Chapter 13:Broken hearts
Krisha's POV
Anong nangyayari? Bakit may kayakap sya? Para kanino ba talaga tong surprise na to? Para sa kanya o para sa akin? I hate this! Nakita nya ako kaya dali-dali akong umalis dun.
Hinawakan nya ang kamay ko. "Noona!" Tawag nya sa akin. "Stop calling me noona. Kaya ba pinauwi mo ako ha? At bakit nandito sya? Bakit magkayakap kayo ha?" Naiinis ako. Ayoko nang magsalita pero gusto kong magkaroon ng kasagutan ang tanong ko.
"Jungkook!" Tawag sa kanya. Lumingon sya sa kanya at nag-uumpisa nang tumulo ang luha ko. Natatakot ako sa kung anong sasabihin nya. "She's here because she still loves me." Nag-unahan sa pag-agos ang luha ko. "Do you still love her?" Tanong ko. Hindi sya makasagot. "Answe me Jungkook!" Sabi ko. "I-I don't--" Umalis na ako at madaling pumara ng taxi.
"San po tayo Miss?" Tanong ng driver. "Dyan nalang po sa bar." Sagot ko. Pagkababa ko ay pumasok na agad ako dun.
Pumunta ako sa VIP area at umorder ng vodka. Nakakailang bote palang ako pero nahihilo na ako.
"Krisha, tama na yan." Sambit nya. "Ano ba? Nasaktan ako eh.. Okay lang yan, shot pa. Halika samahan mo ako." Sabi ko. "Krisha, tama na." Sabi nya. "Ano bang pake mo ha? Pero infairness gwapo ka eh.." Sabi ko. Kinuha nya ang shot glass na hawak ko at ininuman yun.
"Bakit mo ko sinaktan ha?" Tanong ko.
⚪⚪⚪⚪⚪
Jungkook's POV
Pagkaalis ni Krisha ay sinundan ko agad sya. Nahirapan akong maghanap sa bar dahil maraming tao.
Pag-akyat ko sa VIP area ay bumungad sa akin si Krisha... She's kissing...
Umalis agad ako dun. Ayokong gumawa ng gulo. I need some space. We both need space.
Pagkauwi ko sa dorm ay hindi ako mapakali. Paano kung may mangyari? Paano? Paano kung may magtangka kay Krisha? Anong gagawin ko?
⚪⚪⚪⚪⚪
Krisha's POV
Nagising akong ang sakit ng ulo ko. Dumiretso ako sa sink at doon nilabas lahat ng ininom ko.
"Anong pumasok sa isip mo at naglasing ka?" Tanong ni Issa. "I got hurt." Sagot ko. "Krisha, alam mo bang nag-alala kami sayo lalo na nung hinatid ka ni Bam Bam dito ha?" Sigaw nya. "Sht!" Napamura nalang ako. N-natuloy ba yung kagabi. Nooo... I don't want to loose my virginity. I will not surrender this.
Nilapitan ko si Ella. "Ella, anong gagawin ko? Magkayakap silang dalawa ni IU kagabi. Umalis ako dun, nagbar, nalasing at hindi ko alam kung may nangyari sa amin ni Bam Bam." Nag-aalalang sabi ko. "Sinuko mo ba?" Tanong nya. "H-hindi ko alam.." Napasabunot ako sa buhok ko. "OA mo. Hindi yan. Teka, kanina pumunta si Jungkook dito at---" I cutted her off.
"Stop, kakain na ako." Sabi ko at pumunta sa kitchen. Pupunta ako sa bahay mamaya para bisitahin si Kiro, baka wala sila mommy dun.
Pagkatapos kong kumain ay gumayak na ako at nagcommute papuntang bahay namin.
"Ma'am Krisha, buti naman po at napadalaw kayo. Hindi po lumalabas ng kwarto si sir Kiro." Sabi ng isang katulong. Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
Pumunta ako sa loob at pumasok sa kwarto ng kapatid ko.
"Kiro, si Krisha to." Sabi ko sabay katok sa pinto ng kwarto nya. "Leave me alone!" Sigaw nya. "Kiro, papasukin mo ko." Sabi ko. "No! Just leave!" Sigaw nya.
Tinawagan ko si daddy at agad naman nyang sinagot yun.
(Dad, bakit ayaw lumabas ni Kiro?)-ako
BINABASA MO ANG
K-Pop Academy 2
FanfictionAng buhay ay parang panahon, minsan di mo maintindihan. Pero sa istoryang ito, malalaman ang halaga ng pagmamahal, pagkakaibigan at pagpapatawad. Book 2 of K-Pop Academy by:enieral_27 *Taglish* Started:November 07, 2017 Finished:July 25, 2020