Note:Kasabay po ito ng pangyayari dun kila Issa.
Chapter 19:Jealous
Jimin's POV
"Ri--" Napatigil ako sa pagtawag kay Riri nang makita kong magkasama sila ni Sehun hyung. Tuwang tuwa sila sa pinapanood nila. Lately nagiging close sila.
"Andyan ka na pala." Sabi nya. Nag-iwas lang ako ng tingin at lumabas muna ng room. Wala ang prof namin ngayon.
Naupo lang ako malayo sa kanila at pinagtuunan ng atensyon ang CP ko.
"Ano yan?" Tanong nya. "Pagkain, eto." Sagot ko at hindi man lang ako nagtapon ng tingin sa kanya.
"Chimchim, may problema ba?" Tanong nya. "Wala." Sagot ko habang nakatingin sa cp ko.
"Arasseo..." Sabi nya at bumalik ulit sa pwesto nila ni Sehun.
Natapos ang buong maghapon na silang dalawa lang ni Sehun hyung ang magkasama.
"Chimchim!" Sigaw nya. "Di ka naghihintay." Sabi nya. Sabay lang kaming naglalakad pauwi.
"Ang tahimik mo." Sabi nya. "Dumadaldal ka eh." Sagot ko. "Kanina ka pa ganyan, ano bang problema?" Tanong nya. "Wala, pagod lang ako." Sagot ko.
Inihatid ko lang sya pauwi sa kanila. Nang makarating ako sa dorm ay pumasok agad ako sa kwarto. Napabuntong hinga na lang ako. Alam nyang magiging busy kami ngayon tapos eto pa yung gagawin nya? Hays.
Nagreview nalang ako saglit para sa exam. Ano ba naman kasi to? Sumabay pa sa career.
Natulog nalang ako para may lakas ako bukas. Pagkagising ko may text sa akin si Riri. Bumati lang ng good morning at sabi wag ko na daw sya sunduin. Talaga, magsama sila ni Sehun hyung.
"Okay, so may performance kayo, bahala kayo kung ilan yung members na gusto nyo. So gagawa kayo ng documentary tungkol sa ibibigay kong topic."
Nang magdismiss na ay agad akong lumabas. Di naman sasabay sa akin yan eh.. Hayaan mo silang dalawa.
"Parang lagi kang malungkot." Bungad sa akin ni Yoongi hyung pagpasok ko palang sa dorm. "Nakakainis lang kasi, hindi ko alam kung bakit palaging magkasama si Riri at Sehun hyung. Nagiging close sila." Sabi ko. "Tanungin mo rin sya kung bakit ganun yung nangyayari." Sabi nya.
May tumatawag sa phone ko.
(Wae?)-ako
(Chimchim, ok ka lang?)-sya
(Mag-usap tayo bukas.)-ako
(Ah... Sige.)-sya
Pinatay ko na ang call, nakakawala talaga sa mood. Bakit ganun? Pinagseselos nya ba ako?
Kinabukasan ay maaga akong pumasok hindi ko na sya sinundo. Pumasok ako sa room at nakaupo lang sya sa pwesto nya. Naupo ako sa tabi nya.
"Munje?" Tanong nya. "Anong meron sa inyo ni Sehun hyung?" Tanong ko. "Ha? Magkaibigan." Sagot nya. "Magkaibigan pero palaging magkasama. Ni hindi ka na sumasabay sa akin. Riri, busy rin tayo sa kanya-kanyang buhay kaya hanggat maaari ayokong kung sino sinong lumalapit sayo. Nakabantay nga ako harapan mo naman akong sinasaktan." Sabi ko.
"Mianhae.." Sabi nya. "Sasabay ako sayo mamaya." Umiling ako. "Hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Ayoko sa lahat yung napililitan lang sa akin." Sagot ko.
Nag-umpisa na ang klase at hindi kami nagkikibuan. Hindi ko alam kung hanggang kailan to.
Lunch na at mag-isa lang ako sa cafeteria. Parang nasanay na rin ako. Wala eh, ayokong pilitin si Riri na sumama sa akin kung ayaw nya. May umupo sa harap ko.
"Problemado ka nanaman." Sabi ni Yoongi hyung. "Magkaibigan lang daw sila pero ni hindi na sya sumasama sa akin." Sabi ko. "Kausapin mo kasi nang maayos." Sabi nya. "Nakakawalang gana kasi makipag-usap. Kami pa rin ba? Bakit ganun?" Naiinis na sabi ko.
Kumain nalang ako at pagkatapos ay nagpaalam kay hyung. Pumunta ako sa garden. Gusto kong mapag-isa.
Ano bang problema? Bakit ganun sya? Kung ayaw na nya sabihin naman nya sa akin hindi yung ganun. Ang sakit kasi.
Namalayan kong umiiyak na pala ako. Pinipigilan ko ang paglabas ng tunog mula sa bibig ko. Tanging hikbi lang ang nagawa ko.
May nagtext sa akin at binasa ko yun.
From:Riri
Chim, mag-usap tayo bukas. Uwian. Sa park. Nga pala, pumasok ka, maraming gagawin. Halika na.
Hindi ko nalang sya sinunod. Ayokong makita nyang umiiyak ako. Ayokong maging concern sya sa akin dahil umiyak ako. Ayoko ng ganun. Kung ipapakita man nyang may care sya gusto ko dahil yun sa gf ko sya at hindi dahil naaawa sya.
Nakita ko si Ecka na kasama si Baekhyun hyung. Hindi ko alam kung may alam sya pero kung meron man ayokong sa kanya manggaling.
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Akmang aalis na ako nang may tumawag sa akin.
"Kausapin mo kasi nang maayos." Sabi ni Ecka. "Kahit mag-usap kami kung ayaw nya, ayaw nya." Sagot ko at tuluyang umalis.
Bumalik ako sa room nang hindi na halata na umiyak ako. Kinuha ko ang bag ko at umalis na.
Nasa labas na ako at naglalakad mag-isa. Tahimik lang akong naglalakad habang namumuo ang mga luha sa mata ko.
Agad kong pinunasan ang mga luha. Tatawid na ako pero may parating na motor. Muntik akong mahagip pero buti nalang nakabalik ang mga paa ko sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam bakit naglalakad ako mag-isa. Pagod na yung mga paa ko at pagod na rin yung mga mata ko. Nasa harap ako ng bakanteng lote. Napaupo nalang ako bigla habang umiiyak. Ang sakit bakit ganito?
Sinuntok ko ang pader hanggang sa magdugo ang mga kamay ko. Hindi ko na kaya. Gusto ko nang sumuko. Ilang araw pa ba nya akong sasaktan?
May tumatawag sa akin pero hindi ko muna sinagot. Nakatingin sa akin ang mga dumadaan.
Maya-maya ay may nag-abot ng kamay nya. Tumingala ako at nakita ko ang nakangiting Yoongi hyung.
"H-hyung..." Tinulungan nya aking tumayo. "Wag kang umiyak. Wala ka pang plano sa monthsary nyo bukas. Umayos ka parang di ka lalaki." Sabi nya.
Naglakad kami pabalik sa dorm. "Kain na kayo." Sabi ni Namjoon hyung. Napatingin ako sa sunog na hotdog. "Hyung naman, umorder ka nalang sana." Sabi ko. "Mianhae... Ako yung unang umuwi dapat ako magprepare ng foods." Sagot nya.
Umupo na muna ako para kumain. Dinamihan ko nalang ang ketchup para di ko malasahang sunog ang niluto nya.
"Ok naman. Ok lang na pagtyagaan." Sabi ni Yoongi hyung. "Then? Should I laugh?" Sabi ni Namjoon hyung. "Aniyo." Sagot ni Yoongi hyung.
"Ikaw, iyak iyak ka dyan. Lumaban ka parang timang to." Sabi ni Namjoon hyung sa akin. Napayuko nalang ako.
Bago ako makatulog ay nakaisip na ako ng plano sa monthsary namin. Hindi ko lang alam kung ok lang.
▪️▪️▪️▪️▪️
Hahaha after 3 years may update na rin. Habang ginagawa ko to puro japanese words naiisip ko dahil nilamon na ako ng anime. Hahahaha so ayun bukas or mamaya siguro yung kasunod na update. Enjoy!
Vomment
Support
Follow
BINABASA MO ANG
K-Pop Academy 2
FanficAng buhay ay parang panahon, minsan di mo maintindihan. Pero sa istoryang ito, malalaman ang halaga ng pagmamahal, pagkakaibigan at pagpapatawad. Book 2 of K-Pop Academy by:enieral_27 *Taglish* Started:November 07, 2017 Finished:July 25, 2020