Chapter 20:Sad monthsary

14 1 0
                                    

Chapter 20:Sad Monthsary

Jimin's POV

Kababangon ko lang at phone agad ang una kong hinawakan. Saktong tumatawag si Rizze.

(Wae?)-ako

(Sabay tayo.)-sya

(Arasseo. Susunduin nalang kita.)-ako

Pinatay ko na ang call at nagbihis na. Lalabas na ako nang hilahin ako ni Jin hyung.

"Kumain ka muna." Sabi nya at sapilitan akong pinaupo sa harap ng mesa. "Ano ba kasing problema mo?" Tanong nya habang nilalapag ang niluto nya. "Hyung, alam ko pinapasuko nalang nya ako. Alam mo yun yung tinataboy nya ako para lang iparamdam na ayaw na nya. Pagod na rin ako. Oo lalaki ako, pero tao rin ako, nasasaktan din ako. Hyung ako kasi sa lahat yung napipilitan lang. Ayoko nung nahihirapan yung ibang tao dahil sa akin." Bumuntong hininga sya at tinapik ang balikat ko. "Susuportahan ka namin pero sana wag mong pagsisisihan ang desisyon mo." Sabi nya. Tinapos ko a amg pagkain at umalis na. Pinuntahan ko si Riri sa bahay nila.

"Alis na kami." Paalam nya sa mga kaibigan nya at sabay na kaming naglakad papasok. HHWW. Ngumiti lang sya sa akin at ako naman ay pilit na ngumiti.

"Nag-away ba kayo ng Sehun mo?" Tanong ko. "Chimchim, ano bang sinasabi mo? Kaibigan ko lang sya." Nag-iwas nalang ako ng tingin. "Mamaya ah." Tumango nalang ako at tahimik na naglakad.

Pagpasok namin ay pumunta ako sa room nila Jungkook. "Calcu." Sabi ko. Inabot nya ang calculator. "May extra ka?" Tanong ko. "Ne." Sagot nya at bumalik sa pwesto. "Kamsahamnida!" Sabi ko at umalis.

Pagbalik ko sa room ay saktong pumasok ang professor. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

"Mr. Park!" May tinanong sya sa akin at agad ko namang nasagot. Bumalik ako sa pakikinig habang sinusulat ang mga sinasabi nya.

Natapos ang kalahating araw at tahimik lang ako. Nagtext si Jungkook.

From:Maknae

Hyung, kain tayo.

To:Maknae

Ok. Punta ako dyan.

Pumunta ako sa cafeteria. Dinatnan ko silang anim. Ngayon lang ulit kami nagkasabay-sabay.

"Anong trip nyo?" Tanong ko. "Wala naman. Namiss lang namin si Jin hyung." Sagot ni Jungkook. "Namiss ka ba?" Tanong ni Yoongi hyung. Naupo ako sa tabi ni Taehyung.

"May problema ka nanaman." Sabi ni Hoseok hyung. "Kayo nalang magkwento." Sagot ko at umorder na para sa kanilang anim. Sumunod naman si Namjoon hyung.

"Naiiintindihan ka naman namin dahil pare-parehas kaming broken. Pero sana lang pag-isipan mong mabuti. Kaibigan ka namin ayaw din naming paulit-ulit kang nasasaktan." Sabi nya.

"Japchae. Kimchi" Sabi ko at tinulungan ako ni Namjoon hyung na magbuhat.

Pagbalik namin ay nag-agawan sila. Kimchi ang natira sa akin dahil ako lang ang hindi nakiagaw.

Tahimik lang kaming kumakain dahil mabilis lang ang lunch at matagal bago makaorder.

Magkakasama pa rin kaming naglalakad pabalik sa kanya-kanyang klase. "Hyung, si Rizze." Sabi ni Jungkook at nilingon ko si Rizze na nakaabang sa akin.

Lumapit ako sa kanya. "Munje?" Tanong ko. "Sabay na tayo." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko.

Pagbalik namin ay si Sehun hyung ulit ang kausap nya. Jimin, masanay ka na.

Mabilis natapos ang araw at uwian na. "Hintayin kita sa park mamaya. Una na ako." Paalam nya at as usual iba nanaman ang kasama.

Kinuha ko ang bag ko at nagpaalam kay Jungkook na baka malate ako ng uwi. Lumabas na ako sa school at pumunta sa park. Hawak ko ang regalo ko sa kanya.

"Happy Monthsary!" Sabay naming sabi. Niyakap nya ako at ngumiti sya sa akin. Inabot nya sa akin ang regalo. "Saranghae!" Sabi nya at hinalikan ako sa pisngi.

Naupo kami sa bench. "Ang tahimik mo." Sabi nya. Nilabas ko ang bracelet na regalo ko sa kanya.

Kinuha ko ang kamay nya at nilagay ko ang bracelet. "Riri..." Sambit ko habang nagpipigil ng luha. "Chim... W-waeyo?" Tanong nya.

"Riri, tapusin na natin to..." Sambit ko.

▪️▪️▪️▪️▪️

Lerizze's POV

Napatigil ako sa sinabi nya. "A-ano?" Tanong ko ulit. "Tapusin na natin to." Sagot nya habang nakayuko. Humihigpit ang paghawak nya sa kamay ko.

"Bakit? Anong mali? Sabihin mo." Sabi ko habang pinipigil ang mga luhang gusto nang tumulo. "Alam kong ayaw mo na. Alam kong gusto mo na akong pasukuin. Rizze, napapagod din ako. Alam ko si Sehun hyung ang gusto mo. Alam kong hindi mo na ako mahal. Rizze, gaya nung sabi ko sayo noon, wag mo akong saktan nang ganito." Sambit nya.

"Jimin, makinig ka, mahal kita okay? Mahal na mahal kita. Kung ano man yung dahilan ng sakit na nararamdaman mo, it's just a play. Pinagseselos lang kita. Jimin, wag namang ganito." Sabi ko habang umiiyak.

"Ayokong maawa ka sa akin. Gawin mo yung gusto mo. Ayoko nung babalik ka kasi naawa ka. Gusto ko yung makikita ko yung care mo dahil mahal mo ako." Sabi nya at dumukdok sa balikat ko. "Mahal kita Rizze, pero masakit na."

"Jimin, pinagseselos nga lang kita. Yun yung pakulo ko bago yung monthsary." Sabi ko habang hinahalikan ang ulo nya. "Jimin, umayos ka."

"Bakit ka nananakit Rizze? Masama ba akong bf sayo?" Tanong nya. Ngumiti ako at inangat ang ulo nya. "Ako ang naging masamang gf sayo. Hindi ko alam na nasasaktan na kita. Akala ko, akala ko ok lang. Ang manhid ko. Bakit ganun?" Naiinis na sabi ko. "Jimin, wag ganito please."

Niyakap nya ako at ramdam ko ulit ang pagkabasa ng manggas ng uniform ko. "Sabihin mo kapag ayaw mo na ako an ang bibitaw." Sabi nya. "Ano ba, kailan ba kita aayawan? Kapag puno na yung salaan? Kapag puti na ang uwak? Kapag tumangkad ka na?" Umirap sya sa akin. "Joke lang hahaha. Saranghae. Wag ka nang umiyak. Nakakainis ka." Sabi ko at inangat muli ang ulo nya. "Sorry kung nasaktan ka." Sabi ko.

Mula nya akong niyakap. "Ayoko lang kasing mawala ka sa akin. Ang tagal naman kasi nun, halos dalawang linggo yata. Ngayon ka lang sumabay sa akin." Sabi nya.

"Halika na, kumain na tayo. Nagprepare ako ng cake para sa atin. Monthsary natin wag ka nang malungkot. Sorry na ah.." Sabi ko.

Kumalas sya mula sa pagkakayakap sa akin at agad akong hinalikan.

Inabot ko sa kanya ang kutsara at nagsubuan kami ng cake.

"Happy monthsary Riri, saranghae." Sabi nya at hinalikan muli ako.

▪️▪️▪️▪️▪️

Lahh sana all. Wala kinikilig nanaman ako.

Vomment
Support
Follow

K-Pop Academy 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon