Julie POV
"Julie nasan kaba?!"
tanong sakin ni kristoff,
"May aayusn lang ako toff"
Kanina nya pko tinatawagan, hindi ko na matiis kaya sinagot ko na.
"I want the exact place."
Nagbuntong hininga ako, ang kulit talaga nito!
"Condo" sagot ko
"What?!!!! Bakit ka nandyan. Julie naman! Bakit mo sinunod si Lucho na pumunta ka dyan! Papaalala nya lang sayo yung ginawa nyang kahayupan eh!"
"Toff, Relax. I can do it. Sge na uuwi na rin ako mamaya. Relax. Bye"
Pagkasabi ko noon, inend ko na yung tawag.
Its been a week simula noong ginawa sakin yun ni lucho.
Kung tinatanong nyo kung pumunta talaga ako dito para sundin si lucho.
NO
Nandito ako just for my things na nasa kwarto ko. Hindi nakuha nila Kristoff yun kasi nakalock. At nasa akin ang susi.
Timing lang.
------------
Pagkapasok ko kasi kaninang umaga dito.
Na-attract kagad ako nung sofa.
Yung sofa na palagi naming tinutulugan ni lucho. Pero itong sofa ring to ang naging instrumento sa kahayupan na gagawin ni lucho.
Nagdecide ako nun na manuod ng TV. Kasi showing ang favorite kong Movie. Kumuha ako ng chips para gawin kong snacks.
Sa sahig na lang ako naupo. Ayoko sa sofa kasi sa tuwing uupo ako doon maalala ko yung mga sweet moments namin ni lucho. Pero bigla ring papasok yung ginawa nyang kababuyan doon.
Masaya akong nanonood. Habang commercial, napatingin ako sa Malaking picture na nakadikit sa pader na nasa gilid ng TV.
Tinitigan ko yung picture. Masaya kami iyon ang una naming picture, stolen pa. Nasa football field kami At binuhat nya ako na parang pangkasal. Hindi namin alam noon, pinagkakaguluhan na pala kami ng paparazzi. Nagddate kasi kami nung mga panahon na yun, Dahil sa sikat na kami noon. Ayun pinagpyestahan kami.
Nang makita namin na pinagppyestahan na pala kami. Bigla nya akong binuhat at bigla kaming umalis.
Hindi kami nainis sa balita na kumalat noon, Natuwa pa nga kami. Kasi Alam namin na Mahal na mahal namin ang isat isa. Kitang kita iyon sa mga litrato na pinagkukuha nila. Pero sa lahat ng litrato Yung buhat scene ang pinaka-nagustuhan namin. Kaya ayun. Pina-frame namin at dinisplay dito sa condo ko.
Habang inaalala ko yung mga yun, hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.
Pinikit ko ang aking mga mata.
"Sana nananaginip na lang ako!"
"Sana pagmulat ko ok na ang lahat"
matagal akong pumikit.
Pero sa muling pagmulat ko.
Katotohanan ang humarap sakin.
Nakita ko sa TV ang isang breaking news na magppapressconn si Lucho.
Nilakasan ko yung volume noong nagsimula na siyang magsalita.
Habang nagsasalita sya. Hindi ko na mapigilang umiyak.
"Bakit mo ba kasi to ginawa?!"
BINABASA MO ANG
TWISTED FATE [ book 2 ]
FanfictionAng mundo ko na puno ng NAPAKADAMING-TWIST. Welcome to my life, and beware of un-expected TWIST. ☆ LONG DISTANCE RELATIONSHIP (BOOK 2) This is a JuliElmo Fan Fiction, KrisLie Fan Fiction ElNine Fan Fiction JaninElmo