Julie POV
"L-love?"
Napa-angat ako ng ulo ng tawagin ako ni elmo. Nakahiga ako sa mga braso habang tinitingnan ang aking singsing
"Bakit?" Tanong ko dito habang nakangiti
"Do you like the set-up?"
Tumango ako "Very much."
Pagkatapos ng scene namin sa rooftop, peron kaming dinner sa Suite ni elmo, habang may mga violinist.
Simple pero nakakakilig. ♥
"Sorry, hindi ako nakapaghanda ng maayos"
Napalo ko ng marahan ang kanyang dibdib dahil sa kanyang sinabi "Ano ka ba naman love! Wala akong paki kung magarbo or ano, basta ikaw ang naghanda. Masaya ako " Saad ko at niyakap siya
"4am na love may shoot pa ako ng 8am" dagdag ko pa.
"Sige na nga matulog na tayo" Saad nito sabay tawa.
Kanina pa kasi kami ganto. Nagkkwentuhan, Ayaw niya pa daw akong matulog dahil bukas busy ako at lilipad na ako sa paris.
Tumango ako elmo, at niyakap siya ng mahigpit "Goodnight Love. I love you" may pagkahusky na ang boses ko dahil antok na antok nko.
Naramdaman ko nmn na niyakap na din ako ni elmo "Goodnight my love. I love you more"
Napangiti ako sa sinabi niya.
Kahit simpleng i love you, napapakilig ako
Pumikit na ako, at natulog.
Tomorrow is a tiring day.
***
"Goodmorning juls"
Tinanguan ko lang si cheska.
Antok na antok pa din ako.
"Sa amusement park ang next shoot mo"
Tumango na lang din ako. At hinilig ung ulo ko sa bintana.
-
"Juls"
Nagising ako sa tapik.
Minulat ko ang mata ko at nakita kong ginigising ako ni cheska
"We're here na. Tara na"
Tumango ako at kinuha na ang bag at lumabas na sa kotse.
Nakatulog pala ako kanina.
Dumiretso na ako sa dressing room. Un parin ang glam team ang humawak sakin.
After ng isang oras na pag-aayos. Ok na ako.
Naka, Cinderella costume ako, Buhok na parang si cinderella, make-up na mukhang cinderella, at mawawala ba ang glass shoe ko.
"You look like cinderella" Masayang sabi ni cheska
Pero nginitian ko lang sya. Antok pa din ako. 2hours lang ang tulog ko.
Kailangan kong magsing ng 6am, matapos magayos bago mag8
Pagkalabas ko ng dressing room, sumalubong kagad sakin ang napakagandang view ng amusement park. Ang napakataas na ferris wheel.
"Para sayo po"
Napatingin ako sa bata na nagbigay ng isang red rose.
At may kasama pang note dito
'You look a like a cinderella'
Ng mabasa ko ito biglang lumakas ang tibok ng puso ko
Naglakad pa ako at may isa na namang bata ang nagbigay ng red rose at may note na naman
'You will receive 10 roses today.'
Ang pagkakaalam ko may shoot ako ngayon. Pero ano to?
Hindi pa ako nakakapaglakad ng may kumalabit sakin galing sa likod at nakita ko ang isang bata na may dala ng red rose ulit, at may note din
'Mahal kita. Mahal na mahal kita'
Biglang naghurumentado ang puso ko ng mabasa ko ang iyon.
Mahal?
Pero napangiti ako ng sumagi sa isip ko na pakana na naman to ni elmo.
'After reading this. Turn back'
tumalikod nga ako at may nakatayong babae sa likod ko
"Pinabibigay po niya" Nakangiting sabi nung batang babae,
Tatanungin ko sana kung sino un? Kaso bigla siyang tumakbo.
'You want to know me na?'
Napatango ako ng mabasa ko ang pang-limang note na natanggap ko.
Naglakad-lakad pa ako, hanggang sa makasalubong ko ulit ang isang bata, binigay niya ang pang-anim na rose,
'Ang araw natin ngayon ay hinahalintulad ko sa Cinderella Story'
Napa-isip naman ako, kung bakit.
Habang nagiisip may kumalabit na naman sakin
'Gustong-gusto kita makita, at makasama kaso busy ka. Kaya gumawa ako ng paraan.'
Ng mabasa ko ang pang-pitong note. May kutob na naman ako na hindi pictorial na naman ang mangyayari ngayon.
'Punta ka sa stage, malapit sa Ferris wheel'
Dumiretso kagad ako dun pagkabasa ko ng pang-walong note.
Bumungad sakin ang simpleng stage ng amusement park. Simple lang ang ayos may puting tela na background at malaking Puso sa gitna, Isang high chair at mic stand.
'Ilang minuto na lang, makikilala mo na ako :)'
Bigla akong kinabahan ng mabasa ko ang pang-siyam na note.
Paano kung hindi si elmo to?
Paano kung ibang lalaki to?
Pagkakaalam ko may taping si Elmo ngayong araw sa isang show.
Hindi ko napansin kinalabit na ako nung isang bata.
'Hi, Julie! Ako ito! Sana wag kang magalit. Mahal na mahal kita, matagal na, Gustong-gusto kitang kasama pero palagi ka na lang busy. Kaya ako ito ngayon. Gumawa ng paraan para makasama ka, Turn back cinderella, your prince is waiting for you.'
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na may halong kaba. Marahan akong tumalikod para makita kung sino siya?
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.
Isang lalaki ang tumambad sakin may hawak ng bouquet of red roses. Hindi ko makita ang mukha nito dahil malayo siya ng kaunti.
Kaya lumapit ako sa kanya. At sa paglapit ko unti-unting nakikita ko ang mukha niya.
Peri mas lalong nanlaki ang tumambad sa mukha ko pagkalapit ko dito.
"Lucho?!!!"
----
AN.
Bibitin ko muna kayo :)
Sorry for the late update. Umuwi kasi kami ng pampanga! Sorry.
VOTE/COMMENT.
Tomorrow ang next UD. 3:00-4:00pm.
Follow me on twitter: @Dkrstlyn
#BeTwistedFate

BINABASA MO ANG
TWISTED FATE [ book 2 ]
Fiksi PenggemarAng mundo ko na puno ng NAPAKADAMING-TWIST. Welcome to my life, and beware of un-expected TWIST. ☆ LONG DISTANCE RELATIONSHIP (BOOK 2) This is a JuliElmo Fan Fiction, KrisLie Fan Fiction ElNine Fan Fiction JaninElmo