Chapter 23: Long time no see
Hei-Shin's POV
Kauuwi ko lang 2 weeks ago at oo nakakainggit na masaksihan yung mga comeback scene ng mga kaibigan ko. Sa 2 weeks na yun hindi ko pa nakikita si Taehyung. Yung sa amin ni Gyu, hindi ko alam, siguro nandun kami sa pagitan ng kami, at hindi kami. Oo gusto ko sya at ang alam nila Hoshi at Cyra ay kami na. Binilin namin na wag sabihin sa iba.
"Shin, gwen chan ah?" Tanong ni Gyu. Tumango ako. "Nakakamiss din pala sa Paris noh?" Sabi ko. Pinisil nya ang pisngi ko. "Mas namiss kita." Sabi nya. Nagpout ako. "Araw-araw tayong magkasama ah." Sabi ko. "Oo nga, eh namimiss pa rin kita." Sagot nya. Tinalikuran ko sya hahaha parang ewan.
Lunch na ngayon at wala kaming first period. 1 week daw mawawala yung prof namin. Yaan mo sya bagong kasal eh. May pinagawang project eh matatapos naman na kami. So pwede akong maggala muna habang wala pang second period. Mag-isa lang ako sa cafeteria, lahat ng mga kasama ko may quiz daw kelangan pa nila magreview. Si Gyu naman kasama si Hoshi at Cyra lumabas muna sila sa school. Inaya rin naman nila ako pero tumanggi ako. Di ko pa feel lumabas labas ngayon.
"Hoy, diba sya yung gf ni Mingyu?"
"Ha? Sila na ba?"
"Omo! Kaya siguro iniwan sya ni Taehyung kasi pinalit nya si Gyu."
"Mas bagay naman si Taehyung tsaka si Eunji."
Nanahimik nalang ako dahil ayoko ng gulo. Pagkatapos kong umorder ay mauupo na dapat ako nang maunahan ako sa pwesto.
"Pwedeng makiupo?" Tanong ko. Tumingala sya sa akin. "Why whould I do that? Kilala ba kita?" Tanong nya pabalik, like duh? Di naman sya maganda.
Lumipat nalang ako ng pagtatanungan pero ang sagot lang sa akin ay "Di kami lumalapit sa malalandi."
No choice ako naghintay lang ako ng mga aalis at maya-maya pa ay may bakante. Table for two. Naupo agad ako at nag-umpisang kumain. Mahaba pa naman yung oras. Chicken with rice ang meal ko ngayon. May juice din akong inorder. Dapat hindi na ako kakain dito kaso naisip ko kung sa canteen ako bibili puro tinapay lang.
"Oh.. So why are you here?" Tanong ng grupo ng mga babae. Lima sila at Accountacy ang course nila base sa uniform. Hindi ako kumibo.
"Nasan yung pinalit mo kay Taehyung?" Tanong pa nila. Naiinis na ako, kanina pa to ah... Kinuha ng isang babae ang rice ko at itinapon sa mukha ko. Pati ang juice ay binuhos nya rin sa akin at ang chicken na kakaunti palang ang bawas ay sinumpak nya sa bibig ko. "Bagay yan sayo, malandi ka kasi." Hindi na ako nakakapagpigil.
Tinanggal ko ang chicken na nakalagay sa bibig ko at itinapon pabalik sa bibig nya. "Ayan, lamunin mo tutal inggitera ka." Ang kanin at juice na nasa mukha at buhok ko ay pinunasan ko muna. "Masaya ka na?" Tanong ko. Hinila ko ang buhok nya at isinubsob sya sa kaning natira. May juice na hawak yung mga kasama nya since tig-iisa sila, lahat sila ay isa-isa kong binuhusan. "Sorry sadya. Kanina pa kayo eh." Sabi ko. Lumapit ako sa isang babaeng mahaba ang buhok. "Sino palang nagkalat na kami na ni Gyu?" Tanong ko tsaka ko sya kinuwelyuhan. Nakikita kong natatakot sya pero pinipilit nyang magmukhang matapang. "S-si Eunji." Sagot nya. "Wag kang mauutal, di ako nangangain." Sabi ko at binitawan ang kwelyo nya kasabay ng pagtulak ko sa kanya. "Salamat sa info." Sabi ko at tsaka ako kinuha ang bag ko at umalis.
Pumunta ako sa locker ko para kumuha ng extrang damit. Kaso bra lang ang meron nagamit ko pala yung tshirt ko nung minsan, basang-basa ako ngayon ano ba yan? Imagine large yun ang daming laman nun.
"Shin, anong nangyari?" Tanong ng lalaki sa akin. "Napaaway lang." Sagot ko. "Sinong nang-away sayo? Wae? Eotteoke?" Tanong nya sa akin at hinawakan ako sa balikat. "Ok lang ako, ginawa ko rin sa kanila yung ginawa nila sa akin." Sagot ko. Sinara ko ang locker at naglakad kami ni Gyu habang nagpupunas pa rin ako ng damit. "Ok tanggap ko namang sabihan akong malandi pero yung ganun ang gawin nila, sino ba sila? Di naman kagandahan." Sabi ko habang nakakunot ang noo. "Sinabihan kang malandi? Bakit naman?" Tanong nya. "Kasi nga kinalat ni Eunji na tayo na raw." Sagot ko. "Hays, mianhae, ako may kasalanan." Sabi nya at nakita ko ang maamong mukha na nakaharap sa akin. "Hindi mo kasalanan, kasalanan nung Eunji na yun." Sabi ko.
"Uwi muna ako. Kailangan ko magpalit." Paalam ko kay Gyu. "Samahan kita." Sabi nya. Tumanggi nalang ako.
Nasa gate na ako ngayon at magcocommute nang may bumagsak na damit sa ulo ko. Kinuha ko ang t-shirt mula sa ulo ko at napasabi nalang ng "Thanks God, may nagmalasakit."
Pumunta ako sa cr at naghubad na. Safe naman yung cr dito at kulob naman sya sa taas lang hindi kasi mainit sa loob ng cubicle. Nagbasa lang ako ng katawan at nagbihis na.
Nakabalik ako sa room at nakaabang sila Mingyu sa akin. "Kabilis mo naman." Sabi nya. "May naghagis ng t-shirt sa akin." Sagot ko. "Thank you kung sino man yun." Sabi nya.
Uwian na at kasabay ko si Ella at Mia. Naglalakad lang kami nang may "Pst!" Lahh, ano yun? Binilasan namin ang paglalakad pero nahuli ako. Nang tumakbo ako ay may humarang sa akin pero nakita ko sila Ella na pabalik kaso nung may humarang sa akin ay kumaway na sila.
"A-anong kailangan mo?" Tanong ko. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila sa ilalim ng puno. "Kayo na ba?" Tanong nya. Umiling ako. "Pero pinakalat daw ng gf mo." Sagot ko. "Gf? Wala akong gf." Pagtanggi nya.
Nabalot ng katahimikan ang paligid. "Si Eunji, diba gf mo sya?" Sabi ko. "Tss."
"Late na Taehyung, kailangan ko nang umuwi." Hinawakan nya nang mahigpit ang kamay ko. "Shin, pwede ba tayong bumalik sa dati?" Tanong nya. "Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko pabalik, I know, maganda ako. "Shin, ang tagal ko tong hinintay. Sobrang miss na kita alam mo ba yun? Hindi ko alam paano ako hihingi ng tawad sayo. Akala ko, akala ko si Eunji pero hindi, ikaw pa rin talaga. Nalito ako, masyado kitang namiss na yung tipong sa sobrang pagkamiss ko sayo binaling ko sa iba atensyon ko at si Eunji, naimagine ko palagi sa kanya ikaw. Mahal kita Shin, sobrang mahal kita na para akong mababaliw nung di kita nakakasama." Sambit nya habang nakikita ko yung sincerity sa mata nya. "Taehyung..."
Niyakap nya ako. "Shin, balik na tayo sa dati please." Sabi nya. "Si Eunji nga, paano sya?" Tanong ko. "Nakipagbreak sya sa akin 2 weeks after natin magbreak. Shin, ikaw pa rin talaga." Sabi nya.
"Taehyung, oo mahal natin yung isa't isa, pero ayoko rin kasi makasakit." Sabi ko at tumalikod sa kanya. "Pag-iisipan ko muna."
"Bukas hihintayin ulit kita rito. Tatanggapin ko ano man yung sagot mo. Tsaka yung t-shirt bukas mo na isoli." Napalingon agad ako sa kanya. "T-thank you."
Another day, hindi ko alam paano ko aaminin, pero ayokong masaktan si Mingyu, kaibigan ko rin sya.
Nandito ako ngayon sa labas ng room uwian na at nakalabas na lahat ng classmates namin. "Shin, anong problema?" Tanong nya. "Mingyu, ano kasi, si Taehyung, nakikipagbalikan." Hinawakan nya ang kamay ko. "Oo alam ko mahal mo pa rin sya. Magkikita yata kayo sa gate. Papunta sya dun kanina nung lumabas ako eh." Sabi nya.
"Pero Gyu, ayokong makasakit." Ngumiti lang sya. "Basta masaya ka, masaya na rin ako. Susuportahan kita kahit ano pa yan, basta kapag nasaktan ka ulit, lapit ka lang sa akin, handa akong saluhin ka." Sabi nya. "G-gyu..." Tinapik nya ang balikat ko. "Kanina pa sya dun sige na."
Tumakbo ako papunta sa puno kung saan kami nag-usap kahapon at nandun sya. "Taehyung!" Tawag ko sa kanya. Lumapit ako at niyakap ko sya. "Mahal kita Taehyung, balik na tayo sa dati." Sabi ko at mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. "Saranghaeyo!" Sagot nya.
▪️▪️▪️▪️▪️
Mingyu's POV
Sumunod ako sa kanya at pinanood silang magyakapan. Masakit sa akin kasi mahal ko si Shin, pero kaya kong magparaya. Ayokong ipilit yung sarili ko. Ang gusto ko lang ay yung palagi syang masaya. Handa akong sumalo if ever na masaktan ulit sya. Ngumiti nalang ako habang pinapanood sila at maya-maya pa ay may bumagsak na luha sa mga mata ko.
"Uy, waeyo?" Tanong ni Cyra. "Si Hoshi hyung?" Tanong ko pabalik, yes po, gwapo ako. "Nasa faculty eh nagpapahintay sa gate bilhan ko raw ng inumin." Sagot nya. "Bakit ka ba umiiyak?" Tanong nya. "Hindi naman masamang magparaya diba?" Tanong ko ulit pabalik. Napatingin sya sa puno at ang kaninang magkayakap ay magkahawak kamay na. "Ayun ba? Hindi naman masama yun. Ang masama ay yung nasasaktan ka ipinipilit mo pa yung sarili mo." Sagot nya.
Basta nangako ako kay Shin. Kapag nasaktan sya handa akong sumalo.
▪️▪️▪️▪️▪️
Hoy nasasaktan ako sa part ni Mingyu! Waaaahhh!!! Comment nyo kung anong opinion nyo about sa decision ni Gyu. Tama o mali at bakit?
Vomment
Support
Follow
![](https://img.wattpad.com/cover/128054735-288-k459502.jpg)
BINABASA MO ANG
K-Pop Academy 2
FanfictionAng buhay ay parang panahon, minsan di mo maintindihan. Pero sa istoryang ito, malalaman ang halaga ng pagmamahal, pagkakaibigan at pagpapatawad. Book 2 of K-Pop Academy by:enieral_27 *Taglish* Started:November 07, 2017 Finished:July 25, 2020