Alden POV
Pagkasakay ko kay julie sa kotse biglang pumasok si cheska para samahan si julie sa loob.
Ini-start ko na ang makina ng kotse ko at pumunta si joyce sa bintana ng driver's seat.
"Please al-alden" Maluha luhang banggit ni joyce
Tumango ako "Aabot kami" Positibong sagot ko.
Tumango ito at pinahiran ang luhang tumulo sa kanyang mata.
Agad kaming umalis at binilisan ko ang pag-drive.
Alam kong traffic papunta sa ospital na nandun si doktora kaya ang gagawin ko dadalhn ko siya sa pinakamalapit na ospital dito.
"Cheska" tawag ko
tumingin ito sakin habang hawak-hawak ang kamay ni julie.
"Paki-tawagan si Kath. Pupunta tayo sa pinakamalapit na ospital dito. Pakisabi na si dok papuntahin doon" Saad ko habang nakatingin sa kalsada.
Wala na akong narinig na sagot mula kay cheska, at nakita ko sa rear view mirror na tinatawagan na niya ito.
"H-Hindi sumasagot" Tarantang sagot ni cheska pagkalipas ng ilang minuto
"Text mo na lang" Sagot ko habang humahanap ng shortcut.
"Saang hospital?" Tanong ni cheska
Tiningnan ko sa cellphone ko ang google map para malaman kung anong pinakamalapit.
"St. Andrew Hospital" sagot ko at lumiko na sa kanto ng hospital.
Agad akong nagpark sa tapat ng emergency at lumabas pagkatapos.
"STRETCHER!!" Sigaw ko sa mga naka-abang na nurse sa labas. Agad naman silang lumabas ang kasama ang isang stretcher
Binuksan ko ang pintuan ng kotse kung saan nandun si julie.
"Fuck!" Saad ko ng makitang duguan ang kotse ko at si julie ay walang malay
Agad ko siyang binuhat at hiniga sa stretcher. Agad namin itong pinunta sa Operating room
Habang tinatakbo namin ang stretcher ay naririnig ko ang hikbi ni cheska at sa patuloy na pagsabi na 'Kapit lang'
"Julie!" Saad ni cheska kaya napatingin ako kay julie.
Nakadilat na ito at kitang-kita nahihirapan na siya
"C-Ches-Cheska" Bulong ni julie
"S-Save My bab-babies" Umiiyak na banggit ni julie.
Hinawakan ko ang kaliwang kamay nito kaya napatingin ito sakin
"Sshhhh-Shshhhhhh" Umiiling na banggit ko.
Natawa ako ng maisip ko na umiiyak na din pala ako.
"A-alden p-lease" Paki-usap muli ni julie
Hinawakan ko mahigpit ang kaliwa niyang kamay
"We wi-will" Saad ko
"Kumapit ka din julie. Pl-please be safe ikaw. Ka-yo ng baby mo" Banggit ni cheska
Walang sagot si julie. Kundi isang mahina at malungkot na ngiti lang bago siya ipasok sa operating room.
Agad naman akong napaupo at hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko
"Tangina"
Napamura ako ng maalala kong dapat walang mangyari kay julie at sa kambal dahil ipinaubaya sila sakin ng isang napakahalagang tao.

BINABASA MO ANG
TWISTED FATE [ book 2 ]
FanfictionAng mundo ko na puno ng NAPAKADAMING-TWIST. Welcome to my life, and beware of un-expected TWIST. ☆ LONG DISTANCE RELATIONSHIP (BOOK 2) This is a JuliElmo Fan Fiction, KrisLie Fan Fiction ElNine Fan Fiction JaninElmo