TWIST 47

1.9K 31 31
                                    

AN.

Maagang update para sa mahal kong readers!! :) 

VOTE/COMMENT♥ 

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Julie POV

"Toff nasan ka na ba?" Banggit ko habang tinitingnan ang paligid. .

Nandito ako sa isang Coffee shop malapit sa Julliards Bldg.

Kakatapos lang ng meeting ko with the boss's. Thanks god, tuloy pa din ako 3 months ko. Pero hindi ganun kabigat na projects ang gagawin ko.

May usapan din kami ni toff na dito magkita sa coffee shop nato. Sasamahan niya kasi ako kay Dra.Min ang mommy ni Kath.

Siya na ung napili kong Ob-gyne ko.

Humigop ulit ako sa Caramel with strawberry frappe na in-order ko.

Weird taste, pero ewan ko ba. Bakit gusto gusto ko ung lasa niya. Ganito talaga yata pag buntis at naglilihi.

Kagabi nga nagpabake pa ako ng strawberry cake. Sa strawberry na ako nahihilig. And guess what I hate apples na.

Doon talaga ako nagtaka. Makaamoy lang ako ng apple. Babahing na kagad ako, ayoko din ung lasa.

Sobrang nagiba ung panlasa ko ngayong naglilihi ako.

"Totoo ba ito? Caramel with Strawberry Frappe ang inorder mo?" Saad ng kakadating na kristoff at umupo sa tapat ko

"15 mins late" pagtataray ko dito

"Ganito ba talaga pag buntis?" Pangaasar niya "Nagbabago ang panlasa pati ang ugali?" Dagdag nito sabay tawa.

Inirapan ko na lang siya.

Nagbago din ang ugali ko. Mainipin na ako. Hindi na ako katulad dati ng Kayang maghintay ng 1oras. Ngayon minuto pa lang, bwisit na bwisit na ako.

"Ang dami mong sinasabi. Tara na!!" Bulyaw ko sabay tayo

"Mamaya pa naman 3pm ung appointment mo kay Dra. Iuuwi muna kita sa inyo. Tapos may aasikasuhin lang ako sa Kompanya." Saad nito

Tumango na lang ako at pumasok na sa kotse "Basta sunduin mko ng 1pm. Ayoko malate nakakahiya kay tita."

Tumango ito "Yes! Bossing!!"

****

"Manang!" Sigaw ko ng makapasok sa bahay

"Mama!" Dagdag ko at umupo sa sofa

Grabe hindi naman ako ganun naging busy ngayon. Pero pagod na pagod ako at parang isang araw nagtrabaho.

"Manang pakuha po ng strawberry juice sa ref!!" Sigaw ko

Kumuha ako ng magazine sa side table para libangin ang sarili ko.

Habang nagbabasa ako. Biglang tumunog ang Red alarm na nasa Living room. Napatingin ako sa taas kung saan nakapwesto ang Kwarto ko. Dali-Dali akong tumayo para akyatin kung sino iyon.

Kaming tatlo lang ang tao sa bahay ko. Lahat kami may Keycards na hawak para sa kwarto ko. Tutunog lang ang Red alarm kapag wrong pin or wrong cards ang ginamit!

Kinakabahan ako ng akbakin ko ang last step ng hagdan, kumaliwa ako at hinilig ang ulo para makita kung sino ung nagtatangkang pumasok sa kwarto ko.

Halos mapatago ako ng makitang isang taong nakaitim at nakabonet na itim ang nagtatangkang buksan ito.

Dahan-dahan kong kinuha ang cellphone ko at tinext si mama.

'Ma please go home now.' Text ko kay mama. at nanginginig na binuksan na ang cellphone ko.

Pumikit ako para irelieve ung sarili ko at hindi mag-panic.

Pero dahil sa hindi ko maiwasan mahussle sa pagbaba, natabig ko ang vase sa gilid at napapikit na lang sa malakas na pagkakabasag nito.

Bigla akong napalakad papaalis doon pero napatigil ako ng maramdaman ko ang isang matulis na bagay sa tagiliran ko.

SHET.

un lang ang nasabi ko sa sarili.

Kinakabahan na ako at halos nanginginig na ang buong katawan ko sa takot.

"Open the door!!" Sigaw nito. Hindi ko mawari kung babae siya or lalaki dahil nakatakip ang buong mukha niya at mata lang niya ang nakikita.

Dahan-dahan akong umikot at pumunta sa tapat ng pintuan ko. Sobrang ingat sa pag-galaw dahil maling galaw mo lang. Masasaksak na.

Hindi niya ako namukaan na ako si julie reyes dahil sa disguise na ginawa ko.

Ng tumapat kami sa pintuan ng kwarto ko.

Nanginginig kong kinuha ung keycard sa bulsa ko. Pero dahil sa kaba at nginig ko nabitawan ko ito kaya nalaglag sa sahig.

Hindi na ako yumuko para kunin ito. Dahil siya na mismo ang gumawa noon. Pero hindi niya inalis ang kutsilyo sa tagiliran ko.

Siya na mismo ang nagaccess sa keycard ko. Biglang bumukas ang pintuan at bumungad samin ang aking kwarto.

Malamig dito sa bahay pero pawis na pawis na ako sa takot kung anong gagawin ng isang ito sakin.

Hindi ko alam kung paano siya nakapasok dahil mahigpit ang guards dito at kailangan ng finger print, eye test, pin code para makapasok sa gate.

Nang umakbang ako papasok sa kwarto, Nagulat ako ng bigla niya akong tinulak ng malakas at napaupo ako sa sahig.

Napahawak ako sa tyan ko ng bigla itong sumakit.

Nakatayo sa harap ko ung taong nakaitim at sinipa niya ako ulit sa kaliwang tagiliran kaya napasigaw ako sa sakit

"M-M-M-aa-wa k-ka" Nanginginig kong sabi sa kanya

Napailing ako sa sakit ng nakitang may dugo sa aking hita.

Napailing ako at inisip ang baby ko

"Ang b-baby k-ko. P-please" Pagmamakaawa ko dito

Hindi ako makatayo dahil sa sakit na nararamdaman ko. Hindi ko man mapagtanggol ang anak ko.

Napaiyak ako ng maisip na baka mawala ang anak ko. Kaya umiling ako at dahan-dahang tumayo.

Kailangan kong makatakas habang wala siya dito at nasa walk-in closet ko.

Nanginginig akong kumilos.

Nang makaupo na ako sa sahig nakaramdam na naman ako ng isang sipa mula sa likod ko kaya napahiga ulit ako.

At isang sipa pa mula sa tagiliran.

Napailing ako habang umiiyak.

No....

Hindi pwedeng mawala ang baby ko.

"Ang baby k-"

Napatigil ako ng makarinig ng isang PUTOK NA BARIL.

And everything went BLACK.

TWISTED FATE [ book 2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon