Chapter 21: Wedding

722 21 0
                                    

The place was beautiful and turned out to be what they really wanted it to be. Simple lang ang ayos ng simbahan,  tulad ng dalawang magiisang dibdib sa araw na iyon. Given din naman na halos isang buwan lang ang preparation dito. Vice is just wearing a coat by francis libiran. It was an offwhite one.

Lahat naman ng mahahalagang tao sa buhay ng dalawa ay naroon din. Ang nanay,  lolo at mga kapatid ni Vice ay naroon. Present din naman ang mangilan ngilang kamaganak nito . Naroroon din ang team Vice na hindi sila iniwan at halos nagging punong abala sa kasal. Naroon din naman ang mga kamag anak ni Karylle,  mga kapatid na nagsilbing brides maid. Present din ang iba pa nilang kaibigan at syempre ang showtime family ay dumalo rin.

Si Vhong at Billy naman ang tumayong groomsmen ni Vice..

Pagkatapos ng ilang sandali ay dumating na ang bridal car sakay syempre ang bride at ang magulang nya. Matapos nun ay nagsimula na ang hinihintay ng lahat lalong lalo na ni Vice. Tumugtog na ang kanta at isa isa ng pumasok ang mga abay,  ninong at ninang.

Matapos naman nun ay mas lalong kinabahan si Vice.. dahil papasok na ang kurba nya...

Priest: All rise for the bride

Tila naman hihimatayin si Vice sa sobrang kaba. Nahalata naman ito ni Vhong kaya naman nilapitan ang kaibigan.

Vh:  Wag kang kabahan di bagay sayo

V: hee.. tumigil ka..

At tulad ng inaasahan ay napakaganda ni Karylle. Napakasexy nya ring tingnan sa off shoulder nyang wedding gown dahil dalawang buwan  palang naman ang tiyan nya at hindi pa halata.. napaka graceful nyang lumakad na akala mo ay prinsesa.

Lahat ng tao ay ngini-ngitian nya . Pero kahit na ganoon ay mababakas parin sa mata nya ang lungkot.

Lungkot sa sitwasyong meron sya. Nakailangan nyang mag pakasal sa taong hindi nya mahal.Hindi nya namalayang unti-unti na palang tumutulo ang luha nya.

Oo at hindi naman na iba si Vice kay K subalit ang meron lang sya para dito ay tinging kaibigan lang.

Ito naman ay nakita ni Vice. Kaya naman kahit na sobrang saya nya dahil ikakasal sya sa babaeng mahal na mahal nya ay tila nalulungkot narin syang makitang ganoon ito..

Ng makaratiing si Karylle ay agad namang sinimulan ang seremonya..

You Taught me How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon