TWIST 35

2.3K 30 22
                                    

Elmo POV

"Lucho?!!"

Halata sa boses niya na hindi siya makapaniwala na si lucho ang kaharap niya.

Lumapit siya ulit kay lucho dhil narinig ko ang yabag ng kanyanv sapatos.

"Bakit ka nandito?!" Iritang tanong niya kay lucho.

Si lucho naman biglang tumawa, kaya biglang nainis si julie.

"Sinasayang mo lang ung oras ko!" Narinig kong sambit ni julie, at nakarinig ako ng mga yabag ulit.

"Mukhang aalis na siya" Bulong sakin ni lucho.

Nandito ako sa likod ni lucho. Mas matangkad siya sakin kaya hnd ako kita ni julie.

Naglakad na ako paharap at kinuha ang bouquet na dala-dala ni lucho.

"Aalis ka na? Hindi pa nga tayo nagsisimula, Aalis ka na." Sabi ko, sa pagkakasabi ko nun alam kong maririnig niya ito dahil hindi pa naman siya nakakalayo.

Bigla siyang humarap sakin. At nakita kong nanlaki ang mata niya sa nakita niya. Bigla siyang tumakbo papunta sakin, at dali-dali akong niyakap.

"E-elmo?" Sabi niya pagkakalas ng yakap niya

Tumango naman ako. "Ako ung nag set-up, hindi si lucho kaya wag ka na mainis" sambit ko at marahang pinisil ang ilong niya.

Napansin kong tinitingnan niya ang suot ko ngayon.

Naka costume din kasi ako na katulad sa prinsipe ni cinderella

"Bakit tayo naka-costume?" tanong niya sakin.

Pero hindi ko siya sinagot at hinawakan ang kamay niya at hinila papunta sa mga rides "Wag ka na magtanong, Enjoy na lang natin ok?"

Tumango naman siya "Bakit wala pang tao?"

Napahinto ako sa sinabi niya "8am palang, 2pm nagbubukas tong amusement park. Pinabukas ko para sa date natin, alam mo ba kung bakit?"

"Bakit?" Tanong niya

"Kasi namiss ko na pumunta dito kasama ka, tyaka pag nagpunta tayo dito ng may tao. Panigurado dudumugin ka, at mawawalan ka na naman ng oras sakin. Kaya ayun! Pinabukas ko ng maaga para lang satin." Paliwanag ko dito habang nakangiti

Nakita kong namula siya at pinisil niya ang ilong ko "Ang selfish mo naman love"

Umiling ako "Hindi naman masama na pagdamot kita minsan diba?" Nakangisi kong sabi.. At bigla na nan siyang namula

ANg cute cute niya pag nagbblush siya. :)

Pipisilin ko sana ang ilong niya pero nakatakbo na ito "Tara na love! Sakyan na natin lahat ng rides!" Sigaw nito sakin.

Napailing na lang ako, tumakbo ako papunta sa kanya.

--

Alas dose na at nasakyan na namin lahat ng rides, may mga nag papicture din kay julie, dahil nandito na ang mga staff ng amusement park.

Nandito din ang buong barkada para hnd magtaka ang mga staff kung bakit kami lang, Hindi pa kasi nila alam na KAMI na ni julie, at enganged na kami.

Sasabihin daw ni julie, sa party niya bago siya lumipad sa LA.

Ito na kami ngayon pasakay na sa ferris wheel, ang sabi kasi kanina sakin ni julie huli daw namin tong sakyan.

Hinilig ni julie ang kanyang ulo sa aking balikat.

TWISTED FATE [ book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon