Chapter 26: I will take care of you
Lianne's POV
"May magdodonate na ba ng puso?" Tanong ni Vernon. "Wala nga akong balak." Sagot ko. "Anne, alagaan mo naman yung sarili mo. Kung ano man yung trato ng magulang mo sayo wag mo nang isipin ang isipin mo yung sarili mo. Nabubuhay ka rito para sayo at para sa mga taong nakapaligid sayo." Sabi nya. "Eh wala na nga. Di naman sure kung mabubuhay." Sagot ko. "May chance yan, ayaw mo lang tanggapin." Sabi nya.
Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi ako makakibo. "Alam na ba ng magulang mo?" Tanong nya. "Aniyo." Sagot ko. "Sabihin mo kasi. Kahit naman nagalit sila sayo, walang magulang na natitiis ang anak nila." Sabi nya. "Natatakot ako." Sagot ko. "Anne naman, ano bang gusto mo? Sasamahan pa kitang humarap sa magulang mo at sabihing may sakit ka?" Alam kong naiinis na sya sa akin. Tumahimik nalang ako pagkatapos nun.
Habang nagkaklase ay tahimik lang ako. Dalawang subject ang exam namin ngayon. "Anne, ballpen nga." Sabi nya kaya inabutan ko sya ng ballpen. "Anong sagot sa 3?" Tanong nya.
"Mr. Choi, Ms. Chua!" Tawag ng prof sa amin. "Keep quiet." Sabi nya. Ilang beses na kaming nahuhuling nagkokopyahan. Ewan ko ba dyan, kalakas kasing bumulong.
Nakita ko ang mata nyang nakatingin sa direksyon ko. Nagtap ako nang dalawang beses para sabihing B ang sagot. Pag kasi tinaas ko ang dalawang daliri mahahalata kami, technique na yun ng iba eh.
Up to 100 ang exam at ewan ko kung papasa ako ngayon. "Ilan nasagutan mo?" Tanong ko kay noo. "Mwolla. Basta makalahati ok na ako." Sagot nya.
"Anong oras yung kasunod?" Tanong ko. "4:30. Isang oras pa yung bakante." Sagot nya.
Lumabas ako at pumunta sa canteen para bumili ng meryenda. Doon na rin ako nagreview. Mag-isa lang ako at walang masyadong tao. Napatingin ako sa harapan ko. Mag-isa lang din sya at nagrereview rin yata.
Biglang nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko naman agad ang tawag.
(Ma?)-ako
(Nak, kumusta?)-sya
(Ok lang po ma.)-ako
(Exam nyo na diba? Uuwi pala kami dyan next week. Saglit lang kami.)-sya
(Ma...)-ako
(Wae?)-sya
(W-Wala po. Sige po ma, ingat po kayo.)-ako
Natapos na ang call at nakatitig lang sa akin si Namjoon. Nang mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay nag-iwas sya ng tingin.
Naiilang ako kaya pumunta muna ako sa field. May nga naglalaro lang pero tahimik siguro nagtetraining lang sila.
"Anne!" May tumabi sa akin kaya nilingon ko sya. "Kayo na ni Vernon diba?" Tanong ni Jin. Hindi ako sumagot. Ang hirap din kasi, alam ko napapansin din nila hindi kami palaging magkasama ni Vernon. "Ano yung totoong dahilan?" Tanong nya. Hindi ako makakibo, paano ba to?
"Anne, gusto kay balikan ni Namjoon. Hindi nya lang magawa pero halata nyang hindi kayo ni Vernon. Anne, nakikita ko yung lungkot sa mga mata mo, wala namang masama kung sasabihin mo yung totoo." Sabi nya. Umiling lang ako at umalis na dun. Ayokong malaman ng iba, baka malaman ni Namjoon, ayoko nun, kapag nalaman nya at nakiusap syang balikan ko sya, syempre babalik ako, at paano kapag naging kami ulit? Pano kung... Kung hindi na ako gumaling?
"Anne! San ka galing?" Tanong ni Vernon. Ilang minuto nalang mag-eexam nanaman kami. "Dyan lang." Sagot ko. "Magpahinga ka nga mamaya." Sabi nya.
Nang uwian na ay sumabay ako kay Ecka. Nag-overtime din pala sila. So bale thirdwheel ako dahil kasama namin si Baek.
Magkaholding hands sila at ako ay kaholding hands ang sarili ko. "Makiramdam naman kayo." Sabi ko. Tinawanan lang ako ni Ecka.
BINABASA MO ANG
K-Pop Academy 2
FanfictionAng buhay ay parang panahon, minsan di mo maintindihan. Pero sa istoryang ito, malalaman ang halaga ng pagmamahal, pagkakaibigan at pagpapatawad. Book 2 of K-Pop Academy by:enieral_27 *Taglish* Started:November 07, 2017 Finished:July 25, 2020