Chapter 22:Fight for Love
Yoongi's POV
Mag-isa akong naglalakad ngayon sa hallway. Nakasalubong ko si Ella. Sa ilang buwan pagkatapos ng break-up hindi na sya nangumusta. Hindi na nya ako kinausap. Madalang din syang may kasamang ibang lalaki. Nilakasan ko na ang loob ko at nang tumapat sya sa akin ay hinawakan ko ang braso nya.
"Ella.. Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko. Bumuntong hininga sya at tumango. Dinala ko sya sa likod ng isang building.
"Mwo?" Tanong nya kasabay ng pag-iwas ng tingin. Humuhugot pa ako ng lakas ng loob. Hindi ko alam paano to uumpisahan. "Wag mong sayangin yung oras ko." Sabi nya at naglakad palayo pero pinigil ko sya. Hinila ko sya palapit sa akin at niyakap ako.
"A-ayokong mawala ka sakin." Sambit ko. "Pero pinakawalan mo ako." Sagot nya. "Ella, di bale nang mawala yung tayo wag lang ikaw yung mawawala." Sabi ko. Kumalas ako sa pagkakayakap dahil gusto kong punasan ang mga luha sa mata ko. "Ang labo mo." Sabi nya habang nakakunot ang noo. "Ella, mag-ingat ka kay Elisha. Gusto ka nyang patayin." Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.
"Ella, mahal kita kaya pumayag akong makipagbreak sayo kasi gusto kong hindi ka nya saktan. Ella, gusto ko nang bumalik ka pero hindi ko magawa. Feeling ko nababaliw na si Elisha." Sabi ko. "Hindi ako pwedeng saktan nun. Baliw sya? Edi idala sa mental hospital." Sagot nya. "Hindi ganun kadali yun." Lumapit ako sa kanya. Uwian naman na at wala nang masyadong tao. "Mahal pa kita Ella. Hindi yun nawala. Hindi ko alam yung gagawin ko gusto lang kitang iligtas. Ayokong mapahamak ka." Bulong ko. "Mas mabuti nga siguro na nagbreak tayo. Oo mahal kita, pero ang hirap nung sitwasyon." Sagot nya.
"Ella, mianhae.. Yun lang yung alam kong paraan. Pakiramdam ko nagiging duwag ako." Sambit ko. Bigla nya akong niyakap. "All this time hindi mo sinabi sa akin. Handa naman akong lumaban kasama ka eh." Sabi nya.
"Gusto kong ingatan ka. Pero paano? Ayokong habang buhay na lumalayo sayo." Hindi ko alam basta sobrang lungkot ko ngayon at gusto ko sabay kaming lumaban. "Hindi ka mag-isa rito ok?" Sabi nya.
Agad nanamang tumulo ang mga luha ko. "Ella, gusto ko magpromise tayo. Kapag natapos yung problema kay Elisha, dapat magbalikan tayo." Sabi ko. Hinawakan nya ang mukha ko at hinalikan ako. "Promise yan." Sagot nya.
Umuwi na ako pero hindi ko kasabay si Ella. Hindi ko alam pero lumala na yung kondisyon ni Elisha.
"Honeybunch, kahit may sakit ako pumunta pa rin ako rito." Sabi ni Elisha at agad na humawak sa braso ko. Sya ang bumungad sa akin pagpasok ko sa dorm. "Nasan yung mga kasama ko?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang sya.
"Ayaw mo ba akong kasama?" Tanong pa nya. "Kailan ba kita nagustuhang kasama?" Inis na tanong ko.
Tumalikod ako sa kanya at pumunta sa kwarto para magbihis. "Umuwi ka na. Baka kung ano pang mangyari sayo ako pa managot." Sabi ko. Sumunod sya sa akin sa kwarto nang nakahubad na ako. "Elisha, ano ba?" Inis na tanong ko. Gusto ko na syang itulak pero may respeto pa rin ako sa babae.
"Honeybunch.." Lumapit sya sa akin pero tumalikod ako at naupo sa higaan. "Elisha, ipapaalala ko lang, ginawa ko to kasi ayokong saktan mo si Ella. Hanggang dito ba naman? Lish, bigyan mo naman ng dignidad yung sarili mo. No ofense ah, pero alam ko sa paningin ng iba desperada ka." Sambit ko. Hindi ko alam kung nasaktan sya sa sinabi ko pero yumuko lang sya. "Alam kong desperada ako, pero mahal kita eh, kaya ginagawa ko lahat para mapunta ka sa akin." Sagot nya.
"Umuwi ka na, marami pa akong gagawin." Sabi ko at tumayo para kumuha ng damit. Maya-maya pa ay lumabas na sya kaya pumunta ako sa banyo para maligo.
Awa at inis ang nararamdaman ko kay Elisha. Gusto ko syang tulungan pero nakakainis din kasi yung ginagawa nya.
"Hyung! Nandyan ka ba?" Tanong ni Jimin. "Ne." Sagot ko. "Bilisan mo, si Elisha nasa labas, di ko alam para syang nababaliw." Sabi nya. Nagbihis na ako at lumabas.
BINABASA MO ANG
K-Pop Academy 2
Fiksi PenggemarAng buhay ay parang panahon, minsan di mo maintindihan. Pero sa istoryang ito, malalaman ang halaga ng pagmamahal, pagkakaibigan at pagpapatawad. Book 2 of K-Pop Academy by:enieral_27 *Taglish* Started:November 07, 2017 Finished:July 25, 2020