Kinaumagahan ay nagising agad si Vice... at nang ma realize nya na nasa bahay sya ni K at maalala ang nangyari kagabi ay agad nyang tiningnan ang dalaga... napangiti naman ito sa di malamang rason at nasa ganoong senaryo ito ng magising si k..
K: hmmmmm....
V: K??
K: Vice ?? Bakit andito ka?
V: wala kang maalala kagabi??
K: ...... (nagiisip)... ah ok... di-dito ka natulog??
V: ah..sa totoo e hindi ko alam na nakatulog na ako...kamusta ka??
K: eto masakit ang ulo...
V: lika na baba na tayo ako na gagawa ng breakfast..
K: ayoko wala akong ganang kumain..
At ito naman ay tumalikod kay Vice.. hanggang ngayon ay nagmumukmok parin ito..
V: hoy.. anong walang gana tumigil ka..
K: ayoko... if you want you can cook something for yourself nalang then eat first before you live...
V: K no!! You should eat..
K: ayoko nga e di kaba makaintindi!! (Pasigaw)
Na-offend naman si Vice ngunit inintindi nalang nya ang kaibigan
V: K hindi kumain ka-
Hindi pa man natatapos ni Vice ang sasabihin ay tumayo naman si K at sinigawan si Vice
K: ayoko.. pwede ba kaya ko ang sarili ko.. hindi ako kakain.. kaya kung pwede iwan mo ko ... tutal ganyan naman kayo e iiwan nyo kong lahat...
V: K ...ako.. hindi kita iiwan, lalo na sa ganitong sitwasyon
K: Vice!! Pls can you just leave me alone. Makulit ka ba talaga o sadyang hindi ka makaintindi?? I don’t need you!! I DON’T NEED YOU!!!!!
Napikon naman si Vice at tinaasan naman ng boses si Karylle
V: sige... bahala ka na Karylle... eto na nga ako o... nagmamalasakit sa iyo.. pero pinagtatabuyan mo... sige bahala kana... sirain mo ang buhay mo ng dahil sa lintik na mga lalaking yan... sirain mo ang buhay mo dahil kay Yael... sana mahanap mo ang katahimikan sa sarili at sa puso mo sa gagawin mong yan.... pero eto ang sinasabi ko sayo.... wag.. na wag.. na wag mo akong tatawagan pag napahamak ka.. pag kailangan mo ng kausap.. at pagkailangan mo ng kaibigan....
At matapos ang kanyang sinabi ay agad na itong umalis...
Naiwan namang nakatulala si Karylle.. tila tinamaan sa lahat ng sinabi ni Vice at natauhan ngunit huli na ang lahat... nakaalis na ang kanyang kaibigan na hindi sya iniwan sa mga sitwasyong kailangan nya ng karamay.
K's pov
Karylle.. ano ba ang ginawa mo... bat mo pinagtabuyan si Vice.. lahat na nga iniiwan ka tapos itinaboy mo pa yung kaisaisang kaibigang meron ka.... ano ba yan... pero bakit ba hindi ko naman siya kailangan... iiwan din nya ako tulad ng lahat...
At agad namang nagmukmok si Karylle.. uminom ulit ito at nagpatangay sa kalungkutan.
Sa kabilang bahagi naman ay nagdadrive si Vice pauwi ngunit tinigil nya ang pagmamaneho dahil sa sobrang galit...
Vice talking and shouting to himself
V: ano kabanaman Vice.. bakit mo yung sinabi kay Karylle.. problemado na nga yung tao sinisisi mo pa.. kailan kapa naging makasarili??.. dapat hindi mo sya iniwan ... dapat hindi mo iniwan ang mahal mong nag-iisa baka mamaya kung ano pa gawin nun kargo pa ng konsenysa mo.... hay .... hindi... tama lang ang iyong ginawa.. tutal pinagtabuyan ka naman nya diba.. hindi ka nya kailangan so bakit kanaman manghihinayang at makokonsensya.. may mangyari man sakanya naku malaki na sya kaya na nya yan alam nya ang tama at mali... pero naman kasi.... wala sya sa katinuan.... hayyyy Vice ewan ko sayong bakla ka... huh baby.. I need some peace of mind...
Matapos ang ilang minuto ay nagmaneho na agad si Vice at umuwi na sa bahay..
Labis syang nagaalala kay Karylle kaya naman naisipan nyang tawagan ito ngunit wala namang sumasagot.. naisip nya na baka natulog nalang ulit ito kaya naman ay tumayo na sya at nag prepare ng pumasok sa trabaho...