Julie POV
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.
Puting kisame ang bumungad sakin, Napakalamig na hangin.
"J-Julie"
Isang malamig at malungkot na boses ang nagsalita galing sa aking kanan, kaya napatingin ako dito.
Laking gulat ko ng makita ang isang lalaking hindi ko inaasahan na makikita ko dito
"E-E-El-Elmo"
Halos hindi ko mabanggit ang pangalan niya dahil sa aking pagkabigla
Umiiyak siya at bigla niya akong niyakap.
Kahit nararamdaman ko na masakit ang katawan ko hindi ko un inani, dahil sa pagkayakap sakin ng mahigpit ni elmo.
"Bakit ka nan-nandito?"
Tanong ko dito habang patuloy siyang umiiyak sa aking likuran.
Naramdaman kong umiling ito "G-gusto lang kitang ya-yakapin. At tandaan mong nandito lang a-ako palagi"
"Baka makita tayo ni janine"
Malungkot kong sabi
"Ka-kahit ngayon lang please j-julie. G-gusto ko intindihin lang natin ung tayo" Umiiyak na banggit nito
Hindi ko napigilan umiyak dahil sa sinabi niya "Gusto ko din yan isipin, pero walang tayo elmo..." Malungkot na saad ko "Wa-wala" Dagdag ko pa
Umiling ito at humiwalay sa yakap at tiningnan ako ng mabuti
"Oo walang tayo, pe-pero sa puso ko" Turo niya sa puso niya "At sa utak ko" Turo niya sa noo niya "Ikaw lang babae doon. Ikaw lang ang nakakatak doon I love you Julie " Nakangiti pero umiiyak na banggit niya
Ngumiti ako sa kanya at pinunasan ang mga luha na pumapatak galing sa mga mata niya gamit ang kamay ko.
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko dito habang pinupunasan ko ang mga luha niya.
Hinawakan niya ang kamay kong yun at hinilig niya ang ulo nya dito tsaka umiling
"W-wag mo na lang pansi-pansinin" Sagot nito
Iiring pa sana ako ng makaramdam ako ng sakit sa aking puson.
napahawak ako dito "Ahhhhh" Iring ko dahil sa pagkasakit nito
"Julie anong masakit????" Pag-aalalang tanong ni elmo
Umiling ako at pinakalma ang aking sarili dahil sa pagkasakit ng aking puson.
Tumagilid ako ng patalikod para maayos ko ang masakit sa aking puson, ng makita kong may dugo sa aking kama
Bigla akong kinabahan at nanlaki ang aking mata ng makakita din ng dugo mula sa hospital dress na suot ko.
Tiningnan ko si elmo na nakatingin din sakin at mas lalo pa siyanh umiiyak.
Pilit kong inaalala kung bakit ako nasa ospital pero hindi ko maalala.
"Elmo ang baby ko?!!" Tanong ko dito
Umiling si elmo "So-sorry"
Sa paghingi ng tawad ni elmo sakin bigla akong napaiyak at napasigaw
"Ahhhhhhhhhhh!!!!" Sigaw ko habang hawak hawak ang tyan ko at umiiling
"Hindi elmo- Hin-hindi!" Dagdag ko

BINABASA MO ANG
TWISTED FATE [ book 2 ]
FanfictionAng mundo ko na puno ng NAPAKADAMING-TWIST. Welcome to my life, and beware of un-expected TWIST. ☆ LONG DISTANCE RELATIONSHIP (BOOK 2) This is a JuliElmo Fan Fiction, KrisLie Fan Fiction ElNine Fan Fiction JaninElmo