TWIST 48

1.9K 32 30
                                    

Kristoffer POV

Palabas na ako ng village ng mapansin kong nandito ung laptop bag ni julie.

"Hays! Nakalimutan pa niya oh!!" Saad ko habang kinakaliwa ang kotse papunta ulit sa bahay ni julie.

Pagkapark ko ng kotse ko sa labas ng gate nila julie, pinasok ko na ang bahay niya na ubod daming lock.

Sisigaw na sana ako para tawagin siya ng makarinig ako ng isang kalabog galing sa taas.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto niya dahil doon nanggaling ung kalabog.

Nanlaki ang mata ko ng makitang nakahilata sa sahig si julie habang pinagsisipa ng isang nakaitim na tao.

Agad akong pumunta sa kwarto ni tita, ung mama ni julie. Buti na lang alam ko ung passcode. Kumuha ako ng baril niya sa cabinet.

Bawat kwarto dito may baril para sa proteksyon. Pero sa aking palagay hindi iyon nagamit ni julie.

Agad-agad kong tinawagan ung Pulis para pumunta dito sa bahay ni julie. At pagkatapos noon dali dali akong pumasok sa kwarto  ni julie.

Agad kong pinutok ang baril sa kaliwang tuhod nung tao.

Napatingin siya sakin at halatang nagulat.

Pero mas nagulat ako ng ilabas niya din ang baril niya at tinutok kay julie. Pero agad iyong natanggal. Pinaputukan ko kasi ung kamay niya na may hawak na baril at napatapon niya ang baril niya. at agad siyang napahiga.

Agad kong pinuntahan si julie,wala siyang malay.

Agad ko siyang binuhat papalabas ng mansyon.

"J-Julie J-uls. Wake-up!" Saad ko para gumising siya. Pero hindi niya dinilat ang kanyang mata.

Kinakabahan ako para sa kanya. At para sa mangyayari sa buhay niya.

Hindi ko lubos maisip ang pwede niyang gawin kapag nalaman niyang. WALA na ang baby niya. At sana hindi naman iyon mangyari.

Agad kong pinaharurot ung kotse ko papunta sa pinakamalapit na ospital.

Kinuha ko ung cellphone ko upang tawagan ung dra ni julie.

"Hello"

"Hello Dra. Min?" saad ko

"Ah. Whose this? Dra Is out for a while." sagot niya

"Tangina!" Bulong ko

"Pardon?"

"Whose this?", sabay naming sabi

"Her daughter" Sagot nito

"KATH! Si kristoff ito! Dinugo si Julie. At pupunta kami ngayon Sa Roma Hospital!" Sigaw ko sa kanya.

"What?!!! Roma hospital? Nandyan si mama!! Tatawagan ko na siya para magkita kayo sa ER."

Pagkatapos nun binaba ko na ung tawag at tiningnan si julie na nasa likod at dinudugo pa din.

Shet!

"Baby kapit lang kay mommy!!" saad ko habang tumulo ang luha ko.

"I NEED A STRETCHER!" Sigaw ko sa mga nurse at guard sa labas pagkapark ko dito sa hospital.

Alam kong lagot ako kay julie nito. Dahil dinala ko siya sa hospital. At baka malaman ng tao na buntis siya.

Binuhat ko si julie papalabas ng kotse at hiniga sa stretcher.

TWISTED FATE [ book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon