Special Chapter :Fogiveness and Sacrifices
Author's POV
Pinayo ng doktor na wag munang pumasok si Lianne kahit isang linggo lang. Tapos na rin ang exam nila kaya pwede na syang umabsent muna. May tumawag kay Lianne kaya agad naman nya itong sinagot.
(Hello?)-Lianne
(Nak, pauwi na kami dyan ah..)-mama nya
(Ingat po kayo ma. Sino po susundo?)-Lianne
(Yung driver natin nak, punta ka nalang sa bahay ah?)-mama nya
(Sige po ma. Ingat po, I love you.)-Lianne
Agad pumunta si Lianne sa dati nilang bahay at hinintay ang kaniyang mga magulang. Nasa Singapore ngayon ang kanyang mga magulang at ilang buwan din sila roon.
"Kuya Pete, anong oras po dating nila mama?" Tanong ni Lianne sa kanilang security guard. "Ewan ko lang nak, pero umalis na si kuya Dan mo." Sagot ng security guard nila. Halos lahat ng kasama nila sa bahay ay anak ang tawag sa kanya dahil para na rin nila itong anak.
"Anne, kain ka na muna." Sabi ng katulong nila na tagaluto. "Ano pong ulam ate Kate?" Tanong ni Lianne. "Adobo. Halika na. 2 oras nalang siguro nakalapag na sila mama mo." Sabi ng katulong nila.
Kumain lang sila saglit at sumabay na ang mga kasama nila sa bahay. "Anne, kumusta pala? May donor na ba ng puso?" Tanong ng tagalinis nila. "Wala pa po." Sagot ni Lianne.
"Magpagaling ka ah. Ikaw ang unang journalist ng pamilya nyo." Sabi ni Bea. "Yes ate." Sagot ni Lianne. Ang mga magulang nya ang bussiness man and woman. Ang lolo't lola nya ay lawyer. Sa father side nya ay mga architect.
Nang matapos silang kumain ay nagkwentuhan muna sila tungkol kay Lianne. Simula nung pumasok sya ng college ay hindi pa sya umuwi sa bahay nila.
"Ate, pauwi nakalapag na raw sila mama!" Masayang sabi ni Lianne habang nakatingin sa text ng kaniyang mama. 30 minutes pa ang byahe pabalik sa bahay nila mula sa airport.
Makalipas ang 10 minutes ay may tumawag kay Lianne.
(Hello?)-Lianne
(Eto po ba si Ms. Chua?)-kausap
(Yes po. Sino po sila?)-Lianne
(From SP Hospital po ito. Naaksidente po sila Mr. and Mrs. Chua kasama po ang driver. Kailangan po ng relatives.)-kausap
Napatigil si Lianne. Napahawak sya sa kaniyang dibdib at bumagsak sa kinatatayuan. Nataranta naman ang mga kasama nya kaya sinugod agad sya sa ospital.
Nang magising si Lianne ay hinanap nya ang kaniyang mga magulang. "Ma, pa?" Sambit nya at inikot ang paningin sa buong kwarto. Naka-confine na sya ngayon dahil tumigil ang pagtibok ng puso nya at sa madaling panahon ay kailangan na syang naoperahan.
"Jagiya..." Isang tinig na mula sa tabi nya ang una nyang narinig. "I'm here." Sambit pa nito. "S-sila mama? Kumusta sila?" Tanong ng dalaga. Hindi kumibo si Namjoon pero hinawakan nya lang ang kamay ni Lianne.
"Apo... Di pa nagigising si papa mo. Si mama mo naman critical ngayon." Sabi ng lola ni Lianne sa kanya. Agad syang niyakap nito upang hindi maglabas ng emosyon ang dalaga. Baka kasi bigla itong umiyak at hindi nanaman makahinga.
"Si kuya Dan po?" Tanong ni Lianne. "Hindi pa rin nagigising." Sagot ng kaniyang lola. "Ano po bang nangyari?" Tanong pa ni Lianne. "Ang sabi ng nakakita mabilis daw yung truck na galing sa gilid nila. Buti raw hindi malaki yung nakabangga. Yung mama mo kasi ang nasa side na pinagbanggan." Sagot ng lola nya.
BINABASA MO ANG
K-Pop Academy 2
FanfictionAng buhay ay parang panahon, minsan di mo maintindihan. Pero sa istoryang ito, malalaman ang halaga ng pagmamahal, pagkakaibigan at pagpapatawad. Book 2 of K-Pop Academy by:enieral_27 *Taglish* Started:November 07, 2017 Finished:July 25, 2020