MAGKITA-KITA TAYO SA BOOK3
COMMENT KAYONG LAHAT♥
-----------------------------------------------------------------------------------
Julie POV
4 years after
"Sa condo tayo mam?"
Tiningnan ko yung driver ko ng bigla nya akong tanungin
Umiling ako "St.Mary please" Sagot koTiningnan ko yung katabi ko sa kotse, mahimbing siyang natutulog. Siguro napagod siya sa matagal na byahe. Nilagay ko siya sa lap ko para makatulog siya ng maayos.
Tiningnan ko na lang yung paligid..Ang dami ng pinagbago ng pilipinas. Ilang taon na kasi akong hindi nakakabalik dito, hindi lang apat na taon.
Pinilit kong ibaon sa limot lahat ng nangyari sakin sa pilipinas at california kaya lumipad ako sa paris para doon magsimula ng bagong buhay. At thankful ako dahil nahanap ko ang isang taong magbibigay pa sakin ng pag-asa para mabuhay muli.
At yun si Ellie.
"Mam nandito na po tayo"
Dahan-dahan kong binaba si ellie sa may upuan at lumabas na ako, pinagbuksan naman ako ng driver ko ng pinto "dito ka lang. Please watch ellie for me. Thank you"
Tumango na lang yung driver ko at dumiretso na ako.
Tiningala ko muna ang puting musileyo na may nakaukit na "Dela rosa" sa taas
Huminga ako ng malalim habang binubuksan ang gate ng musileyoIsang malakas na hangin ang sumalubong sakin pagkatapak ko sa loob nito. Imbis na matakot, bigla akong napangiti 'Namiss nila ako' banggit ko sa aking utak.
Dumiretso ako sa gitnang nicho kung saan nakahimlay yung mga pinakamamahal ko.
Napangiti ako ng makita na punong-puno ito ng mga bulaklak, at bago pa ang mga ito. Sinindihan ko ung kandila na dalawa na dala ko tyaka nagdasal.
Habang nagdadasal ako hindi ko maiwasang mapaiyak. Palagi ko pa rin siyang tinatanong bakit? Apat na taon na ang lumipas pero hindi ko pa rin matanggap na wala na sila.
Nilapag ko ung dala kong blue at pink roses sa ibabaw ng nicho tyaka umupo sa tapat ng lapida
Jules Elle R. Dela Rosa
2014
Jullienne Ellaine R. Dela Rosa
2014
Our forever angel
Hindi ko mapigilan ang mapaiyak ng muli kong maalala ag nangyari 4years ago. Ang sakit na dinulot sakin nito..Agad akong sinugod sa ospital ni elmo ng malaman na ako ung nabaril at hindi si janine. Nabaril ko si janine pero daplis lang
"Kapit lang juls"
Saad ni elmo habang hawak-hawak ang kamay ko, hindi niya ito binitawan hanggang papunta kami ng ER. Hindi niya ako iniwan..
Agad akong inilipat sa isang kama at biglang bumukas ang ilaw sa may ulunan ko, nakaramdam ako ng mayroon iniinject sakin
Pampahilom..
Gumising ako ng walang maalala kung anong nangyari, agad-agad kong dinilat ang mga mata ko, at bumungad sakin ang mga kaibigan ko. Si mama... At si elmo
Lahat sila umiiyakBakit? Bakit sila umiiyak?
"Nandito pa sila diba?" Tanong ko sa kanila at isa-isa silang tiningnan. Pero sa tanong kong iyon lalong umiyak ang mama ko at niyakap ako bigla.
"Ma-"
Halos mag-crack ang boses ko ng biglang magbreak-down si mama habang magkayakap kami.
Ayokong isipin na wala ma sila. Ayokong isipin na wala na yung kambal ko. Pero kusang tumulo ang mga luha ko..
"M-ma ano ba"
Halos magmakaawa na ako kay mama kung bakit siya umiiyak. Gusto kong sabihin na niya kung bakit?
Umiling si mama umiling siya habang sinasabi ang katagang "w-wala na"
Humiwalay sa yakap si mama "W-wala na sila julie" banggit ni mama habang umiiyak at malungkot na tumingin sakin
BINABASA MO ANG
TWISTED FATE [ book 2 ]
FanfictionAng mundo ko na puno ng NAPAKADAMING-TWIST. Welcome to my life, and beware of un-expected TWIST. ☆ LONG DISTANCE RELATIONSHIP (BOOK 2) This is a JuliElmo Fan Fiction, KrisLie Fan Fiction ElNine Fan Fiction JaninElmo