Chapter 2: the only person who's there for me

1.2K 22 0
                                    

Nang gabing iyon ay walang ginawa si Karylle kundi ang umiyak ng umiyak.... ilang bote na rin ng alak ang kanyang na ubos... wala syang makausap kaya naman agad nyang kinuha ang phone nya at tinawagan ang kaibigan na si Iza..

<phone ringing>

IzA: hello??.. he..hello??

K: iza were are you??

IzA: hello?? (Looks at the phone)hello?? K wala akong marinig e...

K:  iza pls.... (habang umiiyak) I.... need you....

IzA: k... k???

*toot toot toot*

K: haist....

Then she dialed Diana's number..

K: hello?? Diana??

DianA: hello ? K bat napatawag ka..

K: Diana nasaan ka?

DianA: nandito ako sa probinsya... bakit?? Umiiyak ka ba???

K: ah... hindi sige ...... wala..... pasensya sa istorbo...

*toot toot toot*

Ibinaba nalang niya ang phone dahil alam naman niyang hindi makakapunta si Diana sa kanyang condo....

Sumunod nyang tinawagan ay si Anne ngunit hindi ito makakapunta sa condo ni K dahil ito ay kasalukuyang nasa shooting

Tinawagan naman niya ang kanyang mga kapatid inuna nya si coco ngunit ito naman ay abala sa pag-aaral at hindi makakapunta sa bahay niya..

Tinawagan din niya si Zia ngunit hindi naman ito sumasagot... marahil ay abala sa pag rerehearse....

Sobra na syang bagsak. Lahat ng kanyang kaibigan ay tinawagan at tinatawagan na nya ngunit kung hindi abala ay hindi naman sumasagot maliban sa isa......

K: hello..... (iyak parin)

V:  hello?? Kurba?? Gabi na.. napatawag ka bakit..??

K: Vice nasaan ka??

V:  here sa balur?? Why??

Narinig ang hibi sa kabilang linya...

V: uy wait k?? Umiiyak ka??

K:  Vice... baka naman....

Hirap magsalita sa kaiiyak

K: pwede kang... pumunta... dito sa .... bahay... please....

Nadurog naman ang puso ni Vice sa kanyang narinig na pag iyak ng kaibigan kaya naman kahit ito ay pagod at inaantok na rin ay bumangon ito....

V:  ok K . Punta ko dyan ... in 10 minutes dyan nako ha...

K:  ok...

V’s POV:

hala ano bato bat ako pumayag na pumunta.. pagodang-pagoda na ako e… kung si baby boy nga natanggihan ko bat si kurba hindi… ano wakla di naman nag-iisip wit na keri ng katawan kong tumayo… haist… nangako kapa eh.. hala face the consequence..

Kaya kahit ayaw tumayo ay napilitan nalang siya na puntahan ang kaibigan

You Taught me How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon