Chapter 18: Spill it out

906 24 0
                                    

Nang sumunod na araw ay maagang gumising si Vice. Ito ay naghanda ng umalis at pumasok. Nasa labas na sya  ng marinig nyang tinawag sya ni Karylle..

K:  Vice!!

V:  bakit??

K:  kailan natin aaminin..??

V:  balak ko ngayon na.. mamayang gabi.. magpapatawag ako ng press con sa bahay... wag ka ng sumama makakasama sayo.. tapos mag fafile na rin ako ng leave.. aayusin ko ang kasal natin.. sana nga makasal na tayo sa lalong madaling panahon... ayoko namang ipanganak mo yan ng di tayo kasal...

Matamlay na sabi ni Vice..

K:  ok ka lang ba??  Ang tamlay mo??  Sabi naman sayo.. you don't have to do this.. di mo kailangan---

V:  shuuuu... eto nanaman ba tayo... diba napag usapan natin to??

And with this he leaves Karylle. Habang nag dadrive sya,  sobra syang kinakabahan.. takot sa kung anong sasabihin ng mga tao.

Pagdating nya sa bahay ay agad naman nyang kinontact si Buern upang makapagpatawag ito ng press con. Alam narin ng mga kaibigan nya ang dahilan nito.

Matapos maayos ang tungkol sa press ay pumasok na sya... nagfile sya ng indefinite leave at ipinaalam sa management ang sitwasyon nila ni Karylle upang pumayag ito at mas maintindihan. Naging open minded at mapagbigay naman ang management at sinuportahan silang dalawa ni K. Sumunod ay kinausap naman nya ang mga kaibigan.. tulad ng inaasahan nagulat ang lahat.. hindi makapaniwala.. ang pinaka kaclose nyang si Anne ay ilang minuto ring natulala habang si Vice naman ay napaiyak nalang sa sobrang bigat ng nararamdaman. Magkaganon man nagpapasalamat sya sa mga kaibigan na hindi man lang sya nakarinig ng kahit na panghuhusga dito..

A:  anong balak mo girl?

V:  paninindigan ko si K.. mahal ko sya.. alam nyo naman yun diba... kaya lang ang problema ko sya... hindi sya handa dito... hindi nya gusto ito.. natatakot ako para sa magiging epekto nito sa kanya... kung ako lang ayos lang naman saaking mawalan ng trabaho.. mawala lahat ng nakasanayang bisyo ng katawan ... pero si K... ewan ko... hindi ko alam..

Vh:  hayaan mo kuys andito kami... di namin kayo pababayaan...

V:  salamat mga brad..

B: pero ang swerte mo kuys.. aksidente kang nakabuntis pero sa babaeng mahal mo naman..

V:  sira anong swerte doon... e ayaw nga ni K e..

Coleen:  ate Vice kilala natin si ate K mabait na tao yun ... ayaw man nya ng nangyayari sa kanya.. sooner matatanggap nya yan... magiging masaya sya...

Kuya kim:  isa pa kung hindi talaga sya masaya edi yun ang role mo.. ang pasayahin sya.. ang pagaanin ang lahat ng pasanin nya

V:  salamat talaga ha... masisiraan na talaga ako kung wala kayo..

A:  basta ninang ako ha..

Ryan,  teddy eruption:  ako ninong...

At nagkatawanan naman ang lahat..

Vh:  teka lang alam na ba to ng pamilya ni K?

V:  nasabi na namin kay ms.zsazsa kagabi.. tapos silang dalawa naman ang magsasabi sa tatay ni K.

At yun nga ang nangyari.. si ms.zsazsa at K ang nagsabi nun kay doctor M. Sa umpisa nagalit ito at nadisappoint sa anak. Ngunit dahil mahal na mahal nya si K at apo nya ang dinadala nito ay wala naman itong nagawa kundi tanggapin ang sitwasyon. Ipinangako nya rin dito na susuportahan nya ang anak . Nalaman na rin nya na balak pakasalan ni Vice si Karylle at natuwa naman ang ama sa gagawing iyon ni Vice dahil hindi daw nya tinakasan ang kanyang responsibilidad sa anak at sa apo . At the end of the day naging maayos naman ang lahat para kay K . Pananagutan sya ni Vice natanggap ng nanay at tatay nya maging ng mga kapatid nya nang ibalita nya ito pagkatapos makipag usap sa ama. Natawa pa ito sa sinabi ng ama ng ito ay magbiro bago umuwi sina K..

Doctor m:  hay nako anak.. totoo nga ang sinabi nila ... na ang taong matalino... tangga pag dating sa pag ibig.. tingnan mo.. nabulag kayong dalawa ni Vice ng dahil sa pag ibig nyo sa ibang tao at ngayon nandyan kayo sa sitwasyong yan..... basta ‘nak pag nagkaproblema ka tawag ka lang ha.....

K:  opo pa.. salamat sa pangunawa...

Sa kabilang dako naman ay kabadong kabado naman si Vice. Kalahating oras nalang kasi ay sasalang na sya sa press con. Nanginginig sya at nanlalamig.......

TBC....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello sa mga sibs ko :)) thanks sa support.. di ko inaakala na aabot to sa 1000 + na reads yeyyyy :)))) feel free to commet ah love you all :) :*

You Taught me How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon