito sa kanyang at itinaas ang kanyang baba gamit ang hintuturo hanggang sa magtagpo ang kanilang mga mata. Pakiramdam niya umiinit ang kanyang mukha kaya't humakbang siya pakaliwa. Hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya.

"You know what happened. Don't make me talk about it." sabi niya sa ina.

Pinakatitigan siya nito saka malumanay ngunit mariing sinabi. "Hindi ka basta-bastang makakalusot sa akin ng ganyan lang. Anong nangyari?"

Ayu na naman, sumisikip ang kanyang lalamunan. Umangal siya sa narinig. Pakiramdam niya hindi na niya kaya.

"I can’t date Maymay, I can’t date anybody. I’m damaged goods.” nanlulumo niyang sabi.

Huminga ng malalim ang kanyang ina na para bang sinampal niya ito. Muli itong lumapit at niyakap siya ng mahigpit.

"Of course not, Son. You're not a damage goods. Bakit naman naisip mo yun?"

Pagak siyang tumawa ngunit iba ang lumabas na tunog dahil sa galit. “Because of Dad, Mom. He left you and he left me and Laura. He wasn’t meant to be a husband or a father, and I don’t think I am either. Until now iniisip ko pa rin kung bakit ginawa niya yun. Nabawasan lang ng kaunti ang sakit nung bumalik siya pero nandun pa rin ang galit."

"Anak." naririnig na niya ang pag iyak nito na dumagdag sa sakit sa kanyang puso. “Your father’s issues are not your issues. Trust me, you are so very different from your father. Saka ginagawa naman niya lahat ngayon para makabawi sa akin, sa atin. We are slowly mending everything back to normal."

Crossing The LineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon