Chapter 10: Force Her to Come Back

916 24 0
                                    

Kinabukasan nga ay nagtungo na si Vice sa bahay ni K at gaya ng inaasahan nya.. nakita nya si Karylle na umiinom pa rin.. nang makita sya nito ay nagulat sya.. malinaw parin kasi sakanya na itinaboy na sya nito..

K:  o anong ginagawa mo dito??  Diba iniwan mo na ako.. diba tulad ka rin ng iba na iiwan ako... hala alis na...

V:  K... naparito ako dahil sa utos ni direk --

Hindi pa man nya natatapos ang kanyang sasabihin ay nagsalita naman agad ang dalaga

K:  hindi na ako babalik sa show..

V:  what????

K:  sa tingin mo sa nangyayari sa akin ngayon makakabalik pa ako sa dati kong buhay.. (maluha luha nya itong sinasabi)

V:  K.. tulungan mo kaya ang sarili mo!!!

K:  tama na Vice!!  Ayoko na.. ayoko ng makarinig ng sermon mo.. tutal iiwan nyo lang din naman ako.. mas mabuting lumayo na agad ako .. para hindi na rin masakit..

V:  yan dyan ka magaling.. sa pagiisip na iiwan kanamin... K andito ako.. andito kaming totoong nagmamahal sayo... nagpapakatatag kahit nagkakaganyan ka..sa tingin mo hindi kami nahihirapan ha, na Makita kang ganyan.

Sa puntong ito ay hindi na namalayan ni Vice na maging pati sya ay umiiyak na rin..

V: Makasarili ka na K!! Naisip mo ba yung nanay mo, tatay mo na halos hindi na alam ang gagawin sayo para mapakalma ka?? Yung mga kapatid mo na hindi nagsawang magpasensya sa ugali mo?? kaibigan mo lang ako pero K... nahihirapan akong makita kang ganyan... ano pa ang kapamilya mo.. ang magulang at kapatid mo?? K lumaban ka para sa kanila... K si Yael lang yun.. marami pang lalaki dyan...

K:  marami pa pero wala naman sa kanilang nagmamahal sa akin..

V:  e ano.. dahil doon papatayin mo na ang sarili mo!!! Dahil sa mga walang kwentang lalaki ganun ba.... K madami dyan sa tabi gusto pang mabuhay..... patuloy silang lumalaban sa buhay... kahit alam nilang huli na... but you.. look at you... ang ganda ganda.. ang talitalino.. pero dahil lang sa isang lalaking nanloko sayo.. sisirain mo ang buhay mo ... papatayin mo ang sarili mo, pinapabayaan mo na ang sarili mo at wala ng alam gawin kundi humawak ng bote ng alak at umiyak...alam mo ... hindi na kita kilala... miss na miss ko na ang kaibigan kong si K na sobrang masayahin... na sobrang makulit... nasaan na yun??

Umiiyak naman si K.. lumuhod naman si Vice sa harap nito para magkalevel sila

V:  K pls. ibalik mo ang dating ikaw (hawak kamay) yung tinanggap namin.. tinanggap ng kanyang fans... alam mo buksan mo lang ang mata mo .... tumingin ka lang sa paligid mo.. makikita mo maraming nag mamahal sayo... hindi mo kailangang ikulong ang sarili mo sa sakit na naramdaman mo kay Yael.. bumangon ka K..bumangon ka.. ipakita mo sa kanya na magaling ka.. na mali sya sa pag-iwan sayo.. na sya ang nawalan at hindi ikaw

K:  Vice.....

Sa mga narinig na yon ni K ay para bang naliwanagan sya kaya naman niyakap nya ang kaibigan at umiyak nalang ng umiyak

K:  salamat... salamat at kahit papaano naliwanagan ako...

V:  (habang nakayakap kay k) hushhhhh tama na sa pagiyak... tama na.... bukas pag gising mo bumangon ka ng may ngiti sa mukha at makikita mo na nandito kami sa likod mo.. susuportahan ka.....tahana...

At sa ganoong posisyon ay nakatulog naman si Karylle..

V's POV

Ow my princess.. you're still adorable kahit ganyan ang itsura mo. nakonako.. makakapatay talaga akong tao eh

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Guys sorry kung putchu putchu yung story pero sana mapasaya ko kayo. and besides minamadali ko na rin to e kasi I'm working on something new. Promise mas maayos na ang flow nun...

so yeah there hope na makapag ud ako agad :))) feel free to comment :)))

#ViceRylleForEver

You Taught me How to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon