Chapter 33: Fast Forward

703 22 4
                                    


Makalipas ang ilang buwan ay bininyagan na nga ang showtime baby . Naging star studed ang nasabing binyag ng bata at bigatin ang kanyang mga ninong at ninang. Kasama lang naman sa mga ito ang mga kaibigan sa showtime at ilang big boses ng abs cbn katulad nalang nina direk bobet maging sina sir gabby lopez at ms.charo santos.

Syempre hindi naman papayag ang kanilang katrabaho sa showtime pag di sila kasama sa listahan ng ninong  at ninang ng bata.

Naging instant celebrity din ang bata dahil kabilaang photo shoot for magazines na ang inattendan nito. Yung iba kasama ang magulang at yung iba si Karylle lang. May ilang endorsement na din ang lumapit dito pero lahat ng ito ay tinanggihan ni Karylle at Vice. Para sa kanila hanggang photo shoot lang muna ang bata at hindi pa pwedeng ipasok sa showbiz kasi masyado pa itong bata. Madalas din itong napaguusapan ng mag asawa.

Gusto ni Vice na ipasok ang bata sa showbiz at maging artista ito. Gusto nya dramatic actor at hindi commedianne.. samantalang si Karylle naman hanggat maaari ayaw nyang sumabak ang anak sa showbiz not unless tutulad sya dito na tatapusin ang pag aaral. But at the end of the day na isip nila na ang makakapagdecide nun ay ang anak nila at sila ay susuporta lang.

Ang unang limang  taon nila kasama ang anak ay napakasaya..

Para kay K at Vice yun na ang pinakamasayang yugto ng buhay nila.

Si Vice pagkatapos ng trabaho ay diretso sa bahay para makasama ang cute nilang baby. Si K naman nagdecide na tumigil muna sa showbiz at hintaying mag limang taon ang bata at tsaka nalang babalik ulit.

Ang mundo ng dalawa ay umikot sa kanilang unico. Sinikap nila na sa bawat milestone ng bata nandun sila sa tabi nito. Lahat naman halos ng kilos ng bata ay may nakasunod na video cam dito . Lahat kasi ng galaw nya gustong marecord ni Vice. Nandun ang unang tawa nya. Unang hawak sa mga kamay ng kanyang magulang. Unang dapa at gapang. Unang salita maging unang pagtayo. Sa bawat milestone na nagagawa ng anak ay kapansin pansin ang pagpatak ng luha ni K indication that she was really happy to be a mom.

For her.. she's contented with her life. She has her husband na kahit hindi naman sila totoong nagmamahalan (she thinks kasi na kung ano ang sinabi ni Anne nung reception na mahal sya ni Vice was just a joke) e hindi naman sila nag aaway. Honestly wala syang ginagawa kundi tumawa lang ng tumawa pagkasama ito. She also saw that Vice was really happy with what's happening to them. She always sees that genuine smile she can only see when Vice was inlove before with basketball players. She can feel that he really really loves their baby and for her that's more than enough.

Lahat ng araw na nagdadaan ay parang langit sa saya. And they owe it to their most treasured angel. Syempre mas naging masaya naman ito dahil kasama nila sa bawat moment nila ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Gala dito gala doon ang nakahiligang gawin ng mag anak. Kung saang saang bansa na rin ang narating ng bata.

Pero isang bagay ang kanilang tinuro sa bata, yun ay maging God fearing na tao. Napagkasunduan rin nila na wag palakihin sa luho ang bata. Gusto nilang maging humble lang ito at mapagbigay at walang arte....



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

OMG mukhang happy ending na ahh...

happy ending na nga kaya???

O ang dapat na tanung e mageend na nga ba sya??

wait wait nalang kayo :))))

Soo much love for everyone :))


yung picture sa taas yun si Jayden Kase :))


Comment, Share and vote... I want to hear your insights about this story :)))

You Taught me How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon