AN.
Nabasa niyo ba yung Twist 22(true) Un po ung update ko, after kong sbhn na hnd ako makakapag-UD pakitingn nlng po sa table of contents. TWIST 22(TRUE) Un po yun :) Para maintindihan nyo po tong TWIST 23.
TY.
VOTE.COMMENT.
*****************************
Julie POV
Ganda ng panaginip ko, Sana totoo na lang un.
Inaalagaan ako ni elmo.
Unti-unting binuksan ko ang mga mata ko.
Para rin may nakahawak sa kamay ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko, Hindi panaginip ang nangyari kagabi, TOTOO siya.
Nakahiga ako sa kaliwang braso niya, at ung kamay ko na nakayakap sa katawan niya hawak hawak niya.
Tulog na tulog siya.
Dahan dahan akong tumayo upang hnd siya magising. Sa kabilang side ng kama ako tumayo, Hinawi ko ang kurtina, Magbubukang liwayway na pala.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa side table.
15 missed calls
10 messages.
Binuksan ko ito, ang mga tawag galing lahat kay toff.
Yung texts naman kay sam.
Binuksan ko ang mga text ni sam.
Babes sorry hnd kami makakapunta dyan ni tippy may biglaang gig. Sorry talaga dadaan naman kami dyan bukas ng umaga para macheck ka. Sorry talaga.
Ganun lang ang txt niya. Paulit-ulit lang. Napaka-tamad talaga.
Nireplyan ko si sam.
Forgiven. Pero dala ka ng spag or lasagna, Pls? Haha. Thanks Pats! Mwaa for tips!
Tiningnan ko si elmo na nakahiga pdn at tulog na tulog.
Napangiti ako ng maalala na inalagaan niya ako kagabi. Mejo ok nrn ang pakiramdam ko.
Lumabas na ako ng kwarto para maghanda ng almusal.
Dumiretso ako sa kusina.
Nagluto ako ng hotdog's, bacon's, and egg's. Sinangag ko din ung kanin.
Ininit ko din yung soup na niluto nya kagabi.
Ayan tapos na, kaya inayos ko na lahat sa mesa.
"Julie!"
Napatingin ako kay elmo habang nilalagay ang kanin sa mesa "Gising ka na pala, Nagluto na ako. Tara kain na"
Pumunta siya sakin at nilagay niya ang kamay niya sa noo ko. "Ok ka naba?"
Tinanggal ko ung kamay niya tapos nginitian ko siya "Yeap. Thank you"
Tara na kain na tayo. Tinulungan niya pa ako sa upuan ko "Thank you ulit."
Umupo siya sa tapat ko, Nilagyan niya ng kanin yung plato ko "Ok nb yan?"
Tumango ako sa kanya.
"Dapat ginising mko, para ako nagluto. Mahirap kapag nabinat ka"
Sabi nito habang nilalagyan ng bacon at eggs yung plato ko.
Alam pa rin nya na na yun ang favorite breakfast ko.
"Thank you" Sabi ko dito ng nakangiti.

BINABASA MO ANG
TWISTED FATE [ book 2 ]
FanfictionAng mundo ko na puno ng NAPAKADAMING-TWIST. Welcome to my life, and beware of un-expected TWIST. ☆ LONG DISTANCE RELATIONSHIP (BOOK 2) This is a JuliElmo Fan Fiction, KrisLie Fan Fiction ElNine Fan Fiction JaninElmo