TWIST 56

1.4K 35 21
                                        

Julie POV

1 week later

"Sure ka na ba?" Malungkot na tanong sakin ni joyce

tumango ako "Ilang beses na akong nakakatanggap ng regalo na may iba't ibang klaseng patay na hayop." Takot na takot kong banggit

"Kasama naman niya ako guys, kaya wag na kayo mag-alala" Singit ni alden

"Yun nga eh, ikaw ang kasama at kapag nakakita ka lang ng babae baka makalimutan mo na guard ka ni julie!" Saad ni joyce at sabay batok kay alden

"Aray naman!" Reklamo ni alden

Napagdesisyunan ko kasi na doon na lang muna mag-stay sa bahay ng mama ni alden sa switzerland, pagkatapos kasi ng engangement party nila elmo at janine, kinabukasan nakatanggap ako ng isang regalo na laman ay isang patay na daga. at nasundan pa un ng iba't ibang klaseng hayop.

"Wag na kayo malungkot. Pupunta naman ako doon para maging ligtas ang buhay ko at lalo na ang buhay ng kambal" Saad ko at hinawakan ko ang tyan ko "Hindi ako papayag na mawala sila sakin. Kasi ngayon sila ang pinakamahalagang tao sa buhay ko na ayaw kong mawala" dagdag ko

Lumapit sakin si joyce at cheska at mahigpit nila akong niyakap "Hindi ka na namin kayang sundan doon, dahil next week magsisimula na ang movie na sinulat ko" Malungkot na sabi ni cheska

Humiwalay sila ng yakap sakin kaya tiningnan ko silamg dalawa.

Hinawakan ko ang kamay nila gamit ang kanan at kaliwa kong kamay

"Salamat sa pag-aalala niyo sakin. Pero gaya nga ng sinabi sakin ni kristoff, hindi niya ako papabayaan. Para saan pa kung naging hepe ang tito ni kristoff diba?" Banggit ko

Nagbuntong hininga sila at sabay na tumango "Kung pwede lang gawin maldives ang switzerland"  malungkot na saad ni joyce

"Magfocus nga kayo sa trabaho nyo! Pwede nyo naman ako puntahan kapag may free kayo at may skype naman. Tyaka ilang buwan lang ako doon, 10months siguro. After ng ilang linggo pagkatapos kong manganak. Alam nyo naman na babalik ako dito. Dinaig nyo pa si mama eh" Pangasar ko

"Si tita naman kasi kasama mo" Sagot ni joyce

"Pero uuwi din siya dito every weekends para icheck tong bahay at yung restaurant" paliwanag ko

"Nasaan pla si kristoff?" Singit na tanong ni alden

"May tumawag sa kanya kanina eh, tapos ayun nagmadaling umalis. Tinanong ko naman kung saan siya pupunta pero hindi naman siya sumagot" Saad ni cheska

"Baka nakipagdate" Sagot ni alden

"He will never do that" Sabay na saad naming tatlo

Sasagot pa sana si alden sa pagkakasabay-sabay namin pero napatigil kami ng may narinig kaming busina,

"Maybe si kristoff na yun, " Ani ni joyce

tumango naman ako "Baka nga"

Pagkatapos ng ilang minuto, bumukas na yung main door at pumasok si kristoff .

" Saan ka galing toff?" Tanong ko dito

Pokerface ang mukha niya kaya nawari kong baka may problema siya kaya nilapitan ko siya sa pinto

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Umiling siya "May gusto lang kumausap sayo" simpleng sagot ni toff

Napatingin kaming apat sa kanya at lahat kami tinanong kung sino ito

Binuksan ni kristoff ang pintuan kaya sumilip ako dito,

Isang nakashades na babae, mahaba ang buhok, nakalugay ito at may puting headband. Nakasuot lang siya ng simpleng tshirt at shorts tyaka tsinelas,

pinagmasdan ko mabuti ang mukha niya dahil parang namumukaan ko siya

Tumango si kristoff sa kanya at pumasok na yung babae sa bahay, may dala siyang pink box na may malaking ribbon na itim

"Tippy?!!!" Masungit na sigaw ni joyce kaya napatingin ulit ako doon sa babae

Oo nga! Bakit hindi ko masabi! Siya nga si tippy!

"J-Julie" Utal na banggit ni tippy at inabot sakin ang box na dala niya.

Lumapit na samin si alden,joyce at cheska

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni cheska

"Mabuti pa, umalis ka na lang" Saad ni joyce

"Umalis ka na, parating na si Sam dito at ayaw niyang makita ang pagmumukha mo!" Simpleng saad ni alden habang nilalaro ang sigarilyong walang sindi sa daliri niya

"Alden!" Sigaw ko dito

"Bakit? May mali bang sinabi si alden? Lahat ng yun tama.Ayaw naman talagang makita ni sam si tippy!!" Mataray na saad ni joyce

Napa-atras si tippy ngunit hinawakan ni kristoff ang balikat nito

"Sabihin mo na" Ani ni kristoff  kay tippy

"Ang alin?" Tanong ko

Yumuko si tippy at dahan-dahan na binigay sakin ang pink na box

Bigla naman itong hinawakan ni alden kaya hindi ko nakuha

"Anong laman nito?" Tanong niya

pero hindi sumagot si tippy at nakayuko lang siya,

tinanggal ko ang kamay ni alden sa box at kinuha ito

"Bubuksan ko na lang para malaman natin kung ano to" Sagot ko

Bubuksan ko na sana ang box pero sumigaw si cheska

"Wag!!" Sigaw niya

Napatingin ako sa kanya at sa kanilang tatlo

"Ang OA niyo guys, Chill!!" Puna ko

Hindi na sila nakaimik kaya tinuon ko ang pansin ko sa box na nasa kamay ko.

Tama lang ang size ng box hindi maliit hindi din naman malaki.

Tiningnan ko muna to, dahil parang may nagsasabi sakin na wag ko na tong buksan at itapon na lang.

Pumikit ako at umiling, mali ang nasa isip ko at alam kong regalo to sakin ni tippy. Malay naman natin na nagbago na siya at nagsisi na sa mga kasalanan niya.

Dahan-dahan kong binuksan ang takip ng box na may malaking itim na ribbon sa itaas

"Ahhhhhhhhh!!!" Sigaw ko at sabay hagis sa box kaya mas lalong lumabas ang laman nito,

Bigla akong napaupo sa sofa na nasa likod ko

"Ahhhh I-Ilayo ny-nyo s-sakin yan!!" Takot na takot kong banggit habang nakahawak sa malakas na pulso ng puso ko

"Ahhhhhhhh!" Sigaw ko ulit at napahawak ako sa ilalim ng tyan ko ng bigla itong sumakit

"Shet itapon mo na to kristoff!!! At paalisin mo tong babaeng to!!" Sigaw ni cheska

Lumapit sakin si alden at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko

"Ok ka lang ba????" Nag-aalalang tanong niya

Umiling ako dito

"Fuck!!!! Dinudugo si julie!!!" Tarantang sigaw ni alden at sabay buhat sakin

"Shet!!" Napamura si joyce dahil sa sobrang lakas ng paglabas ng dugo sakin

Ng mabuhat na ako ni alden bigla akong napatingin doon sa garapon na nasa sahig na bigay ni tippy.

Isang fetus.... patay....

Pumikit ako at hinawakan ang tyan ko

"Wag babies, Please wag" Saad ko sa akin isip bago ako ipasok sa kotse ni alden at itakbo sa pinakamalapit na ospital.

TWISTED FATE [ book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon