Chapter 12:She's Back

46 2 0
                                    

Chapter 12:She's Back

Krisha's POV

Hindi ko maiwasang kabahan sa nabasa ko.

IU safely arrived in the Philippines.

Bumalik ba sya para... No. Hindi pwede.

"Krisha, nakita mo na ba?" Tanong ni Mat. Dahan-dahan akong tumango. "I'm afraid." Sambit ko. Naglakad na ako palabas ng bahay at pumasok sa school. Pagpasok ko sa room ay tahimik sila... Kaya pala, may nag-away. Ano sila, high school students?

"Krisha, pahiram ng notes mo sa biology." Sabi ni Cha Eunwoo. Inabot ko sa kanya ang manipis na notebook.

Nilabas ko ang phone ko at yun ang laman ng news feed ko. Sht!

May nareceive akong message galing kay Jungkook.

Noona, tara sa cafeteria, kita ko sched mo sabay breaktime natin :-)

Pumayag ako at after 3 hours ay lumabas na ako tsaka ko pinuntahan si Jungkook sa cafeteria.

Tahimik lang akong kumakain. "Waeyo?" Tanong nya. Ngumiti lang ako at umiling.

"Nabasa mo na ba?" Tanong nya. Tumango ako. Tumayo sya at niyakap ako. "I love you okay? Trust me. I'll not hurt you." Sambit nya at hinalikan ako sa noo.

"Noona, hawakan mo yung kamay ko." Sabi ni Jungkook. Sinunod ko sya at sabay kaming umalis ng cafeteria.

Dinala nya ako sa likod ng building. Tinulak nya ako sa pader at mabilis pa sa kidlat ang biglaang paghalik nya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinabayan ko sya sa paghalik sa akin. Ikinawit ko sa leeg nya ang kamay ko at naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay nya sa bewang ko.

Tinulak ko sya nang maramdaman kong nawawalan na ako ng hininga. "You're mine, I'm yours. I love you.." Nilapit nya ang mukha nya sa akin pero sinabi kong.. "Wag!"

"Hahahahahahahahahahahahahaha! OA mo noona, kiss lang kita sa noo eh..." Sabi nya. Napahiya ako dun. Umalis na ako pero naramdaman ko ang paghabol nya ay pagsabay sa paglakad ko.

"May klase na kami." Paalam ko. "Ingat ka noona! I love you!" Sabi nya at ngumiti.

Pumunta na ako sa room namin at naabutan kong nagdidiscuss ang prof. Sht!

"S-sorry I'm late." Sabi ko. "Take a seat." Sabi nya at dali-dali akong pumunta sa pwesto ko. Hala! Nawawala yung wallet ko. May 200 ako dun.

"Wae?" Tanong ni Jinyoung. "Nawawala yung wallet ko." Sagot ko. "Lagot ka. Sumbong kita sa nanay mo." Nilabas nya ang wallet nya tsaka pinakita sa akin ang laman. "Buti yung akin di nawawala." Sabi nya.

Alam kong siraulo ka Jinyoung, pero nagdidiscuss si prof kaya magtigil ka.

"For your project!" Napalunok ako. Magastos sa subject na to eh.. "Gagawa kayo ng products. Bahala kayo sa ka-group nyo. Magbebenta kayo sa labas ng school within one week. Wala akong pake kung anong ibenta nyo. Wag na wag lang ang alak, sigarilyo at lalo na ang droga. Ipapatokhang ko kayo. Class dismiss!" Napabuntong hininga nalang ako.

Lumabas muna ako para magpahangin. "Oh? Paano ka bibili ng gamit?" Sinamaan ko ng tingin si Jinyoung. Nanggigigil na ako rito eh.. "Ibabalik kita sa SoKor." Sabi ko. "Dapat ibalik mo muna yung wallet mo." Umalis na ako dun at pumunta sa isang sulok ng room.

"Cha Eunwoo pahiram ng notes." Sabi ko. Inabot nya sa akin ang notebook nya at pumunta ako sa pwesto ko.

Tahimik akong naglelecture nang may kumuha ng notebook ko.

"Halika na!" Anong trip ni Jimin? "Wae? Di pa namin uwian." Sabi ko. "Akong bahala. Basta halika."Sabi nya. "Bakit nga? Isusumbong kita kay Jungkook." Banta ko. Nagsmirk lang sya at hinila ako palabas.

"Yung bag mo, wag mong sabihing pati to iiwan mo?" Ayan nanaman sya. "Babalikan ko. Bwisit ka!" Sagot ko.

"San tayo pupunta?" Tanong ko. "Secret. Gusto mong clue?" Tanong nya pabalik. Gawapo na hot pa eh.. "Ah.. Wag na, baka surprise eh.." Sabi ko.

Naglakad kami palabas ng school. "Teka nga.. Bakit lalabas na tayo?" Tanong ko. "Daming tanong. Mag-google ka nalang. Halika na!" Sabi nya. Naglakad kami papunta sa bahay namin.

"Bat magkasama kayo?" Tanong ni Rizze "Hehe! Nautusan lang ako." Sagot ni Jimin. Lagot ka.. Kasi ikaw eh..

"Lumayas ka! Krisha, mag-uusap tayo!" Sabi ni Rizze. Hindi ko alam kong nanloloko lang ba to o seryoso na, pero ayun sinunod namin sya.

"Oy! Seryoso ka ba dyan?" Tanong ko. "Magbihis ka ng dress oh ayan." Sabi nya at inabot sa akin ang red dress. Kinuha ko na yun at mabilis akong nagpalit.

Paglabas ko ay sinalubong ako ni Rizze. "You need to be pretty." Sabi nya. Kinuha nya ang make up kit sa taas at inayusan ako.

"Di ka ba pumasok?" Tanong ko. "Half day." Sagot nya.

⚪⚪⚪⚪⚪

Jungkook's POV

Nasa school pa rin kami. Nagpatulong ako kay manager na mag-ayos dito. May banner sa gitna na 'Happy anniversary.' May table and chairs sa tapat nun at madilim. May mga ilaw na nakalagay sa pathway. Color red sila at heart shape.

Umuwi muna ako sa dorm para makapagbihis. Nakablack tux lang ako.

"Para kang ikakasal." Sabi sa akin ni Hoseok hyung. "Sana." Sagot ko. "Shy shy shy." Sabi nya. Napataas ako ng kilay sa sinabi nya. "Diba sya yung sa shy shy shy?" Oo nga pala.

"Mas maganda pa yung dad jokes ko dyan eh.." Sabi ni Jin hyung. "Tama na yan." Sabi ni Yoongi hyung. "Inuman na?" Natatawa kong sabi.

"Hahahahahahaha!" Buti pa si Jimin hyung. "Parteh!" Sigaw ni Tae hyung. "Hindi to party. Shut up. Manonood lang tayo dun." Sabi ni Jin hyung. "Sayang. Kala ko pa naman may tugs tugs tugs." Sabi ni Tae hyung. "Wala. Ayan sa tabi mo may tigs tigs tigs." Sabi ko. "Ha? Bakit si Hoseok hyung?" Tanong ni Tae hyung. "Anong sabi ng kabayo?" Napaisip naman sya at tumawa bigla. "Hahahahahahahahahaha!" Supportive si Jimin hyung.

"Jimin, di ka na ba tatawa sa dad jokes ko?" Tanong ni Jin hyung. "Syempre tatawa pa rin. Eh.. Kakaiba kay maknae eh.." Sagot ni Jimin hyung.

⚪⚪⚪⚪⚪

Krisha's POV

Hinatid ako ni Mat sa school. Ayan, may party ba? Di ako nainform.

"Yung wallet mo nasa ilalim ng upuan mo. Bag mo pinadala ko na sa bahay mo." Eto nanaman sya. Umirap lang ako sa kanya.

Nagpatuloy ako sa lugar kung saan man may party. Pagpasok ko dun ay ang lakas ng tugtog.

There's a shop down the street
Where they sell plastic rings
For a quarter piece I swear it
Yeah I know that it's cheap
Not like gold in your dreams
But I hope that you'll still wear it

Yeah the ink may stain my skin
And my jeans may all be ripped
I'm not perfect but I swear I'm perfect for you

Natutuwa na ako sa kanta lalo na nang makita ko si Jungkook sa harap at may hawaka na 'Happy Anniversary' banner. Pero nagulat ako sa sunod na nangyari.

✳✳✳✳✳

Note:Pabitin po muna

Vomment
Support
Follow

K-Pop Academy 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon