Chapter 7:Challenge

62 2 0
                                    

Chapter 7:Challenge

Lianne's POV

"Okay, class dismissed!" Sabi ng professor. Lumabas na kami ni Vernon at naglakad papunta sa cafeteria. Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib pero hindi ko yun pinahalata.

"Wae?" Tanong nya. Umiling lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

"May ipapass ka na bang fantasy story?" Tanong nya. "Wala pa eh.. Actually mahirap mag-isip ng ganun. Mostly kasi sa mga naiisip ko is fiction and romance. Pero kaya yan." Sabi ko.

Nagring ang phone ko at dali-dali ko yung sinagot.

(Jagi.)-sya

(Wae?)-ako

(May hanggang anong oras kayo mamaya?)-sya

(Uhm.. 6:00 pm.)-ako

(Okay. Sayang, libot sana tayo. Maybe sa saturday pwede tayo.)-sya

(Sure.)-ako

Natapos kaming kumain at naglakad na kami pabalik. Pero nag-aya sya sa court. Nakita namin ang sayaw ng mga cheer dancers.

Napahawak nanaman ako sa dibdib ko dahil hindi nanaman ako makahinga.

"Lianne, okay ka lang ba?" Tanong ni Vernon sa akin. "O-okay lang ako." Sagot ko. Wala akong choice kundi uminom at ang nakita ko lang na tubig ay ang hawak nya. Kinuha ko na agad yun at ininom.

"Wae?" Tanong nya. "Nauuhaw na ako eh.." Sagot ko. "Ginamit ko kanina yun na nagflip the bottle." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. "Syempre joke lang hahahahahah!" Okay! Ayan nanaman yung tawa nyang litaw gilagid tapos pumapalakpak pa. "Mahiya ka naman." Sabi ko. "Okay." Sagot nya tapos nagpigil na sya ng tawa.

Matapos ang maghapong klase ay umuwi na rin ako. Almost 7:00 na nang makauwi ako. Inutusan pa kasi kaming maglinis. Gag*ng baklang professor yun. Kami pinaglinis eh wala naman kaming kalat dun.

"Kumain ka na?" Yan agad ang tanong sa akin ni Ella. "Aniyo." Sagot ko. Di pa man din ako nakakapagbihis ay dumiretso na ako sa kitchen para kumain.

"Anne, ang daming nakatambak na papel sa table mo. Pakitignan kung ano yung mga kailangan mo pa." Sabi ni Krisha. Kinuha ko ang bitbit nya at hiniwalay ang mga kakailanganin ko pa.

"Guys, patulong nga akong magbuhat ng mga plato." Sabi ni Mat. Tumayo ako para tulungan sya at nakailang balik na rin kami. Hiningal na agad ako. Pero sya tuloy pa rin. Halos hindi na rin ako makahinga.

Pumunta na ako sa kwarto tsaka ako nagpahinga. Pagod lang to kaya siguro naninikip ang dibdib ko. Kailangan ko lang sigurong magpahinga.

⚪⚪⚪⚪⚪

Lumipas ang dalawang linggo at palaging naninikip ang dibdib ko. Hindi ko nalang sinasabi sa iba dahil ayokong mag-alala pa sila.

Nasa labas kami ngayon. Wala trip lang namin ng kasama kong noo. "Lianne, pansin ko lang palaging naninikip yung dibdib mo, may sakit ka ba?" Tanong ni Vernon. "Hindi ko rin alam." Sagot ko.

Nang matapos kaming kumain ay umalis na kami. Habang naglalakad kami pabalik sa school ay nakaramdam nanaman ako ng paninikip ng dibdib. Napahawak nalang ako sa braso ni Vernon. Nanghihina na ako at alam kong babagsak na ako maya-maya lang.

⚪⚪⚪⚪⚪

"A-anong nangyari?" Tanong ko nang imulat ko ang mata ko. "Lianne, okay ka na?" Tanong ni Vernon. "Ne." Sagot ko.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko ulit. "Nahimatay ka dahil hindi ka nakahinga kanina. M-may sakit ka sa puso." W-what?! "You're kidding right?" Sabi ko. Umiling sya. "Aniyo."

K-Pop Academy 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon