Chapter 4:Ella's Birthday

52 2 2
                                    

Chapter 4:Ella's Birthday

Yoongi's POV

"Omo! I can't believe na nakipag break ka na kay Ella at sa harap pa ng maraming tao." Sabi ni Elisha.

"Hindi ko yun ginawa para sa'yo. Ginawa ko yun para kay Ella." Sabi ko. "Ouch! Haha! Kahit naman sinasaktan mo ako ngayon, atleast mas nasasaktan si Ella." Sabi nya.

"Aalis na ako." Sabi ko. "Honeybunch, wag muna." Sabi nya. "Tigilan mo na yang honeybunch na yan. Nakakasukang pakinggan." Iritang sabi ko.

Lumabas ako sa condo unit nya. Ang galing ah? Nagagawa pa nyang kumuha ng unit kahit na hindi naman talaga sila mayaman. Ang nanay ni Ella ang gumagastos dun.

Dumaan muna ako sa isang cafe. Hindi ko alam kung tama bang gawin ko yun. Basta sinisigurado kong babalik sya sa akin.

Nakaupo akong mag-isa sa sulok ng cafe na to. Nahagip ng mata ko ang pamilyar na babae. Ella?

"Buti nalang nandyan ka palagi para sa akin." Sabi ni Ella. "Hindi kita iiwan. Kahit dumating yung araw na ipagtabuyan mo na ako." Jihoon?

Kumukulo ang dugo ko. Fck! Tama nga ba yung ginawa ko? Baka kasi sa huli ako lang din yung luhaan.

"Sir here's your order." Sabi ng waitress. Kinuha ko na ang in-order ko at inubos ko agad yun. Gusto ko nang umalis agad.

Paglabas ko ay may lalaking dumaan sa harap ko at may babaeng nakasunod sa kanya.

Sumunod ako sa kanila at naabutan ko ang lalaki. "Pakuha po ng bag ko." Pagmamakaawa ng babae.

Kinuha ko ang bag nya at isang sapak ang binigay ko sa lalaki.

"Kamsahamnida." Sabi nya. Hindi na ako sumagot at naglakad nalang paalis. "Wait!" Sigaw nya. Nilingon ko sya pero nakayuko lang ako.

"Familiar ka." Sabi nya. "Suga?" Inangat ko ang ulo ko at napanganga sya. Gwapo ko kasi eh..

"Thank you talaga." Sabi nya at niyakap ako. "BTW, I'm Winnie, I'm an A.R.M.Y. pero busy ako sa trabaho. Uhmm.. Alam kong kailangan kong limitahan yung excitement ko. Pa-autograph nalang." Sabi nya.

Inabot nya sa akin ang isang sign pen tapos nilabas nya ang maliit na notebook. Pumirma agad ako dun tapos tipid na ngumiti sa kanya.

Naglakad na ako paalis dun at pumunta sa dorm namin.

"Hyung bilis! Pupunta tayo sa BigHit." Sabi ni Jimin. Inayos ko ang mga dadalin kong gamit at sumakay na kami sa kotse.

May nagtext sa akin kaya binasa ko yun.

From:09*********

Honeybunch, pumunta ako sa dorm nyo pero wala ka dun. Puntahan nalang kita sa BigHit. May ibibigay ako sayo.

Pinatay ko nalang agad yung phone ko. Pagdating namin sa BigHit ay dumiretso agad kami sa Practice room.

"Suga, may naghahanap sayo." Sabi ng isang staff. Lumabas ako at bumungad sa akin si Elisha.

"Eto yung ibibigay ko sayo." Sabi nya at inabot sa akin ang box ng cake. Kinuha ko nalang agad yun. "Thanks." Sabi ko at tinalikuran na sya.

Binuksan ko ang phone ko at tumambad sa akin ang missed calls ni Ella.

⚪⚪⚪⚪⚪

Ella's POV

"Wala na ba talagang pag-asa?" Tanong ni Anne. "Mwolla. Hindi ko alam kung dahil ba kay Elisha kaya sya nakipag break o ayaw nalang talaga nya sa akin." Sabi ko.

K-Pop Academy 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon