TWIST 59*1

1.2K 37 14
                                        

Julie POV

Naging mabilis ang oras at ito na kami inaayos na ang mga gamit ko. Mamayang 10pm ang flight ko papunta ng switzerland.

"This is it na talaga!" Banggit ni joyce habang inaayos ang luggage ko na puno ng mga sapatos ko

"Wag kana mag-drama joyce! This is you plan girl!!" Hiyaw sa kanya ni cheska

Napatawa na lang ako ng maalala ang pagtataranta ni joyce habang inaayos nya ang flight namin ni alden. Yes plano niya ito na pumunta na lang ako ng switzerland. Para maging safe ako at ang kambal.

"Where the heck is alden?" Tanong ni kristoffer pagkatapos ibaba ang kanyang cellphone sa lamesa

"Yes, where is he? Kahapon pa siya wala ah!" Dagdag ko

Nagkibit-balikat si joyce at cheska

"Hindi ba siya nagtext sa inyo?" Tanong ulit samin ni kristoff

Sabay kaming umiling ni joyce

"He texted me last night" simpleng sagot ni cheska

"And?" Tanong ko dito

"Sinabi nya lang na. He will be home by 7pm.. That's it" sagot nito

Napatingin si joyce sa wall clock "6:30 na!! Wala pa din siya, nakalimutan nya yata na siya ang kasama mo!!" Matigas na diin ni joyce

"Wag kayong magpanic. Chill guys!!" Singit ko

Napabuntong hininga na lang si kristoff at sabay umupo

Sabay-sabay kaming napatingin sa main door ng marinig namin ang isang busina

"There he is!!" Sambit ni joyce

"Gago talaga yan! Lasing yan for sure! Babae na naman!" Galit na banggit ni kristoff at tumayo para pagbuksan si alden

Tumawa si cheska at tumingin sakin "Masyado na nilang mahal si alden. At ayw na nila itong gumimik!" Hirit na cheska sakin

"San ma galing!??" Sigaw agad sa kanya ni joyce

Tinaas ni alden ang kanyang dalawang kamay "chill may inayos lang ako. Namiss ,o ba agad ako?" Asar ni alden kay joyce at agad niya itong inakbayan

"Gago!" Agad na saad ni joyce sabay siko kay alden kaya naparay si alden..

Tumingin sakin si alden "ready na?" Tanong nito

Tumango ako "Kanina pa" masaya kong saad

"Maliligo lang ako. At pupunta na tayo ng airport-"

"Ha?! Ang aga pa. 9:00 pa tayo dapat umalis. Malapit lang naman dito ang airport tyaka. You have the private plane" pagpuputol ni joyce

"We need to. No more questions. Mag-ayos na kayo." Saad ni alden at umakyat na sa taas

Panay ang mura ni joyce kay alden dahil sa desisyon na umaga kami umalis

"Chill joyce. Magbihis ka na lang!" Sigaw sa kanya ni kristoff

Tinarayan lang ni joyce si kristoff

"Magsama kayo!!" Pagtataray nito sabay akyat sa taas.

"Hindi ka magbibihis?" Tanong ko sa katabi ko na kanina pa kain ng kain ng brownies

Umiling ito "hindi naman party ang pupuntahan na kailangan magarbo ang damit diba?" Saad nito sabay tawa

Tumango ako "Sa bagay. Hindi rin nga ako magpapalit eh. I'm ok with these." Saad ko sabay tingin sa suot ko

I'm wearing dolce and gabana white plain maxi dress.

"You are wearing a dolce and gabana dress. Wag sila maginarte!!" Banggit nito sabay tawa ulit.

TWISTED FATE [ book 2 ]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon