Chapter 3: Schmitt University

318 86 17
                                    

Nagising ako dahil sa lakas ng tunog ng alarm clock ko. Napahawak ako sa ulo ko, ang sakit. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kay kuya.

"Zay anak, gising na, mahuhuli ka na sa school." Napabalikwas ako sa kama. Oh my!

Nagmadali akong maligo at magbihis. Pagkababa ko, naabutan ko si Nana nag-aayos ng breakfast. Nando'n na din si Kuya. 7:45 na. 8:00 class ko. Male-late na 'ko!

"Nana, aalis na po ako." Sabi ko at humalik na sakanya.

"Hindi ka na kakain iha?" Tanong ni Nana, si kuya naman ay nakatingin lang sakin.

"Hindi na po, sa school na po. Male-late na 'ko eh. Bye Nana." tumalikod na 'ko at kinuha ang bag at phone ko.

10 missed calls from Kelley Taylor

Nag-text na ako agad kay Kelley.

To: Kelley Taylor

Kels, sa school na tayo magkita. Na-late kasi ako ng gising. See you.

Sent.

Nag drive na ako papunta sa Schmitt University. Tiningnan ko yung wrist watch ko 7:52 na. 8 minutes nalang.

Dumating ako sa Parking lot ng school ng 7:59. Nag-text na ako kila Kelley na nandito ako sa parking lot. Kukuhain pa kasi namin yung sched namin eh.

"Zay!!" lumingon ako sa tumawag sakin.

"Tara na, nakuha niyo na ba sched niyo?" Tanong ko sakanila nang makalapit sila sakin.

"Yes, and here's your schedule." Inabot ni Naths yung paper na naglalaman ng sched ko.

A-1 ako, kasama ko si Mitch at Casey. A-2 naman si Nathalie at Kelley.

Naghiwa-hiwalay na kami at nagmadali kaming tatlo na pumunta sa room namin. Late na kami! First time ko 'to! I've never been late before!

"Ahm, good morning Sir. Sorry we're late." sabi ni Mitch na hinihingal pa.

"It's okay, come in. First day pa lang kaya pagbibigyan ko kayo but don't be late next time." Nag nod kami at naghanap ng vacant seats. Sa likod nalang mga vacant. Tsk. Ayoko pa naman sa likod na likod. Nakaaantok eh, pero no choice na din kami eh.

"So class, this is our first day. I will introduce myself first. I am Mr. Michael Rodriguez." sabi ni Sir Rodriguez. Mukha pa siya bata, siguro bagong teacher lang siya.

"Sir!! Can I ask you a question?" sabi ng babae na ang kapal ng make up.

"Yes of course, what is it?" Sir Rodriguez.

"How old are you Sir?" barbie 1

"I am 22 years old." What?! 22 lang siya? Ang bata naman niyang teacher.

Kung ano ano pang tinanong nila. Seriously? Interview ba niya 'to? Hindi naman ako na inform sana hindi na 'ko nagmadaling pumasok. Magkanda-dapa dapa pa kami sa pag akyat dito tapos ito lang pala gagawin.

"Enough of that class. Now, I'll arrange you first according to your last name, in short alphabetically arrange." What again?! Feeling high school lang?

"Grabe naman. Bakit alphabetically pa? Hindi tuloy tayo magkatabi." Sabi ni Casey sakin. Mukhang matutuyuan nga ako ng laway dito.

Tinawag na 'ko ni Sir Rodriguez at tinuro yung uupuan ko. Napatingin ako sa makakatabi ko, Nakatingin siya sakin. Teka?! Parang... parang kilala ko siya? Parang nakita ko na siya. Saan nga ba yo'n? Nakatitig pa din siya sakin. Yung mga mata niya parang nakita ko na sa... Ah!! Sa National Bookstore!! Oo nga siya nga!!

Once in a LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon