Julie POV
Nakatingin lang ako kay kristoff habang paikot-ikot siya dito sa harap ko.
"Wag ka ngang kabahan" Saad ni joyce
"Bakit? Nandito ung dalawa! Fuck!!" Bulyaw nito
Hindi ko alam bakit naging ganyan ung reaksyon nya noong nalaman niya na nagkita kami nila elmo at janine
"Julie!"
Napatingin ako kay kristoff noong tinawag niya ako
"Hindi ka ba kinakabahan?" Tanong nito.
Nagkibit-balikat lang ako at tumayo "Bakit naman ako kakabahan?" Pabalik na tanong ko dito "Wala akong ginawang masama sa kanila, In Fact SILA PA NGA ANG DAPAT KABAHAN" Dagdag ko
"Pupunta pa ba tayo sa party?" Tanong ni joyce
"Yes/No!" Sabay na sagot namin ni kristoff kaya napatingin ako sa kanya
"Ano bang nangyayari sayo Kristoffer? Ikaw ang unang pumilit samin na pumunta doon! Tapos ngayon ikaw pa tong AAYAW!" Mataray na banggit ko dito
"I'm just protecting you!" Sagot nito
"Hindi naman pwede na nakakulong lang ako dito! Kanina ikaw ang nagsasabi pupunta ako. I need to face them! Ito na oh? Ready na ako!" Saad ko
Umiling si alden at nilapitan ako "Wag mong i-stress ung sarili mo please? Bawal yan" Nammroblema na banggit ni alden
"Lahat tayo pupunta doon sa party. Walang hindi pupunta, except kay julie" Saad ko
Napatayo si cheska "What??! Ang gulo nyo naman!!" Sigaw nito
Ngumiti ako at umiling "Pupunta ako, remember kanina pinakilala nyo ako bilang si Julia? So i will come as Julia not Julie" Saad ko at sabay ngiti sa kanila
"Bakit kailangan mo pa yan gawin?" Tanong ni kristoffer
"For us to know, kung ano ba talaga ang balak noong dalawa, Kung bakit sila dito magpapakasal" Sagot ko
"Pero-"
Pinutol ko ung sinasabi ni kristoff "Kapag nandun ako panigurado na magiging sweet ung dalawa, because nandyan ung Ex at kailangan pagselosin. May hindi pa ako nalalaman about sa kanila kaya kailangan ko ung malaman, and sa tingin nyo? Magpapakita sila ng motibo kung nandun ako? Syempre hindi. Kaya dapat wala si julie doon"
Saad ko
"Paano mo un gagawin? Makikilala ka nila dahil sa mukha, Yes your hair can have a wig. But your face" Turo ni joyce sabay iling
Ngumiti ako sa kanya "I have this Mask!" Saad ko at masayang pinakita sa kanila ang mask na kaparehas ng mukha tao
"Paano ka nagkaganyan?" Tanong ni kristoff
"Simple lang, Nagpagawa ako! Matagal ng meron ako. Hindi ko lang ginagamit. Kasi hinihintay ko ung right time, maybe ngayon na un" Saad ko at sabay ngiti sa kanila
"Everything was set! Kaya ready na tayo. Hindi ko alam ang plano ni Janine" Saad ko at kumuha ng isang basong tubig tyaka uminom "Kaya aalamin ko" Dagdag ko at ngumiti
"How sure na may plano siya?" Tanong ni alden
"Tanga na lang ang maniniwala na walang plano si janine." Sagot ko, kinuha ko na ung bag ko at aalis na "Magpapahinga na ako sa kwarto ko. Kailangan ko ng pahinga. Next Week narin ung party." Saad ko at umakyat na papunta sa kwarto ko.
xxxx
5Days later...
"SHET TALAGA!" Sigaw ni barbie sabay hampas ng invitation ng engangement nila Janine sa lamesa
"Kakadating mo lang, Mura kagad bungad mo" Saad ko habang binabasa ang isang baby book magazine.
"Paano ba naman kasi ha? Ito guys. I'm on my middle of my work. Then dumating tong pesteng invitation na to! Nbwst talaga ako nung nakita ko to!!!" Pag-iirita ni Barbie "Nakakabwst talaga sila!!!" Dagdag nito
"Eh bakit ka nandito?" Tanong ni kristoff
"Julie texted me na kailangan ko pumunta." Sagot ni barbie at tsaka tumaray
"Ha?" Sabay na tanong ni cheska at joyce
"Gustong ipalabas ni julie na wala lang satin tong party na to. Na pupunta tayo dahil nainbitahan tayo. At mga hindi tayo bitter" Paliwanag ni bea na kakatapos lang magCR
"Eh pero diba hindi pupunta si Julie? Si Julia lang" Takang-taka tanong ni cheska
"I don't know. May plano si Julie." Simpleng sagot ni bea
"And what was that?" Tanong sakin ni joyce
Tumingin ako sa kanya at nginitian siya. "Tomorrow is the day. Just wait guys" Saad ko "Kung tuso si Janine. Oh well!" Tumayo ako "Buntis lang ako, I'm not a disable para hindi siya labanan" Dagdag ko
"Your killing me Julie!!!" Sabat ni barbie
"Gusto ko lahat masuspense sa gagawi ko. Even you guys. Promise pagkatapos noong party. I will concentrate na in my babies" Saad ko at sabay hawak sa lumalaking tyan ko
"Hindi maganda ang kutob ko sa plano mo julie" Singit ni kristoff
Nginitian ko siya " Relax Toff. Walang mamatay bukas." Saad ko at tumawa ng malakas.
"Are you insane?" Tanong ni alden
"I'm just returning the favor, alden" Saad ko at umalis na
"Saan ka pupunta?" tanong ni bea
"I will just baked cookies for you guys" Masaya kong banggit.
xxxx
Party
7;00pm
"We're late" Saad ni alden pagkababa namin sa kotse
Simple pero magarbong ayos ang nadatnan namin.
Sa garden ang party sa gilid ay may swimming pool sa kabilang gilid naman doo nakalagay ang mga buffet.
"Maganda ang set-up nila" Simple kong banggit kay alden sabay kapit sa kanyang braso.
"Mas maganda ka julie" Sabi ni alden habang nakatingin sakin.
Black and white ang theme ng party.
Isang black Tube cocktail dress ang pinagawa sakin ni kristoff. Ayoko ng fit dahil mahahalata na yung tyan ko kaya pinaballoon ko ung lower part ng dress ko at hindi ko pina-fit sa bandang tyan. Partnering my Black Saint Lauren Pumps. Simpleng cartier love bracelet at Gold heart necklace lang ang jewelries ko.
Yes, Im wearing my mask. Hindi talagang mahahalata na mask siya dahil parang mukha talaga siya ng isang tao. Im wearing also the red bobcat wig again.
I'm Ready to party ;)
"Relax Julie" Saad ni alden
Tiningnan ko siya ng masama "For pete's sake, Im Julia ok????" Sabi ko
Tumawa naman si alden at tumango
"Hinihintay na nila tayo. Ready ka na ba? " Banggit nito
Huminga ako ng malalim tyaka tumango kay alden.
"Yes I'm ready" Saad ko at ngumiti sa kanya "Eh sila? Ready na ba sila?" Pabirong tanong ko kay alden at tsaka tumawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/9646080-288-k705020.jpg)
BINABASA MO ANG
TWISTED FATE [ book 2 ]
FanfictionAng mundo ko na puno ng NAPAKADAMING-TWIST. Welcome to my life, and beware of un-expected TWIST. ☆ LONG DISTANCE RELATIONSHIP (BOOK 2) This is a JuliElmo Fan Fiction, KrisLie Fan Fiction ElNine Fan Fiction JaninElmo