Chapter 24:Can you be my partner?
Chanmi's POV
"Mia, tapos ka na ba? Late na tayo!" Sigaw ni Anne mula sa labas. Ako nalang kasi ang hinihintay. "Teka lang!" Sagot ko at tumakbo palabas. Tulog pa yata si Jihyun oppa kaya sinara muna namin ang pinto.
Nang makapasok na kami ay sumabay sa akin si Issa. "Ex mo oh." Sabi nya habang nakaturo kay Hoseok. "Masaya ka na nyan?" Tanong ko at umirap sa kanya. "Bat ayaw mong balikan?" Tanong nya. "Balik balik, may Jasmin na yan." Sagot ko. Nagkibit balikat lang sya. "Sige na!" Paalam ni Issa at sumabay kay Hani. Naglakad ako papunta sa room namin.
Nakakapagod ding umakyat minsan. Napatingin ako sa relo ko 8:01. Hala late na ako! Tumakbo ako papasok sa room nang may mabangga ako.
"M-mianhae." Sabi ko at dahang-dahang tumayo. Ok walamg nahulog sa gamit ko pero honestly ang sakit ng pwet ko. Bumagsak kasi ako mula dun sa pagkakabangga. Nilahad nya ang kamay nya kaya inabot ko naman yun.
Pumasok na ako sa room pero di ko alam bakit nakasunod sa akin yung nakabangga ko. "Good morning po." Sabi ko. Kapapasok lang din yata ng prof dahil nakalagay pa sa balikat nya ang bag.
"Good morning Ms. Lysondra and Mr. Jung." Sagot nya. Mwo? Jung? Napalingon ako sa likod ko at si Hoseok nga yun. Natulala ako at di ko alam na nakaupo na pala sya.
"Bakit nakatayo ka pa?" Tanong ng prof. Nagtawanan ang mga kaklase ko kaya dali-dali akong naupo. Si Hoseok ang nasa likod ko.
"Malapit na ang exam nyo. Make sure na ready na kayo." Paalala ng prof. Kinalabit ko si Jay na katabi ko. "Pwedeng papic ng notes mamaya? Di ko kasi nakuha yung notes kahapon." Sabi ko. Inabot nya ang notes nya at nagpicture agad ako. "Thank you" Sabi ko.
"Next week exam nyo na pero bago yun I want to give you a task." Tahimik lang kaming nakikinig. "Kanya-kanyang pili nalang kayo ng kasama. This should be done by pair." Sabi pa nya.
"Jay, pwede ikaw kapartner ko?" Tanong ko kay Jay. "Si Marco kapartner ko eh." Sagot nya. "Angelica, may kapartner ka na?" Tanong ko sa nasa harapan ko at agad syang tumango. Nang break time na ay nanamantala na ako. Nag-isa-isa na ako ng tanong pero lahat sila ay may partner na.
Lilipat na kami ng room pero naiwan ako dahil inaayos ko pa ang gamit ko. "Ako di mo ba tatanungin kung may partner na?" Tanong nya. "Sure naman ako magagalit si Jasmin." Sagot ko. "I just want to say wala akong kapartner pero kung ayaw mo di naman kita pipilitin. Just to remind you na kapag mali ang bilang ng members automatic 75 ang grades." Sabi nya at umalis na. Sinusubukan ba nya ako?
Naglakad akong mag-isa papunta sa kabilang building. Maraming tao ang naglalakad since may mga lumilipat din ng room. Pagpasok ko as usual late ako.
Naupo nalang ako sa pinakalikod since yun ang bakante. May sinagutan kaming activity at mabilis na lumipas ang oras.
Problemado pa rin ako sa isang project. Sa Friday na papass yun wala akong kapartner at di ko alam kung anong gagawin.
Nagtext ako sa kanila na mauuna na akong umuwi dahil kailangan kong bumili. Ako na gagawa kesa walang maipass. Nagcommute ako papunta sa bilihan ng mga gamit. Ang hirap pumili kasi wala akong idea. Wala na akong alam na gawin kaya umuwi muna ako at ginawa ang mga assignment ko.
"Jihyun oppa, may idea ka ba kung anong pwedeng gawin dito?" Tanong sa kanya at pinakita ang sample ng project na gagawin. "Wala eh." Sagot nya.
Bumalik ako sa paggawa ng assignment nang may magtext sa akin.
From:09*********
Nakita kita kanina, wala kang maisip noh?
Ano nanaman ba? Nananadya ba sya? Hindi ako nakikipagbiruan.
Kinabukasan pumasok ako na kumpleto lahat maliban sa kapartner. Hala major subject yun! Tahimik lang akong nakaupo sa pwesto ko. Ako palang ang tao at si---
"Ano? Wala pa akong kapartner." Uhh! Pinipilit nya ba ako? Excuse me? Di ako marupok at kahit may feelings pa ako sa kanya hindi naman ako uto-uto na papayag na maging partner sya. "Tuesday na, sa Friday na ipapass. May idea na ako." Sabi pa nya. Inirapan ko lang sya at nagfocus sa gagawing project.
Lunch na at wala akong kasabay dahil busy na kaming lahat. Lumapit si Arvin sa akin.
"Mwo?" Tanong ko. Umiling sya at nakiupo sa harap ko. Kalahati palang ang nababawas sa pagkain ko nang may humila sa akin.
"Munje?!" Tanong ko. "Minamanyak ka nanaman ba?" Tanong nya pabalik. "Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko ulit.
Hinawakan nya ang balikat ko. "Mia, ayoko sa lahat yung magkalapit kayo ni Arvin, oo wala akong karapatan kasi di naman tayo pero Mia mahal kita ayoko lang mapahamak ka." Sabi nya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong natahimik.
"H-Hoseok..." Tawag ko sa kanya pero hindi sya lumingon. "Sana naman mag-ingat ka. Mia minsan ka nang nabiktima nun. Matuto kang alagaan yung sarili mo." Sabi pa nya at umalis.
Bumalik ako sa pwesto ko sa cafeteria. "Anong sabi nya?" Tanong ni Arvin. "Akala nya di pa tayo ok." Sagot ko. "Alam mo makipag-ayos ka kay Hoseok naguguluhan din yun." Sabi nya.
Natapos kaming kumain at bumalik ako sa room. Nandun si Hoseok at tahimik lang sa isang tabi.
Hapon na naman at uwian na. Wala pa rin akong kapartner. Napabuntong hininga nalang ako. Nag over time kami ngayon at ako nalang ang nasa room.
Paglabas ko ay nasa hallway pa pala si Hoseok. Hindi ko alam pero wala na akong choice. "H-Hoseok..." Tawag ko sa kanya. "P-pwede ka bang maging partner ko?" Tanong ko. "Pakipot ka pa kasi." Sabi nya. Hinila nya ako palabas at nakarating kami sa pinuntahan ko kahapon. This time may nabili na kami.
"Bukas na tayo gumawa. Halfday lang naman tayo. Sa hapon lang yung pasok." Sabi nya. "Eodi?" Tanong ko. "Sa dorm namin." Sagot nya.
Hinatid nya ako sa bahay. "Kayo na ulit?" Tanong nila. "Aniyo. Hindi ako marupok." Sagot ko.
Kinabukasan ay sinundo ako ni Hoseok. 7:30 palang ay nandun na sya sa bahay namin. "Di raw marupok." Sabi nila. Inirapan ko silamg lahat.
Nandun na kami sa dorm nila at nagsigawan ang mga kasama nya. "Kelan ba comeback natin?" Tanong ni Jungkook. Etong ilong na to kahit kailan nangunguna sa ganyang bagay.
"Pabayaan mo sila." Sabi ni Hoseok. Ang awkward nung umalis na sila. Tahimik lang kaming gumagawa ng project.
"Hoseok." Tawag ko sa kanya. "Thank you kasi pumayag kang magkapartner tayo." Sabi ko. "May kapalit to." Sabi naman nya. Ngumiti sya at lumapit sa akin. "Dapat partners na tayo forever. Yung video na pinangsurprise ko sayo noon may katuloy pa yun eh." Sabi nya na parang nagpaparinig talaga.
"Sumbong kita kay Jasmin." Sabi ko. "Ok let me explain. Lasing na kasi sya nun kaya dinala nya ako sa kwarto nya eh ayokong manakit ng babae kaya hinayaan ko nalang. Pagkatapos mangyari nung sinend nya sayo umuwi na ako." Mahabang paliwanag nya.
"Did I asked for it?" Tanong ko. "Aniyo. Pero ineexplain ko lang kasi ayokong mag-LQ tayo." Sagot nya. Mia, di ka marupok.
Tumayo sya saglit at maya-maya lang ay katabi ko na sya. Bumulong naman sya agad. "Will you be my partner again?" Tanong nya. Hindi ako sumagot agad. Naririnig ko ang paghinga nya. "Bago mo ako tanungin ng ganyan itanong mo muna kung may feelings pa ako sayo." Sabi ko.
"Kahit wala ka nang feelings gagawin ko lahat para maibalik yun." Hoseok ano ba, hindi ako marupok.
"So will you be my partner again?" Tanong nya ulit. Tumango ako at pagkatapos kong tumango ay hinalikan nya ako sa pisngi. "Saranghae. Please lang Mia mag-ingat ka kay Arvin." Sabi nya at bumalik sa pwesto nya.
▪️▪️▪️▪️▪️
So di ko alam kung tama yung spelling alam ko yung laman pero di ko alam kung may typo kasi nagpapatugtog ako ng Gurenge habang nagtatype. Pero so far sa kanila ako pinaka kinilig.
Vomment
Support
Follow
BINABASA MO ANG
K-Pop Academy 2
FanfictionAng buhay ay parang panahon, minsan di mo maintindihan. Pero sa istoryang ito, malalaman ang halaga ng pagmamahal, pagkakaibigan at pagpapatawad. Book 2 of K-Pop Academy by:enieral_27 *Taglish* Started:November 07, 2017 Finished:July 25, 2020
