Chapter 8:I'll wait for you

68 4 0
                                    

Chapter 8:I'll wait for you

Lianne's POV

"Lianne, lumalala na ang sakit mo. Kailangan mo nang magpaopera. Inumin mo lagi ang mga gamot mo." Sabi ng ni Dr. Song.

Lumabas ako sa clinic nya at sinalubong ako ni Vernon. "Lumalala na raw ang sakit ko. Kailangan ko nang magpaopera." Sabi ko. "Maghanap na tayo ng magdodonate ng puso." Sabi nya. Umiling ako. "Hindi ako magpapaopera. Gastos lang yan. Kaya pa naman ng gamot eh.. Tsaka bakit pa ako magpapaopera kung walang kasiguraduhan kung makakasurvive ba ako after kong maoperahan." Sabi ko. Napabuntong hininga nalang sya.

Bumalik kami sa school at tahimik lang ako buong maghapon. Pag-uwi ko ay napatingin ako sa mga gamot na nasa drawer ko. Bakit pa ako iinom ng gamot kung hindi naman ako gumagaling diba? Wala nang kwenta ang mga gamot na yan. Kinuha ko ang lahat ng yun at tinanggal ko ang takip ng basurahan pero may pumigil agad.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin?" Tanong ni Ella. Kinuha nya ang gamot sa kamay ko at binalik sa drawer. "Balak mo bang patayin ang sarili mo dahil sa sakit na yan?" Tanong pa nya.

"Hindi ko na kailangan ng gamot. Hindi naman ako gumagaling." Inis na sabi ko. "Edi magpaopera ka." Sabi nya.

"Bakit pa ako magpapaopera kung wala namang kasiguraduhan? Bakit pa ako iinom ng gamot kung mamamatay rin naman ako." Sabi ko habang umiiyak.

"Tumigil ka na Lianne!" Sigaw nya. "Bakit ba pinipilit mo yung mga desisyon mo? Isipin mo rin yung mararamdaman ng mga magulang mo."

"Magulang? May magulang pa ba akong matatawag kung tinalikuran na nila ako?" Tanong ko.

"Sige. Isipin mo nalang yung mararamdaman namin. Ni Namjoon. Paano nalang sya kung mawawala ka diba?" Sabi nya at nakikita kong naiiyak na rin sya. "Lianne, lumaban ka. Akala ko ba gusto mong maging journalist? Paano mo magagawa yun kung hindi lalaban diba? Matapang ka. Please, lumaban ka. Lakasan mo yung loob mo." Sabi ni Ella habang pumipiyok dahil na rin sa pag-iyak.

"Ayoko lang kasing mahirapan yung iba dahil sa akin." Sabi ko. "Ibig sabihin lang nun mahal ka nila." Sabi nya.

Lumabas ako at pumunta sa park. Tinawagan ko si Namjoon. Ayoko na syang saktan. Ayokong malaman nya at ayokong intindihin pa nya ako.

"Jagi!" Lumingon ako sa puno at nakatayo sya dun. Pinunasan ko muna ang luha ko tsaka ako lumapit sa kanya. Niyakap ko agad sya. Gusto kong i-spent ang buong gabing to na kasama lang sya.

"Di mo naman yata ginagawa yung project nyo eh.." Sabi nya. Ngumiti lang ako. "Haha! Kaya ko pa namang apurahin yun eh.." Sabi ko.

"Jagi, ang tagal ko nang di nagbibigay ng gift sayo." May nilabas syang box. Kinuha nya ang kwintas dun. Pumunta sya sa likod ko at sya ang naglagay nun. Niyakap nya ako sa likod. "Saranghae!" Sabi nya. Hinawakan ko ang kamay nyang nasa bewang ko. "Nado saranghae." Sagot ko habang pinipigil ang luha ko.

"Let's eat a snack." Sabi nya. May nilabas syang baunan tsaka nya binuksan yun. Pick-a. Kumuha agad ako ng piattos. "Lately ang tahimik mo kapag magkasama tayo." Sabi nya. "Wala." Sabi ko. "May problema ba?" Tanong nya. Umiling lang ako.

Hinawakan nya ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. Tinitigan nya ako. "Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong nya. "Ani. Inaantok lang ako." Sagot ko. "Hatid na kita." Sabi nya.

Sabay kaming naglakad pabalik sa bahay at bago sya umalis ay hinalikan ko muna sya sa labi. Alam kong ito na yung huling pagkakataon na magkasama kami as couple. Gusto kong mag-iwan sa kanya ng halik at yakap. "Saranghae." Sabi ko at tipid na ngumiti. "Goodnight jagi!" Sabi nya bago umalis.

K-Pop Academy 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon