Chapter 10:Taehyung's side
Taehyung's POV
Umalis na si Shin at eto ako sa Pilipinas. 1 week ko na ring napapansin na kapag nakikita ko si Eunji nag-iiba yung pakiramdam ko. Ayokong masaktan si Shin pero tingin ko gusto ko si Eunji.
Inamin ko sa kanya yun pero nakipag break sya. Sobra yung iyak ko nun. Alam kong kasalanan ko pero akala ko kasi maiiintindihan nya kapag sinabi ko.
"Mmm.. Ano nang balita kay Shin? Tanong ni Eunji. Nag-iwas agad ako ng tingin. "May ipapakita ako sayo." Sabi nya. Inabot nya sa akin ang phone nya.
Nakita ko ang picture ni Mingyu. Pinost nya kagabi at may nakalagay na caption. 'What if we met each other in different time? Will we be a couple? You're so cute here.'
Nakita ko ang comment ni Mingyu. 'Ang cute ko dyan. Happy birthday Shin!'
"Birthday nya. Di mo babatiin?" Tanong ni Eunji. "Hindi na lang..." Sagot ko.
"Eunji, may klase na tayo." Tawag ni Chorong kay Eunji. Classmates pala sila..
"Sige, mauna na kami." Tumango lang ako at mag-isang kumain sa cafeteria.
"Paupo." Tumingala ako at nakita ko si Jennie. Tumango lang ako at binalik ang tingin sa phone ko.
"Matatawag mo bang love kung yung isang tao palagi mong naiisip?" Tanong nya. "Depende." Sagot ko. "What if kapag nandyan sya bumibilis yung tibok ng puso ko tapos napapangiti nalang ako bigla kapag naiisip sya?" Tanong nya ulit. "Yup. Love yun. Pero tandaan mo, bago ka sumugod at ipagpatuloy ang war tandaan mo, maraming beses kang pwedeng masugatan." Sabi ko.
"Speaking of heartache, break na ba talaga kayo ni Shin?" Tanong nya. "Ne." Walang ganang sagot ko. "Mag-aapply ka?" Natatawang sabi ko. "Babo! Natanong ko lang. Tsaka may mahal na ako." Sabi nya. "Nugu?" Curious na tanong ko. "Secret." Sabi nya.
"Wala kang klase?" Tanong nya. "Di ako papasok. Tinatamad ako." Sagot ko. Tumayo na ako at pumunta sa library.
Kumuha ako ng mga libro at inayos na parang bahay tsaka ko nilusot ang ulo ko, sa taas para makatulog ako.
⚪⚪⚪⚪⚪
"Taehyung, gising na uwian na." Naramdaman ko ang paggising sa akin ng isang babae. Shin? "Psst!" Minulat ko ang mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Eunji. "Uwian na. Kanina ka pa hinihintay ni Jungkook." Sabi nya.
Tumayo na ako at lumabas tapos pinuntahan ko si Jungkook sa gate. Sabay kamimg umuwi sa dorm.
"Gutom na ako!" Sigaw ko pagpasok namin sa dorm. "Edi kumain ka." Sabi ni Jungkook. "Dun ka na nga." Sabi ko tapos pumunta ako sa kwarto ko.
"Taehyung." Tawag sa akin ni Jin hyung. Nilingon ko sya at lumapit sya sa akin. "Mahal mo pa rin ba?" Tanong nya kaya tumango ako. "Bakit hinayaan mong mawala?" Sht! It hits me.
"Alam naman nating pagsubok yan. Pero kung talagang mahal nyo ang isa't isa, sabay kayong lalaban."
"Mahal naman namin ang isa't isa, ako lang talaga yung problema." Napasabunot ako sa buhok ko.
"Naguluhan ka lang. Sa sobrang pagkamiss mo kay Shin parang gusto mo nang ibaling sa iba ang atensyon mo." Sabi nya.
"Gusto ko syang pakiusapan. Pakiusapang bumalik sa akin. Na ituloy ang nasimulan namin. Pero kapag ba pinakiusap ko sa kanya yun akin pa rin sya? I really hurt her. Ang tanga ko na inamin ko agad sa kanya. Sana hindi kami naghiwalay." Inis na sabi ko.
"Sa pagmamahal, normal lang na masaktan. Pero ang hindi na normal yung paulit-ulit kang nasasaktan pero hindi mo lang pinapansin. Kaya normal pa yan tsaka parehas kayong nasaktan kaya it's a tie. Magpahinga ka muna." Sabi nya.
Lumabas sya ng kwarto at binuksan ko ang phone ko. Shin, babalik ka pa rin naman sakin diba? Ako pa rin naman ang mahal mo tama ba? Kasi kung hindi na at pagbalik mo rito ay may iba ka na, okay lang nasaktan kasi kita..
⚪⚪⚪⚪⚪
Hindi ako pumasok ngayon kaya naisipan kong pumunta kila eomma. I really missed them.
"Bakit napadalaw ka?" Tanong ni appa. "Wala po. Namimiss ko na po kasi kayo." Sabi ko. "Kumusta naman na si Hei-Shin?" Tanong ni eomma. Nag-iwas ako ng tingin at nagpaalam na magccr muna.
Paglabas ko ay nakatingin sila sa akin. Ngumiti nang tipid si eomma. "Ayos lang yan. Hintayin mo syang bumalik sayo." Sabi ni eomma. Tinapik ni appa ang balikat ko. "Pero baka pagbalik nya meron nang iba." Sabi ko. "Wag kang nega. Think positive. Ang daming dahilan para bumalik sya sayo." Sabi ni eomma.
⚪⚪⚪⚪⚪
Nasa cafeteria ulit kami ni Eunji pero iba ang aura ngayon. Masyadong seryoso at mapapatahimik ka nalang bigla.
"Hindi na ba talaga magiging kayo ulit?" Tanong nya. "Mwolla." Sagot ko. "Alam kong kasalanan ko. Pero Taehyung, hindi ko ugali na manira ng relasyon." Sabi ni Eunji. "Mianhae, but I need to avoid you.."
Tumayo sya pero pinigilan ko agad sya. Hinawakan ko ang kamay nya at agad na yumuko. Hindi ko sya mahal pero iba yung nararamdaman ko kapag lumalayo sya.
"Eunji, wala kang kasalanan. Ako yung naging tanga. Ako yung naging bulag. Kaya please, wag ka nang lumayo." Pakiusap ko. Bumuntong hininga sya at niyakap ako. "Sige. Pero Taehyung, oras na bumalik si Shin, wag mo na akong lalapitan. Ayokong may nasisirang relasyon dahil sakin." Sabi nya.
Niyakap ko sya nang mahigpit. "Alam kong masakit sayong nakipag-break si Shin. Pero nandito lang ako." Sabi nya.
I'm still confused. I don't know but I need Eunji. She's special to me. But I still love Shin. I think I really need to move on...
✳✳✳✳✳
Note: Mingyu's cute photo at the multi media. Sorry for the super late and short update. Your author is inlove. Inlove with someone who can't love me back.
Vomment
Support
Follow
BINABASA MO ANG
K-Pop Academy 2
FanfictionAng buhay ay parang panahon, minsan di mo maintindihan. Pero sa istoryang ito, malalaman ang halaga ng pagmamahal, pagkakaibigan at pagpapatawad. Book 2 of K-Pop Academy by:enieral_27 *Taglish* Started:November 07, 2017 Finished:July 25, 2020