TWIST 29

2.6K 30 22
                                        

Julie POV

6 am pa lang, at 3 oras palang ang tulog ko, Pero kailangan ko ng gumising.

 Aalis pa kami hindi para magbakasyon. Kundi mag-trabaho

Nakita kong sumakay kagad si janine sa kotse ni elmo. Kala naman niya sasakay ako dun. Ngumiti sakin si elmo kaya nginitian ko din siya.

"Toff sakin ka na sumabay, ikaw magdrive!" Sabi ko kay toff at hinagis ung susi sa kanya.

I feel so sleepy talaga. Kaya bawal ako magdrive.

Akmang bubuksan ko na yung pinto sa likod, dun ako dahil matutulog ako dun, gusto ko humiga.

 "Sabay ako" Saad ni cheska

Tumango na lang ako sa kanya at tinuro yung pinto ng tabi ng driver "Dyan ka. Dito ako sa likod." Saad ko tapos binuksan ko na yung pintuan sa likod. At humiga.

Inaantok pa talaga ako. Wala pang ilang minuto napapikit na ako at nakatulog.

 **

Naalimpungatan ako ng marinig ko na nagrring ung cellphone ko. Kaya kinapa ko to sa bulsa ng jeans na suot ko.

"Hello"

Saad ko ng hindi tinitingnan kung sino to.

"Bakit dyan ka natutulog?"

"I'm sleepy."

"Tumayo ka na dyan, dun ka sa isang suite hindi diyan sa kotse mo!"

Biglang nag sink-in sakin kung sino ang tumawag at kausap ko.

Bigla akong napaupo at tumingin sa right window ng kotse ko.

Nasa labas nga siya. Pinatay ko na kagad yung tawag at inayos ang aking sarili. Nang mapayuko ako para kunin ang slippers ko. Nakita ko ang note ni toff

‘Julie hindi ka na namin ginising dahil antok na antok ka. Hindi na rin ako nag-abala na buhatin ka dahil magigising ka lang dun at maiistorbo sa tulog mo. Yung susi mo nandyan sa gilid.’

Tiningnan ko yung susi sa gilid at tama nga nandito.

Baliw talaga yun si toff hindi ako nagising! yan tuloy nakita pa ako ni elmo dito!!

Kinuha ko na yung bag at susi ko at lumabas sa kotse ko.

 "Bakit diyan ka natutulog?" Seryosong tanong sakin ni elmo

"Nakatulog lang moe, hindi naman ako ginising ni toff." Sagot ko habang inaayos ang buhok ko

"May suite naman-" Pinutol ko na yung sinabi niya

"Ok lang" saad ko sabay hawak sa braso niya at hinaltak siya papasok ng resort

"Sa Dining daw sila"

Tumango naman ako, Hawak hawak ko pa din ung braso niya.

God! I missed this!! ♡

Mag-sasalita pa sana ako kung anong ginagawa nila sa dining, ng nagulat kami pagpasok nmin sa dining.

Nagsiputukan ang mga party poppers. Lahat sila may party hat! At lahat sila kumakanta ng 'Happy birthday'

OHMYGOD!

Sa lahat ng makakalimutan ko

BIRTHDAY PA NI ELMO!!

Omg! I'm dead.

TWISTED FATE [ book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon