TWIST 46

1.9K 28 26
                                    

AN.

So ayan may UD ako ulit. Pero maikli lang to. Pero alam kong hindi kayo makakatulog kapag nabasa nyo ung huling part nito.

Sorry kung walang thrill at bitin ung last chapter. Pero mas bitin to.

Next UD. Sunday or Monday

Ayun, VOTE/COMMENT

Gusto ko may Comment kayo.♥

Thankyou!

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Julie POV

"So it's goodbye then" malungkot na saad ni bea

Tumango ako at niyakap siya "Be a good girl" Saad ko sabay tawa "And if you have time. Please visit me in Cali."

Tumango naman ito at pinunasan ang kanyang mga luha "Alagaan mo ung s-sarili mo h-ha? Pati si b-baby"

"Yes. I will" Sagot ko at ngumiti kay bea at niyakap ulit siya. "I will miss you!!!" Dagdag ko.

Nandito na kami sa private lounge ng Airport at ready ng umalis

Kumalas na ako sa yakap at bigla naman akong niyakap ni barbie "Bibisitahin ka namin kapag may oras na kami. Para sayo at para sa baby mo" Mangiyak-iyak na banggit ni barbie

"Hihintayin ko kayo" Sagot ko.

Sila bea at barbie lang umiiyak dahil hnd sila makakasunod dahil sa mga projects. Sila cheska at joyce kasi makakasunod sakin dahil sa konting adjustments.

Napatingin ako sa likod at napansin wala si sam

"Nasan si sam?" tanong ko

Pero hindi sila sumagot at tiningnan lang ako.

"Nasa Cebu siya" Sagot ni lauren

"What?! Anong gngwa nya doon?" tanong ko

"He wants to pursue his engineer career. May kumuha sa kanya na firm doon." Sagot naman ni alden

Umiling ako at kinuha ang calling card ko sa Wallet ko "Alden pls give it to sam. And pakisabi sa kanya ngayon din. Na wag magtrabaho doon. Sumunod siya sakin sa states. May kakilala ako sa apple or samsung na pwede magpasok sa kanya." Saad ko at kinuha naman ni alden ung card

"We need to go" Saad ni toff at kinuha na ang maleta ko

"So" Saad ko at niyakap silang lahat "We need to be strong. Kakayanin ko to" Sabi ko at kumalas sa yakap "It's not a good bye. Till we meet again guys!!" Nakangiti kong sabi at tumalikod na sa kanila.

Agad naman akong inakbayan ni kristoff

"Makakayanan mo to" Saad niya

Tumango naman ako at pinunasan ang mga luha ko.

Ito na naman ako tatakasan ang problema sa pilipinas at pupunta sa states para magunwind.

+++

"Mama!!" Sigaw ko nang nakit ko siyang naghahanda ng makakain sa kitchen.

Agad agad ko siyang niyakap at bigla bumuhos ang mga luha ko.

Bago pa ako bumalik dito sa states. Alam na ni mama na buntis ako at kung anong ginawa ni elmo.

Halos gusto niyang umuwi ng pilipinas para sampalin si elmo. Pero hindi pwede dahil sa Restaurant Business niya

"We will raise your child. Tutulungan kita anak. Susuportahan kita sa lahat ng desisyon mo. Ipapakita natin kay elmo na His nothing. Na kaya mong palakihin ang anak mo na Ikaw ang mama at papa. You can do it Juls. You can!" Saad ni mama habang yakap-yakap ako.

Namiss ko to grabe. Ung pag-aaruga ng isang ina tuwing may problema ako. Namiss ko si mama.

Magulang lang talaga ang nakakaintindi sayo, kahit ano pa man mangyari sayo. Nandun sila para suportahan ka. Nandun sila para gabayan ka.

Kumalas na si mama sa yakap at pinunasan ang mga luhang tumutulo galing sa mata ko.

"I know you're tired. At bukas kailangan mo pang pumunta ng Julliards. Magpahinga ka muna sa kwarto mo. Tatawagin na lang kita kapag tapos na ung niluluto ko"

Tumango ako kay mama, "Salamat po ma" banggit ko at niyakap ulit siya.

"Sige na. Oo nga pala may nagpadala na gifts sayo. Nasa kwarto mo na din un" Banggit ni mama

Tumango naman ako at umakyat na sa kwarto ko.

Nandito na kami ni toff sa bahay na pinagawa.

Si kristoff nauna na siya sa walk-in closet ko para ayusin ang mga gamit ko.

Dumiretso naman ako sa kwarto ko, at bumungad sakin ang mga regalo ng mga fans ko sakin.

Halos mapuno ang kwarto ko dahil sa dami ng mga ito.

May mga malalaking teddybear. Mga nakabalot na regalo.

Dumiretso ako sa kama  at umupo doon.

Isa-isa kong binuksan ang mga regalo na nasa kama ko. Ito muna ang uunahin ko para makahiga na ako.

Halos lahat ay mga sapatos at bag. Buwan-buwan nagpapadala ng regalo ang mga fans ko sakin. Hindi ko alam pero i feel so special everytime na may matatanggap akong regalo mula sa kanila.

"Ohmygod!!! Latest bag from hermes!!" Gulat kong saad ng makita ito sa mga regalo ko.

Ito ung gusto kong bilhin sa paris noon, kaso walang stock.

Minsan magugulat ka na lang ung gusto kong bagay na sa harap ko na in an hour.

Nagpatuloy ako sa pagbubukas ng regalo hanggang sa madako ang mata ko sa isang box na may pang baby na wrapper.

Kinuha ko ito at binasa ang note

'It's for your baby :)'

Bigla akong kinabahan ng mabasa ang note na to.

Wala pang nakakaalam na buntis ako. At siguradong hindi to alam ng media. Dahil ang alam lang nila ay ang relasyon namin ni elmo.

Hindi rin pwede na bigay to ng mga barkada ko dahil may mga gifts na sila sakin at nasa maleta ko un.

Pero nawala ng onti ang kaba ko ng maalalang baka kay mama to galing.

Dahan-dahan kong sinira ang gift wrap at binuksan ang box.

"WAHHHHHHHH" Sigaw ko at tapon sa box, napahawak pa ako sa tyan ako. At biglang umiyak.

"Fck. What happen julie?!" Sigaw ni kristoff habang papunta sakin.

Bigla ko siyang niyakap at umiyak lang ng umiyak habang umiiling ako. "No... No.."

"What happen?!!" Banggit nito at hinawakan ang dalawang balikat ko.

Tinuro ko ung nakataob na box "M-May nagpadala sa-sakin n-n-g" Utal utal kong banggit habang humihikbi

"What juls?"

"M-may nagpa-nagpadala ng P-PATAY NA P-PUSA!" Saad ko habang patuloy na umiiyak.

Agad tiningnan ni kristoff iyon "FUCK!" Sigaw nito "The other note said 'Ingatan mo ung anak mo'" Dagdag nito at bigla ako niyakap

"NO!!!!!" Sigaw ko sa takot na kung anong mangyari sa anak ko. "Wh-what if may magta-magtangka sa buhay ko? A-at target ang b-baby ko?!!" Takot na takot kong sabi kay kristoff

Niyakap niya ako ng mahigpit at umiling-iling "Hindi un mangyayari. I will protect you." saad nito

"I will.. I will protect you" Ulit nito.

Kahit alam kong pprotektahan ako ng kristoff kahit anong mangyari. NATATAKOT pa din ako. Natatakot ako para sa anak ko.

Kung sino man ung nagpadala sakin nun. For sure GALIT na galit siya sakin. Kasi pati ang walang muwang na bata dinamay niya.

Pero one thing sure. Ung taong un ay isang FILIPINO....

TWISTED FATE [ book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon