Kinakabahan si Karylle, hindi nya alam kung bakit.
Mayamaya pa ay nakarating na sya sa pupuntahan nya.. nagdoorbell sya ngunit walang sumagot kaya naman minabuti na niyang pumasok sa loob ng bahay tulad ng kanyang nakagawian.
Pagdating nya sa loob ng bahay ay walang tao.. mas lalo pa syang kinabahan kaya naman umakyat sya..
Pag dating nya sa itaas ay agad nyang tinungo ang kwarto at tumambad sa kanya ang lalaking may kahalikan..
K: (naiiyak) no..... this... can't be.... this is not happening to me.... this is not real... panaginip lang to......
Bigla namang napatingin sa kanya ang lalaki at nagulat sya ng makita ito na nakatayo sa pintuan..
Yael: k -Karylle?????
Agad namang napatingin ang lalaki sa babaeng nakapailalim sa kanya. Ng marealize nya ang kanyang ginagawa ay agad itong tumayo at kumuha ng damit
Si K naman ay umiiyak na nanghihina....
Mayamaya pa ay lumapit sa kanya ang lalaki
Yael: K? K... let me -- (hindi na nya natapos ang kanyang sasabihin)
K: tama na!! Ano? Mageexplain ka?? ( umiiyak at namamaos) pano?? Pano mo lulusutan to ... Yael tama na... ayoko na were done because this relationship will not work anymore..
Yael: K wag pls mahal kita
K: mahal? Alam mo ba ang sinasabi mo?? Paanong pagmamahal to? Anong klaseng pagmamahal to??
Yael: K pls--
K: tama na wala kang pinagkaiba sa ibang lalaki.. manloloko
Y: Pls let me explain K
K: Sige.. mag-explain ka?? Bat kayo na sa ganoong posisyon?? She forced you?? You're drunk?? You didn't mean to do that? Kahit ano pa ang sabihin mo ... this relationship... will never be the same just like before... you broke my trust Yael ...
At binigyan naman ng isang malakas na sampal si Yael pagkatapos ay isinauli ang engagement ring..
K: This engagement ring.. sayo na yan.. dahil wala ng kasal na magaganap
Pababa na ito ng biglang hinawakan sya ni Yael sa kamay at hinila pabalik
Y: K pls don't do this to me??
K: bakit Yael?? Sige nga bakit? Sa tingin mo matapos kitang makita na may kalampungan mapapatawad kita?? Maibabalik ang dati?? Hindi na Yael... siguro nga hindi ako para sayo... siguro nga hindi ako sapat sayo...
Y : K pls maniwala ka mahal kita.... na-nagawa ko lang yon... kasi..... kasi.......
K: kasi???
Yael: ...kasi...
K: kita mo wala kang maisagot ... manloloko..
At agad namang bumaba na at umalis si Karylle ...
Hindi nya matanggap na magagawa iyon sa kanya ni Yael.. ang kanyang nobyo ng 3 taon na balak na nyang pakasalan...
Sobrang sakit ng nararamdaman nya ngayon..
K: sabi na nga ba... pareparehas lang ang mga lalaki... mga walang kwenta
Ito ang mga salitang paulit ulit nyang sinambit habang umiiyak.. mga salitang punong puno ng sakit at galit