Twist 60*2

1K 44 9
                                    

EPILOGUE NEXT 💔
THANK YOU GUYS!! Kita kit's sa book3

Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Julie POV

Nagising na lang bigla ng may bumuhos na malamig na tubig sa mukha ko. Minulat ko ang mukha ko at nakita ko ang agad si janine na nakatingin sakin. Nasa likod nya ang limang armadong lalaki.

Oo armado.. May dalang baril

"Mabuti naman gising ka na" Banggit nito "May gusto kasi ako sayong ipapanuod" dagdag pa nito at tumawa ng malakas.

Tiningnan ko na lang siya ng masama at hindi ako sumagot sa kanya

Ang sama-sama niya!!!

"Na pipe ka n ba?" Tanong nito at sabay sabunot sakin kaya napa-aray ako bigla "ah hindi pa naman pala pipe" saad nito sabay bitaw sa buhok ko

Nahihibang na yata siya?

Imbis na tumingin sa kanya, yumuko na lang ako at tiningnan ang nakagapos na kamay at paa ko..

Nagdasal ako sana may tumulong sakin. Pero mukhang impossible un dahil nasa isang warehouse kami ngayon may white screen sa tapat ko. Hindi ko alam kung para saan ito, at kung ano ang pakana niya

"Nasan si al-alden?" Napatingin sakin si janine ng bigla ko siyang tanungin

Nagkibit-balikat siya "Anong paki ko dun?" Banggit nito at sabay tawa ng malakas

"Hayop ka talaga!!!!!" Sigaw ko dito dahil sa inis kung ano na ginawa nila kay alden

"Kapag nakawala ako dito!!! Mabubulok ka sa kulungan!!!!!" Sigaw ko pa ditokaya lumapit siya sakin

"Kapag nakawala ka" nakangising saad nito

Ngumisi ako sa kanya "kahit kailan hindi mananalo ang kasamaan mo" sagot ko sa kanya

Ngumisi ito at tumalikod na sakin "Hindi naman kita sasaktan.."

Asa pa akong hindi niya ako sasaktan.

Eh mukhang nakapatay na nga siya eh.

"Matagal pa ba?"

Narinig kong tanong ni janine sa lalaking katabi niya na naglilinis ng balisong niya

"Tinawagan ko na boss. Pinadala ko na din ung picture. Baka papunta na yun" sagot nung lalaki

Nasa amerika kami pero yung mga kinuha niyang tao mga pilipino. Ganun na ba siya kahirap? Kung ako sa kanya. I will hire the best killers here para mamatay na agad siya.

Kaso hindi ako siya.

Hindi ako ganun kasama katulad niya.

Ni minsan hindi ko naisip na saktan ang kapwa ko.

Habang tinitingnan ko ung mga lalaking kasama ni janine napako ung tingin ko dun sa lalaking nakasalamin habang nakaupo sa gilid. Wala siyang ginagawa, hindi katulad nung apat niyang kasama naglilinis ng mga armas nila.

Napaiwas ako ng tingin ng bigla siyang napatingin sakin. Sa sahig na lang ako tumingin at hindi na siya muli tiningnan.

"Tingnan ko lang sa labas"

Nalatingin ako sa kanila para malaman kung sino yung nagsalit at. NAkita ko ung lalaking nakasalamin ung nagsalita. Umiwas ulit ako ng tingin ng magsimula na itong maglakad.

Napansin kong kumuha siya ng basong may tubig sa gilid ng lamesa at dumiretso na kung nasana ko.

Halos mapamura ako ng maramdaman na malapit na siya sakin. Kahit alam ko naman na lalabas siya hindi ko maiwasang kabahan, malay ko ba na sadyang maamo lang ang kanyang mukha pero ang totoo mamamatay tao talaga siya!

TWISTED FATE [ book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon