Chapter 17:Trust me

42 2 2
                                    

Chapter 17:Trust me

Larissa's POV

"Beshy, ingat ka ha? Magiging busy kami." Sabi ni Jin.

"Hyung, halika na! Palli!" Tawag sa kanya ni Namjoon.

"Ne. Wait lang." Sagot ni Jin.

Lumapit sya sa akin at unti-unti kong naramdaman ang malambot nyang labi sa akin.

"Saranghae!" Sabi nya.

"Text mo ko lagi ah?" Sabi ko.

Aalis sila ngayon dahil comeback na ulit nila.

"Twinnie, charger ko?" Tanong ni Rizze. "Nasa loob. Basta dun. Sa table." Sagot ko.

Pumasok na muna ako sa loob. Saktong nagtext si eomma. Ayun pinapapunta ulit ako sa cafe ko.

Nagbihis muna ako tsaka ako nagpahatid kay Mat.

"Eomma, munje?" Tanong ko. "Anak, nagpaalam na ako sa principal nyo. Di ka muna papasok nang isang linggo. May aasikasuhin kasi kami. Isasama namin si Lerizze sa pupuntahan namin. Ikaw ang bahala sa isang business okay? Ang kuya nyo sa kabila naman. Mag-iingat kayo ha? Nga pala, may kinuha akong assistant sa cafe na to kaya wag ka nang mag-alala masyado. Sige na, mag-aayos pa kaming gamit." Sabi nya at niyakap ako.

"Annyeong, Ms. Larissa! Kami na po ang bahala rito." Sabi ng asst. Nagbow lang ako at lumabas na para puntahan yung isang business namin.

"Uhm.. Ms. Valeroso, are you free today? May kakausap daw sa inyo." Sabi ni Ms. Galang.

"Ne. Papasukin nyo nalang po sila." Sabi ko.

Pagpasok nya ay napanganga nalang ako. Bakit? Waeyo? Andwae!

"A-annyeonghaseyo!" Utal kong sabi. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

"So you must be Ms. Valeroso? Nice to meet you." Seryosong sabi nya. Naupo sya sa harap ko.

"I want an easy wedding planner for my daughter and for my son-in-law. I got a news about your business so I came here." Sabi nya.

"Uhm.. I-it's nice to s-see you here, sir." Bakit ganun?

"I want you to be their wedding organizer. You're intelligent enough to assist them. I want an ellegant wedding. You should be responsible in assisting them!" Omo! Hindi ko yata kaya. Mas gugustuhin ko pa yatang malugi tong kumpanya kesa mag-assist ng kasal ng taong mahal ko.

"Uhm.. Sir, I will assign a better wedding organizer for them. Is that okay--"

"No! You should be their organizer! You'll be the one or I will tell the whole world about your stupid company?"

"O-okay sir. I will be their organizer."

Hindi to pwede eh.. Akala ko ba hindi na tuloy yung kasal? So bakit nandito ngayon ang tatay ni Hani at sinasabi yung tungkol sa kasal.

Agad kong tinawagan si Jin pero hindi nya sinasagot. Ang aga pa so imposible namang may ginagawa na agad yun tsaka ganitong oras ang pahinga nila.

"They will be here tomorrow, 8:00 am. I hope you'll work well." Sabi nya at unti-unti kong nakita ang pagporma ng ngisi sa labi nya.

"See you!" Sambit pa nya bago umalis.

"Issa, eto yung lunch mo. Niluto ko yan. Hahaha! Di ako makakapunta rito mamaya eh.." Sabi ni kuya.

"Kamsahamnida! Ano bang pwedeng gawin dito? Ang boring." Reklamo ko.

"Gawin? Masaya magbilang ka ng buhok mo. Haha! Joke sige na nga aalis na ako."

Agad syang lumabas. Ngayon wala akong matakbuhan at masabihan ng problema ko.

Inabot ako ng 5:00 nang hapon at masasabi kong wala akong nagawa. Dapat nagstay nalang ako sa cafe para may nagawa ako.

Nagtext na ako kay Jin. Hindi ko na matiis dahil kanina pa sya di tumatawag.

To:Beshy

Jin, musta na? Di ka man lang nagtext. Pwede ba tayong mag-usap?

Naka isang oras na pero wala akong natanggap na kahit ano maliban dito...

From:09*********

I need to talk to you. Puntahan mo ako sa sasabihin kong lugar sayo.

May nagtutulak sa akin na pumunta roon kahit na may part sa akin na natatakot. Hindi ko alam kung bakit basta pumunta nalang ako roon gamit ang kotse ng personal driver nila eomma.

Pagbaba ko ay pinaalis ko na si kuyang driver. Alam kong magiging personal ang usapang to.

"Hello? May tao ba rito?" Pagtawag ko ng atensyon. Sa nakikita ko abandonado na ang park na to dahil madilim na at walang kahit na sino ang nandoon.

Paalis na ako nang may humila sa akin.

"---"

"Shh.. Wag kang maingay nakasunod sila sa atin." Bulong nya sa akin.

"A-ano bang nangyayari?" Tanong ko.

"Basta. Magdahan-dahan tayo. Pag nakaalis tayo rito nang walang nakakakita, ligtas na tayo."

Naguguluhan ako sa sinasabi nya.

"Issa, ayokong ikasal kay Hani. Oo mabait sya, oo magkaibigan kami. Pero Issa ikaw yung mahal ko. Hindi ako papayag na hindi kita mapakasalan." Sambit nya.

Dahan-dahan syang lumapit at naramdaman kong napasandal ako sa puno.

"I love you. Mahal kita higit pa sa buhay ko. Issa, magpapakasal tayo diba?" Sabi nya. "Oo naman. Jin mahal kita pero ang gulo-gulo ng sitwasyon natin. Hindi pwedeng palihim nalang tayong nagkikita lagi." Sabi ko.

"Ako nang bahala. Magtiwala ka okay? Oo matagal pero worth it kapag nagawa ko." Sabi nya.

Naiyak nalang ako. "Jin, hindi ganun kadali yun. Oo nung high school tayo kaya pa eh.. Kasi magkasama tayo pero Jin college na tayo, mas busy na tayong dalawa. May career ka na dapat asikasuhin tapos hindi pa tayo magkasama. Ayokong kumapit habang nasasaktan. Mahirap kasi yung ganun."

Bigla nya akong niyakap. "Issa, kung mahal mo ako magtitiwala ka. Kung mahal mo ako, hahayaan mo akong ayusin to. Nandito lang ako. Basta magtiwala ka. Hindi kita sasaktan." Sabi nya.

Agad nya akong hinalikan kaya binawian ko rin sya ng halik. Habang lumalalim ang halik namin ay mas nararamdaman ko ang pagmamahal nya.

"Issa, gagawin natin to nang magkahiwalay." Nag-aalalang sabi nya.

Ngumiti ako at nagsalita. "Alam ko Jin. Basta ipangako mong ako lang." Sabi ko.

Niyakap nya ako ulit. Dahan-dahan kaming naglakad paalis at namalayan ko nalang na nasa mataong lugar na kami.

"Aalis ako at aayusin to. Mas gusto kong kausapin ang mga magulang namin kesa sumama sa mga tauhan nila kaya kita inaya na umalis dahil dun. Mauuna na ako. Mag-iingat ka." Sabi nya.

✳✳✳✳✳

Vomment
Support
Follow

K-Pop Academy 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon