chapter 3: The only person who's there for me 2

1.2K 30 0
                                    

Habang nag dadrive ay kinakabahan ito... alam nyang lasing ang kaibigan at natatakot sya kasi baka kung ano ang gawin nito a kanyang sarili..

V:  hay Vice ano ba tumigil ka sa mga iniisip mo... magmadali ka nalang sa magmamaneho.. karakaraka....

Wala pang sampung minuto ay nasa condo na ito ni K..

Agad naman syang nagdoorbell ngunit wala namang tumugon kaya naman minabuti nalang nyang pumasok total nakabukas naman ang pinto

V: Karylle!!

Tawag nya sa kaibigan ngunit walang sumasagot.. Mas lalo na syang kinabahan

V:  K!! Asan ka nandito na ko..

Nang bigla syang nakarinig ng nababasag...

V: ay kabayo ka!!!! Ay ako pala ... ano bayan kagulat.....

Bigla nyang naalala ang kaibigan

V: K??

Agad itong nagtungo sa lugar kung saan nya narinig ang pagbabasag.. nagtungo sya sa kwarto at ito ay binuksan... nanlumo naman sya sa nakita... ang kanyang lugmok na kaibigan na napapalibutan ng bote ng alak...

V:  K??

Gulong gulo si Vice sa nakita since hindi parin naman nya alam ang nangyari

V:  anong nangyari??

K:  Vice.. ang.. sakit.. sakit... (habang umiinom ng alak)

V:  bakit?? Kaloka.. kanina kapa pala nag umpisang uminom ngayon kalang nag aya ng kasama mukha ka namang nag-eenjoy inaya mo pa ko

At nagpakawala si Vice ng awkward laugh. Akala nya sa pamamagitan nito e mapapagaan nya ang mood ng kaibigan pero hindi naman ito pinansin ni K at patuloy sa pag-emote

K:  Bakit ganon...

V:  ay mas kaloka ka.. baka gusto mong sabihin kung bakit ka nag kakaganyan...

Hindi naman umimik si K at tuloy tuloy lang sa mag inom.. nasa ganoong eksena lang sila ng halos limang minuto..

V:  ano K di ka magsasalita so ganto lang tayo ano po.. tititigan lang kita.. yung totoo pinapunta mo ko para panoorin kang uminom?

Inabutan naman siya ni Karylle ng alak..

V:  ayoko.. ano ba kasi ng yari??

K:  wala na kami

V: (halatang gulat)ni-ni Yael??

Hindi naman sumagot si K na nahalata naman ni Vice kaya sya na ang sumagot sa tanong

V: Ay shunga lang Vice, malamang si Yael diba.. wait lang girl, bakit?

K: I saw him...... sa bahay nya... may... kalampungan...

At muli naman syang humagulgol...

K:  Vice ang sakit na..... bat ganon...

V: .....

Hindi alam ni Vice ang sasabihin. Alam nyang walang tamang salita ang makakapag-alis ng sakit na nararamdaman nito. may kurot syang naramdaman sa kanyang dibdib.. hindi nya alam kung ano yun at mas lalong hindi nya alam kung bakit sya magkaganoon.. alam nyang kaibigan nya ang dalaga ngunit may kakaiba pa rin sa kanya na hindi nya maipaliwanag..Isang pakiramdam na hindi pangkaraniwan nyang nararamdaman pag-gusto nyang damayan ang kanyang kaibigan

K:  ganoon.. bah.. talaga... kayong... mga lalaki?? ... mga manloloko??

V:  aba wag mo akong tanungin hindi ako lalaki..

Sinamaan lamang sya ni K ng tingin..

V:  eto naman loko lang akala ko mapapatawa kita...

K:  pangit ba ko??

V:  (nagulat) hala o!! ang isang binibining kurba?? Anak ng divine diva.. nagkaroon ng insecure sa katawan..

At muling inulit ni K ang tanong..

K: Pangit ba ako? Yung totoo vice, pls tell me the truth

V: gusto mong malaman ang totoo… alam mo bang ikaw ang isa sa pinaka magandang babaeng nakita ko… Karylle you’re one of a kind. Hindi ka lang maganda sa harap, maganda din ang kalooban mo.. Remember before, sabi ko hunghang nalang ang lalaking hindi magkakagusto sayo.. I mean it K.. I mean it… Ang ganda-ganda-ganda mo… ang sexy , ang bait at ang talino …

K:  Vice.. bat ganun.. bat walang magmamahal sa akin..

V:  (sa tonong seryoso) ano kaba K  andito ako mahal kita....

Bigla naman syang natauhan sa kanyang sinabi at agad nyang habol ang....

V:  madami kaming kaibigan mo na magmamahal sayo..

POV ni Vice:

Hala ano ba yung sinabi ko... bat ako nag worry wala namang malisya yun ah.. hay ewan ko sayo Vice ikaw ata ang nakainom...

K:  ayoko ng mag mahal...

V:  edi wag... ano kaba ...lalaki lang yan K.. andito naman kaming mga kaibigan mo oh.. handa naming ibigay ang lahat sayo... mga kaibigan mo kami.. mga lalaki ... sus ... walang kwenta yang mga yan..... isa pa it’s his lost, tanga sya na pakawalan ka.. he don’t deserve your tears

K:  mahal.. na mahal.. ko siya...

Nasaktan naman si Vice sa narinig nya at hindi nya alam kung bakit...

V:  K.. alam mo marami ka ng nainom...

K:  hmmmm... ok lang ako.. pabayaan... mo na... muna ... ako....

V:  K  hindi.. alam mo hindi ka mahihimasmasan nyan sa ginagawa mo.. akin na yan..

Pilit namang inaagaw ni Vice kay Karylle ang bote ng alak ngunit ayaw namang paawat ni K.. at sa huli ay sumuko naman si Vice kaya tinitigan nalamang nya ang kanyang kaibigan..

Vice's pov

Nakunakunaku makita ko lang talaga yang lalaking yan lagot talaga sya sa akin.. hindi nya dapat ginaganyan ang mahal ko..... wait .. ano  sabi ko?? Mahal..... hmmmm...... oo tama mahal ko nga tong babaeng to.... halakalakalaka.. si bakla ano ba.... teka wait lang ang gulo.. confuse na ko... mahal ko si Terrence.. pero may nararamdaman ako kay K.. hay letche kagulo ng buhay.......

Agad namang bumalik sa sarili si Vice ng magsalita at magwala si K kaya naman agad nyang niyakap ito at ikinulong sa kanyang bisig... hanggang sa unti unti itong kumalma at hindi nagtagal ay nakatulog na..

Binuhat nya at ihiniga si K sa kanyang kama.. agad naman syang kumuha ng tubig at pinunasan ang dalaga.. matapos noon ay tinitigan ang maamong mukha ni Karylle..

Vice's pov..

You don't deserve this princess... you're too  special to feel this pain and I can't bear to see you this way... sobrang miserable... maayos ko lang ang nangyayari sa buhay kong to, tong pagka-cofuse ko na to..pangako at babalikan kita

Tinitigan nya lamang ang dalaga at unti unti itong nakatulog.

You Taught me How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon